Hesperian Health Guides
Kabanata 22: Hindi normal na pagdurugo mula sa puwerta
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 22: Hindi normal na pagdurugo mula sa puwerta
Kung biglaang magbago ang pagregla, palaging isipin ang posibilidad na buntis ka—kahit na gumagamit ng kontrasepsyon.
Normal para sa buwanang pagregla na pana-panahong magbago dahil sa karamdaman, tensyon, pagbubuntis, pagpapasuso, mahabang paglalakbay, sobrang trabaho, o pagbabago sa kinakain. Pero kung nagbago nang biglaan, tumagal nang lampas sa ilang buwan, o may kasabay na ibang problema, maaaring palatandaan ito ng mas seryosong problema sa kalusugan.
Palatandaan ng panganib:
Kung may alinman sa mga palatandaan ng panganib na ito, maaaring kailangan agad ng tulong medikal. Pumunta sa nakatalang pahina para sa dagdag na impormasyon.
- pagdurugo at pananakit sa tiyan kapag hindi dumating ang regular na pagregla
- pagdurugo sa bandang huli ng pagbubuntis
- malakas na pagdurugo pagkatapos manganak, makunan, o magpalaglag.