Hesperian Health Guides
Bakit napa pa trabaho sa prostitusyon ang mga babae
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 20: Kababaihang nagtatrabahom sa prostitusyon > Bakit napa pa trabaho sa prostitusyon ang mga babae
Mas nanaisin ng karamihan ng babaeng nagbebenta ng seks na magkatrabaho na maayos ang kita at nagbibigay ng dignidad at respeto.
Akala ng maraming tao, nagtatrabaho sa prostitusyon ang mga babae dahil imoral sila o masyadong tamad para humanap ng ibang trabaho. Pero ginagawa ito ng karamihan dahil kailangan nila ng pera at walang ibang paraan para kumita. Kailangan nila ng pera para sa pagkain at tirahan, para suportahan ang mga anak at pamilya, para magbayad ng utang, o para bumili ng droga.
Madalas lumilitaw ang desperadong pangangailangan na ito sa mga sitwasyong hindi makontrol ng babae. Halimbawa, namatay ang asawa, hiniwalayan siya, o inabandona ng asawa o pamilya. O ginahasa siya o nabuntis nang wala sa plano kaya wala nang gustong magpakasal sa kanya. Kung wala siyang kasanayang panghanapbuhay o paraan para kumita, ibinebenta niya ang tanging pag-aariâang sariling katawanâ para mabuhay.

KUWENTO NG ISANG MAHIRAP NA BABAE
Alas-9 araw-araw, lumalabas si Nawal (hindi niya tunay na pangalan) mula sa maliit na kuwarto nilang mag-asawa, kinakandado niya sa loob ang 2 maliit na anak, at naglalakad siya patungo sa isang mayamang parte ng bayan kung saan siya ânagtatrabahoâ. Suot ang isang tradisyonal na damit na kupas na ang kulay, at isang mumurahing itim na bandana na maluwag na nakabalabal sa ulo, mukha siyang karaniwang mahirap na babaeng nasa lahat ng dako ng Cairo, Egypt. Pero iba siya. Si Nawal ay 20 taong gulang at nagtatrabaho sa prostitusyon.
May kalye na âtinatrabahoâ si Nawal hanggang mag-alas-2 o 3 ng hapon, at kumikita siya ng humigit-kumulang US$6 bawat araw. Hindi siya nagtatrabaho kung Biyernes o mga banal na araw para may panahon makasama ang pamilya: ang asawa niya, na panapanahong manggagawa sa konstruksyon, at 2 anakâ4 na taong lalaki at 1 taon na babae.
Bulag ang tatay ni Nawal at nagpapalimos sa central Cairo. Nang bata pa si Nawal, mas matagal pang nasa kalye siya na akay-akay ang ama kaysa nasa bahay. Ni hindi niya nakita ang kanyang nanay. Sa edad na 13, nag-asawa si Nawal.
Makaraan ang dalawang taon, matapos isilang ang una niyang anak, kinailangan niyang humanap ng trabaho. Pakaunti nang pakaunti ang nakukuhang trabaho ng kanyang asawa. Dahil walang edukasyon at kasanayan, sinubukan ni Nawal na magtrabaho bilang tagalinis ng bahay sa isang gusali ng mga apartment. Pero huminto siya dahil kapalit ng pagpapakilala sa mga kustomer, gusto ng mga guwardya ng gusali na makipagtalik sa kanila.
Hindi ginagamit ni Nawal ang salitang âputaâ para ilarawan ang sarili. Tagapagsilbi ang tawag niya sa sarili. Alam niyang kailangan mag-ipon ng pera para sa mga anak: âGusto kong makapag-aral ang mga anak ko para hindi sila lumaking mga kriminal.â
Dahil hindi tinuturing na âtotoongâ trabaho ang ginagawa, walang anumang tulong mula sa gobyerno o sa pulis si Nawal at libu-libo pang babaeng tulad niya. Maraming beses nang nanakawan si Nawal, pero walang tumutulong sa kanya. Sa opisyal na mga ulat, wala siya at ang mga babaeng katulad niya. Ang tunay na pinagtataka niya, maraming tao ang nagaakalang gusto niya ang ganitong trabaho. Hindi ito totoo. Wala lang siyang alam na mas magandang paraan para mabuhay.
âmula sa isang panayam ni Ahmed Badawi
Dahil maraming lalaki ang natatakot na magka-HIV/AIDS kung sa nakatatandang babae sa prostitusyon makipagseks, may lumalaking hatak sa mga batang babae na pumasok sa bentahan ng seks.
Ang ibang babae ay napupuwersang magtrabaho sa prostitusyon. Madalas, naloloko ang mga babae na may magandang trabaho o mayamang asawa sa ibang bansa, pero sa halip ay ibinebenta sa prostitusyon. Pagkatapos, halos imposible nang huminto. Maaaring hindi legal ang pagpasok niya sa ibang bansa kaya wala siyang mga karapatan, walang pera, at walang paraang makauwi. Maaaring may malaking utang siya na dapat bayaran, o tinatakot na sasaktan ng amo kung aalis. Naging sekswal na alipin na siya.
![]() |
![]() |
Ibinenta ang batang babae ng pamilya niya sa pag-aakalang magkakatrabaho sa ibang bansa. Sa halip, ibinenta siya muli sa may-ari ng bahay-aliwan na pumupuwersa sa kanya na magbenta ng seks. | Nawalan ng bahay at lupa ang babaeng ito nang mamatay ang asawa, dahil walang batas na nagsasabing sa kanya dapat ipamana ang ari-arian ng lalaki. Kaya wala siyang pera ngayon. Nagsimula siyang magbenta ng seks para mapakain ang mga anak. |