Hesperian Health Guides

Kapag hindi kayang pagalingin ang kanser

Sa kabanatang ito:

nakatatandang lalaki at tatlong mas batang babae ang nakaupo sa tabi ng kama ng nakatatandang babaeng may sakit

Maraming kanser ang napapagaling, pero ang iba ay hindi, laluna kung kumalat na sa ibang bahagi ng katawan. Dagdag pa, madalas ay malayo—nasa malalaking syudad—ang mga ospital na may panlunas sa kanser, at napakamahal ng panlunas.

Minsan kapag huli nang matuklasan ang kanser, hindi na ito kayang pagalingin. Kaya maaaring pinakamahusay na ang manatili sa bahay sa pangangalaga ng pamilya. Maaaring napakahirap na panahon ito. Kumain nang mabuti at magpahinga nang sapat, sa abot nang makakaya. Puwedeng magbigay ng ginhawa ang mga gamot para sa pananakit, pagkabalisa at pampatulog. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa kaibigan o malapit na tao para maghanda sa kamatayan, at magplano sa kinabukasan ng maiiwang pamilya.

Kung nangangalaga ka sa taong palaging nasa kama, o malapit nang mamatay, tingnan ang impormasyon sa mga pahinang ito: Panganglaga ng balat, Sugat at nauk-ok na balat, Pag-ehersisyo, Pananakit, at Pangangalaga sa taong malapit nang mamatay.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017