Hesperian Health Guides
Para sa Thrush (Ugam, Candida, Impeksyon ng Yeast)
HealthWiki > Bagong Kapag Walang Doktor > Kabanata 27: Bagong Panganak na Sanggol at Pagpapasuso > Para sa Thrush (Ugam, Candida, Impeksyon ng Yeast)
Gentian violet, GV, crystal violet, methylrosanilinium chloride
Murang panlunas para sa impeksyon ng yeast o lebadura sa bibig (ugam), sa utong ng nagpapasusong ina, sa tiklop ng balat, o sa gawing labas o loob ng puwerta. Tumatalab din ito laban sa ilang impeksyon ng bacteria sa balat.

Kayang makairita ng balat ang Gentian violet at magdulot ng singaw kung gagamitin sa bibig o puwerta. Ihinto ang paggamit kung may lumitaw na pagbubutlig o mga singaw.

Nagkukulay ube ang lahat ng malagyan ng Gentian violet. Kumukupas ang kulay sa balat matapos ang ilang araw, pero pwedeng permanente na ang mantsa sa tela.

Kung hindi magsimulang maghilom ang impeksyon sa loob ng dalawang araw, sumubok ng ibang gamot.
Nystatin
Tumatalab ang nystatin sa karamihan ng impeksyon ng yeast sa bibig, utong o balat, o sa puwerta. May gamot na likido para sa bibig, at krema, pulbos o pesaryo para sa puwerta.

Maaaring mairita ang balat sa nystatin. Madalang ito. Itigil ang paggamit kung magkaroon ng pagbubutlig. Minsan nagdudulot ng pagtatae ang nystatin.

Maaaring palatandaan ng HIV ang impeksyon ng yeast na hindi gumagaling sa nystatin, o pabalik-balik.

Para sa sanggol na may ugam sa bibig