Hesperian Health Guides

Mga problema sa pagregla

Sa kabanatang ito:

Pagregla na malakas o matagal matapos

  • Malakas ang pagregla kung puno o babad na ang pad o pasador nang wala pang isang oras.
  • Mahaba ang pagregla kung tumagal ito nang lampas sa 8 araw.
  • Palatandaan din ng malakas na pagdurugo ang namumuong dugo (malambot, kulay pula na madilim, at makintab na buo-buong dugo na mukhang atay).
  • Maaaring magdulot ng anemia ang malakas na pagdurugo na sigesige sa loob ng ilang linggo, buwan o taon.

MAHALAGA! Magpatingin sa isang health worker na marunong mag-pelvic exam kung may malakas na pagdurugo at:

  • pumupuswit palabas ang dugo mula sa puwerta.
  • malakas at matagal ang pagregla mo sa loob ng 3 buwan.
  • sa palagay mo ay buntis ka.
  • may matinding pananakit ka na may pagdurugo.

Mahinang pagregla

Hindi problema sa kalusugan ang mahinang pagregla bawat buwan.

Mga sanhi:

Pagregla na masyadong madalas dumating, o pagdurugo sa ibang panahon

Maaaring may problema kung nagreregla nang mas madalas sa tuwing 3 linggo, o kung dumarating at nawawala na walang regularidad.

Mga sanhi:

Makakapabago sa buwanang pagregla ang hormonal na paraan ng kontrasepsyon tulad ng pildoras, implants o iniksyon.

WWHND10 Ch22 Page 361-1.png
WWHND10 Ch22 Page 361-2.png
WWHND10 Ch22 Page 361-3.png
WWHND10 Ch22 Page 361-4.png

Kapag matagal ang pagitan ng pagregla, o tumigil ito

Madalas tuwing 21 hanggang 35 araw ang pagdating ng regla. Maaaring normal na mas mahaba pa ang pagitan. Pero puwedeng may problema, o baka buntis ka, kung hindi talaga dumarating ang regla.

Kung lampas ka na sa 18 at hindi ka pa nireregla, humingi ng tulong medikal.

Mga sanhi:
WWHND10 Ch22 Page 361-5.png
Sa pagtanda ng babae, nagbabago ang kanyang buwanang siklo.
  • Maaaring may malubha kang sakit— tulad ng malaria, TB o HIV.
  • Kung lampas ka sa 40 o 45, maaaring malapit ka nang mag-menopause.
  • Maaaring pahabain ng ilang paraan ng kontrasepsyon — tulad ng
  • Maaaring mas padalasin ang pagregla mo ng ilang kontraseptibo—tulad ng pildoras, implants, at iniksyon.— ang pagitan ng pagregla mo.
  • Maaaring magbago ang pagregla dahil sa masamang nutrisyon.



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017