Hesperian Health Guides

Mga problema sa matris

Sa kabanatang ito:

Karaniwang mga tumtutubo sa matris

Fibroid tumors

WWHND10 Ch24 Page 380-2.png
matris
fibroids

Ang fibroids ay mga tumutubo sa matris. Maaari magdulot ito ng hindi normal na pagdurugo mula sa puwerta, pananakit sa puson, at paulit-ulit na kusang pagkalaglag ng dinadala. Sa halos lahat ng kaso, hindi ito kanser.

Mga palatandaan:
  • malakas na pagregla, o hindi napapanahong pagdurugo
  • pananakit o mabigat na pakiramdam sa puson
  • malalim na pananakit habang nakikipagtalik
manggagawang pangkalusugan o health worker na gumagawa ng ultrasound exam sa tiyan ng babaeng nakahiga
Makikita sa ultrasound kung gaano kalaki ang fibroids
Pagtuklas at paglunas ng fibroids

Madalas natutuklasan ang fibroids habang gumagawa ng pelvic exam. Kapag kinapa ang matris, malaki ito o mali ang hugis. Kung may ultrasound, makikita kung gaano kalaki ang fibroids.

Kung nagkakaproblema dahil sa fibroids, puwede itong tanggalin ng operasyon. Minsan ay tinatanggal ang buong matris. Pero madalas hindi kailangan ang operasyon dahil lumiliit karaniwan ang fibroids pagka-menopause, at hindi na nagiging problema. Kung malakas ang pagregla dahil sa fibroids, maaaring magka-anemia. Sikaping damihan ang pagkaing mayaman sa iron.

WWHND10 Ch24 Page 380-3.png
polyps

Polyps

Ang polyps ay mga tumutubo na kulay madilim na pula na maaaring tumubo sa loob ng matris o sa cervix. Bihirang-bihira na maging kanser ito.

Mga palatandaan:
  • pagdurugo matapos makipagtalik
  • malakas na pagregla o pagdurugo na wala sa takdang panahon
Pagtuklas at paglunas ng polyps

Sa pelvic exam, nakikita ang polyps sa cervix at kayang tanggalin nang madali at walang sakit ng taong may pagsasanay. Para makita ang polyps sa loob ng matris, kailangang kayudin palabas ang looban ng matris (D and C ang tawag dito). Natatanggal din ng D & C ang polyps. Pinapadala ito sa laboratoryo para matiyak na walang kanser. Kapag natanggal ang polyps, karaniwa’y hindi na ito bumabalik.

Kanser sa matris

(endometrial cancer, cancer of the uterus)

WWHND10 Ch24 Page 381-1.png
kanser sa matris

Madalas nagsisimula ang kanser sa matris sa dingding o lining sa loob ng matris (endometrium). Kung hindi malulunasan, maaaring kumalat ito sa matris mismo at sa ibang bahagi ng katawan. Pinakamadalas tumubo ang kanser na ito sa mga babaeng:

  • lampas sa edad 40, laluna kung nagsimula na sa menopause
  • sobra ang timbang
  • may diabetes.
  • gumamit ng hormone na estrogen na hindi kasama ang progesterone.
babaeng nakalingon para tingnan ang mantsa ng dugo sa kanyang saya
Mga palatandaan:
  • malakas na pagregla
  • hindi regular na pagregla o pagdurugo
  • pagdurugo pagkatapos ng menopause
MAHALAGA! Kung may anumang pagdurugo, kahit spotting na mahina, matapos mag-menopause (12 buwan na walang regla), magpatingin sa isang health worker para matiyak na hindi kanser.
Pagtuklas at paglunas ng kanser sa matris

Para malaman kung may kanser sa matris ang babae, kailangang kayudin ng isang bihasa na health worker ang loob ng matris (D & C), o mag-biopsy, at ipadala ang himaymay sa laboratoryo para suriin. Kung may makikitang kanser, dapat operahan para tanggalin ang matris (hysterectomy) sa pinakamaagang panahon. Maaari ding gamitin ang radiation na panlunas.

Kung maagang makikita ang kanser sa matris, mapapagaling ito. Kung mas abante na ang kanser, mas mahirap na pagalingin.

MAHALAGA! Dapat magpatingin sa isang health worker ang sinumang babaeng lampas sa edad 40 at may hindi pangkaraniwang pagdurugo.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017