Hesperian Health Guides

Pampaampat ng Pagdurugo sa mga Bagong Panganak


Mga Bagong Panganak na Sanggol at Pagpapasuso: Mga Gamot

Vitamin K, phytomenadione, phytonadione


Gumagamit ang katawan ng vitamin K para mamuo ang dugo at mapaampat ang pagdurugo. Pero pinapanganak na walang gaanong vitamin K ang mga sanggol, kaya kung duguin sila sa anumang dahilan, puwedeng mabilis na mawala sa kontrol. Kung duguin ang bagong panganak sa anumang bahagi ng katawan (bibig, pusod, puwit), puwede kang magbigay ng vitamin K para maiwasan ang sobrang pagdurugo. Puwede ka ring magbigay ng vitamin K sa mga sobrang liit o sobrang agang pinanganak na sanggol (kulang sa 2 kg) para maiwasan ang pagdurugo dahil mas mataas ang tsansa nilang duguin. Hindi nakakapahinto ang vitamin K ng pagdurugo sa mas matandang bata o nakatatanda.

Paano gamitinNBgrninject.png
Mag-iniksyon ng 1 mg (isang 1 mg ampule, o ½ ng 2 mg ampule) ng vitamin K sa labas na bahagi ng hita sa loob ng 2 oras pagkapanganak.

Huwag mag-iniksyon ng dagdag pa; hindi ito makakatulong at maaaring makapahamak pa.