Hesperian Health Guides
Pangangalaga sa taong malapit nang mamatay
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 17: HIV/AIDS > Pangangalaga sa taong malapit nang mamatay
- magsimulang pumalya ang katawan.
- hindi na epektibo o walang makuhang medikal na panlunas.
- sinasabi ng maysakit na handa na siyang mamatay.
Kung gusto ng maysakit na manatili sa bahay, matutulungan mo siyang mamatay na may dignidad sa pamamagitan ng:
- pagbibigay ng pagkalinga at ginhawa.
- pagsama sa kanya ng pamilya at kaibigan.
- pagbibigay-laya sa kanya na magpasya.
- pagtulong sa kanya na maghanda para sa kamatayan. Maaaring makatulong sa kanya na makipag-usap tungkol sa kamatayan, sa pangamba na mamatay, sa mga inaalala niya sa kinabukasan ng pamilya. Hindi makakatulong na magpanggap na malayo pa ang kamatayan. Tiyakin sa kanya na gagawin mo ang makakaya para maiwasan o mabawasan ang sakit at paghihirap. Makipagusap tungkol sa burol kung gusto niya.
Habang nalalapit kamatayan, maaaring mawalan siya ng malay, hindi na kumain, huminga nang sobrang bagal o bilis at pabagubago, hindi na umihi, o mawalan ng kontrol sa pag-ihi o pagdumi. |
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017