Hesperian Health Guides

Kabanata 17: HIV at AIDS

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 17: HIV at AIDS

Sa kabanatang ito:


grupo ng kababaihan at kalalakihan mula sa iba’t ibang kultura

Problema ng lahat ang AIDS.

Milyun-milyong tao ang may HIV, ang virus na sanhi ng AIDS. Parami nang parami sa kanila ang babae. Sa kalakhan ng timog Africa, sa bawat 4 na lalaki na may HIV, may 6 na babaeng may impeksyon din.

Walang lunas para pagalingin ang may HIV o AIDS. Pero may panlunas ngayon na tumutulong mabuhay nang mas matagal at malusog ang mga taong may HIV atAIDS. Para maalagaan ang nangangailangan at maproteksyunan tayong lahat laban sa HIV at AIDS, dapat nakahanda tayong pag-usapan ang HIV kasama ang ating pamilya at kaibigan.

“Ang AIDS ay isang sakit na kumikinang sa pananahimik at yumayabong sa paglilihim. Lumalago ito dahil pinili ng mga tao na huwag pag-usapan.... Gusto kong pag-usapan ang AIDS para man lang makaiwas ang mga anak ko, at mga anak ninyo. Malalaman at mapapasakamay nila ang mga impormasyon tungkol sa AIDS bago sila magsimulang makipagtalik, at makakaya nilang pag-usapan ito.”
—Noerine Kaleeba, nagtatag ng TASO,The AIDS Service Organizarion, Uganda

Kailangan harapin ng sinumang babae ang HIV at AIDS

Kahit ang mga babaeng nakakaalam na sila’y nasa peligro ay maaaring walang kakayahan na pangalagaan ang sarili.

Karamihan ng mga babae ay hindi naiisip na may panganib silang magka-HIV. Maaaring iniisip nila na tanging mga babaeng maraming katalik (gaya ng nasa prostitusyon), o mga nagdo-droga ang may risgo na magka-HIV. Hindi ito totoo. Sa ilang komunidad, mga babaeng may asawa ang may pinakamalaking peligro na magka-HIV.

Mga komunidad na sama-samang humarap sa HIV ang natuto kung paano ito pag-usapan, at siyang kumikilos para ayusin ang pag-iwas sa sakit at pag-alaga sa maysakit. Marami dito ang pinapamunuan ng kababaihan.

Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024