Hesperian Health Guides
Pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 17: HIV/AIDS > Pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso
Mga nilalaman
Pagbubuntis
Hindi pinapalala ng pagbubuntis ang HIV para sa nanay. Pero maaaring mas komplikado ang pagbubuntis kung may HIV o AIDS siya. Maaari siyang:
Katulad ng ibang babae, karapatan mong magpasya kung gusto o ayaw mo na magbuntis.
Kapag may malubhang sakit ang mga sanggol na isinilang ng mga nanay na may HIV, malamang may HIV din sila. Dapat maagap na dalhin ang mga sanggol sa health center o ospital para malunasan.
- makunan
- mas marami ang lagnat, impeksyon at mas masama ang kalusugan
- maimpeksyon pagkapanganak, na mas mahirap gamutin at maaaring ikamatay niya
Sa kabila ng ganitong problema, marami pa ring babaeng may HIV ang gustong mabuntis at magkaanak.
Kung gusto mong mabuntis pero di mo alam kung may HIV ka o ang partner mo, dapat pareho kayong magpa-test. Kung hindi ito posible, mababawasan ang peligro mo na magka-HIV habang sinusubukang magbuntis kung:
- Makipagtalik lang na walang condom sa panahon na mabunga ka. Sa ibang pagkakataon, mag-condom o mas ligtas na pagtatalik ang gawin. Huwag na huwag makipagtalik kung may palatandaan ng INP.
- Huwag na huwag makipagtalik kung may palatandaan ng INP. Kadalasan, sa pagbubuntis unang nalalaman ng mga babaeng may HIV na meron sila. Kung buntis ka at may HIV, mas lalong mahalaga na pangalagaan ang sarili—kumain ng maige, iwasan at ipagamot ang iba pang sakit (gaya ng malaria), at magpagamot para sa HIV.
Hangga’t maaari, dapat mag-CD4 test sa dugo ang lahat ng buntis na babae para makita kung gaano kalakas ang kanilang immune system. Kung 350 o mas mababa ang CD4 count ng isang babae, dapat magsimula siyang mag-ART para sa sariling kalusugan. Kung buntis ka at may HIV, lalong mahalagang pangalagaan mo ang iyong sarili—kumain nang mabuti, iwasan at lunasan ang ibang mga sakit (tulad ng malaria), at magpagamot para sa HIV.
Panganganak
Dagdag na impormasyon
pag-iwas sa pagpasa ng HIV ng nanay sa anakKaramihan ng pagpasa ng HIV ng nanay sa anak ay nagaganap sa panganganak. Ang paggamit ng ARV bago at pagkatapos manganak ay maaring makaprotekta sa nanay at sanggol. Pinakamalaki ang panganib ng pagpasa kung pumutok ang panubigan ng sobra sa 4 na oras bago makapanganak; kung mapunit ang daanan ng bata; at sa mga panganganak na matagal kaysa karaniwan ang paglapat ng sanggol sa dugo at tubig mula sa puwerta ng ina (halimbawa, kung may hiwa sa puwerta o gumamit ng forceps).
Mas delikado ang impeksyon pagkapanganak kung may HIV ka. Magpagamot kaagad.