Hesperian Health Guides

Kabanata 2: Paglutas ng mga problema sa kalusugan

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 2: Paglutas ng mga problema sa kalusugan

Sa kabanatang ito:

dalawang babae na magkasamang nagbabasa ng libro

Kailangan ng may kasanayang pangangalagang medikal ang paglunas sa ilang problema. Pero karamihan ay malulunasan sa bahay o maiiwasan sa malusog na pamumuhay.

Kapag may palatandaan ng problem sa kalusugan ang isang babae, kailangan niya ng impormasyon para malutas ito. Kailangan niyang malaman kung ano ang problema, ang sanhi nito, ano ang magagawa para lunasan, at paano ito maiiwasan.

Sa kabanatang ito, may kuwento tungkol kay Juanita at kung paano niya nilutas ang kanyang problema sa kalusugan. Kahit tungkol kay Juanita ang mga detalye ng kuwento, mailalapat sa lahat ng problema sa kalusugan ang paraan ng pag-iisip at pagkilos na ginawa niya. Puwede mong gamitin ang paraang ito para lutasin mong mag- isa ang problema sa kalusugan, o para makagawa ng desisyon sa pagpapagamot.

Natuklasan ni Juanita na may matagalang solusyon sa kanyang problema, pero kailangan ng pagtingin na lampas sa sarili niyang kalagayan. Kinailangan din niyang tuklasin ang ugat ng problema sa kanyang komunidad at bansa, at kumilos para baguhin ang mga ito. Tulad ni Juanita, magagamit mo at ng iyong komunidad ang paraang ito para matukoy ang lahat ng mga sanhi ng masamang kalusugan ng kababaihan —at magplano para gawing mas malusog na lugar para sa kababaihan ang inyong komunidad.


Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024