Hesperian Health Guides
Ang sistemang medikal
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 3: Ang sistemang medikal > Ang sistemang medikal
at nurses
at nurse
Mga importanteng serbisyong pangkalusugan
Iba’t-ibang serbisyo ang hinahanda ng sistemang medikal. Ang iba nito, gaya ng operasyon, x-ray o ultrasound ay karaniwang sa ospital lang makukuha. Pero ang mga sumusunod na serbisyo na kailangan ng kababaihan ay dapat makuha sa komunidad sa murang halaga:
- impormasyon sa kalusugan para makagawa ang lahat ng mas mainam na pagpapasya, maging tama ang paglunas, at maiwasan ang mga sakit.
- bakuna na makakapigil sa maraming sakit tulad ng tetano, tigdas, dipterya, tusperina, polyo, tuberkulosis, bulutong at hepatitis.
- pangangalaga habang buntis (prenatal) na makakatulong sa babaeng malaman at malunasan ang mga problema niya o ng dinadala niya bago pa man lumala.
- pagpaplano ng pamilya serbisyo at gamit o suplay. Nakakapagligtas ito ng buhay sa pagtulong sa kababaihan na makontrol ang bilang ng anak at ang agwat sa pagitan ng panganganak.
- iksaminasyong pangkalusugan para makita at malunasan ang mga problema tulad ng anemia, altapresyon, at minsan, mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik o INP at HIV.
Ang mga test o pagsusuri ay makakadagdag ng impormasyon sa posibleng sanhi ng problemang pangkalusugan. Ang ilan sa mga test, gaya ng Pap smear, ay dapat may pagsasanay pero di kailangan ng mahal na gamit. Dapat may ganitong test sa komunidad. May laboratoryo at gamit ang ilang sentrong pangkalusugan para direktang makuha ang resulta ng iba’t ibang test. Pero madalas, kailangang pumunta sa ospital ang babae para masuri.
May mga serbisyo na sa ospital lang makukuha. Kung may seryosong karamdaman ang babae, o kumplikasyon mula sa panganganak o pagpalaglag, o kung magpapa-opera, malamang kailangan niyang pumunta sa ospital.