Hesperian Health Guides

Mga tanong tungkol sa pananakit sa puson

Sa kabanatang ito:

Kung ang pananakit ay hindi katulad ng isa sa mga nailarawan na, baka makatulong ang mga tanong na ito para mas malinawan:

Ano’ng katangian ng pananakit? Matalas ba at matindi—o mapurol, kalat, at hindi matindi? Ito ba’y nawawala at bumabalik, o tuloy-tuloy?

  • Ang matinding sakit na nawawala’t bumabalik ay posibleng mula sa bato sa loob ng bato. Ang matinding sakit na parang iniipit o pinupulikat ay maaaring mula sa problema sa bituka.
babaeng hawak ang masakit na tiyan habang kinakausap ng isa pang babaer
Yuni, pumunta ka sa klinika ngayong araw para matingnan iyang sumasakit sa iyo. Baka lumala pa ‘yan.
Ang isang babaeng nakakalakad pa ngayon kahit may pananakit ay maaaring ikamatay iyon bukas. Magpatingin agad kung hindi ka sigurado.
  • Ang matalas at matinding sakit, laluna kung nasa isang lugar lamang, ay maaaring appendicitis o pagbubuntis sa tubo sa labas ng matris (ectopic pregnancy).


Gaano na katagal ang pananakit?

  • Ang biglaan at matinding pananakit na hindi bumubuti ay malamang seryoso. Maaaring mula ito sa pagbubuntis sa tubo, appendicitis o iba pang problema sa bituka, problema sa obaryo, o pelvic inflammatory disease (PID).
  • Ang pananakit na tumatagal ng ilang linggo o buwan, laluna kung hindi matindi, ay maaaring dulot ng peklat mula sa lumang impeksyon, hindi pagkatunaw ng pagkain, o nerbiyos. Maaaring magamot ito sa bahay.

Naaapektuhan ba ng pananakit ang gutom mo?

  • Kung masakit ang tiyan mo at AYAW mong kumain ng kahit ano, maaaring may malubhang impeksyon ka sa bituka, o appendicitis.
  • Kung masakit ang tiyan mo at MAYROON ka namang ganang kumain, malamang ay wala ka ng mga problemang nalarawan dito

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa pananakit sa puson, tingnan ang Where There Is No Doctor o ibang pangkalahatang librong medikal.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017