Hesperian Health Guides

Mga klase ng pagputol sa ari ng babae

Sa kabanatang ito:

May 3 klase ng pagputol sa ari ng babae:

  1. Bahagi o buong tinatanggal ang tinggil (clitoris).
  2. Tinatanggal ang tinggil kasama ang mga maliit na tiklop ng balat sa panlabas na ari.
  3. Hinihiwa’t inaalis ang panlabas na ari, at tinatahi ang bukana ng puwerta hanggang sa halos masara. Tinatawag itong ‘infibulation.’ Nag-iiwan ng maliit na butas para makadaloy palabas ang ihi at regla. Pinakamapanganib ang ganitong klase ng pagputol at nagdudulot ng pinakamalubhang problema sa kalusugan. Pero maaaring magdulot ng pagdurugo, impeksyon at kamatayan ang lahat ng klase ng pagputol sa ari.

Iba’t iba ang paraan ng paputol sa babae sa iba’t ibang mga lugar, pero halos palagi itong bahagi ng seremonya kung saan natatapos ang pagiging bata at tumutuntong siya sa pagiging babae na nasa hustong gulang.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017