Hesperian Health Guides

Positibong pamumuhay na may HIV

Sa kabanatang ito:

Walang nakakapagaling sa HIV—modernong medisina man o tradisyunal na panggagamot. Pero karamihan ng may HIV ay maaring manatiling malusog sa loob ng maraming taon, laluna sa tamang pangangalaga at paggamot. Sa panahong ito, makakatulong na:

  • samantalahin ang bawat pagkakataon ng iyong buhay.
  • magbigay ng panahon sa kaibigan at pamilya.
  • sikaping maging aktibo sa pamamagitan ng pagtupad ng araw-araw na gawain.
  • manatiling sekswal kung gusto mo. Makakatulong ang kasiyahan mo sa sekswal na paghipo na mas tumagal kang malusog.
  • gumamit ng proteksyon (condom) kapag nakikipagtalik. Mapoprotektahan ka nito at ang iyong partner.
magpartner na magkahawak-kamay at nakangiti sa isa’t isa

Kung may HIV na impeksyon ang partner mo

Kahit na mapanganib, kung mas ligtas na pagtatalik ang gagawin, kayang iwasan ang pagpasa ng HIV. Ang condom ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang HIV. Takpan ang bukas na sugat at magpagamot agad para sa INP. Tandaan, may iba pang paraan para maging sekswal bukod sa pakikipagtalik na pinapasok ang ari ng lalaki sa babae.

grupo ng mga babaeng magkasamang nakaupo at nag-uusap
  • subukang sumama o magsimula ng grupo ng taong may HIV at AIDS. Nagtutulungan ang ibang taong may HIV at AIDS para turuan ang komunidad, alagaan sa bahay ang mga may sakit ng AIDS, at suportahan ang karapatan ng mga taong may HIV at AIDS.
  • alagaan ang iyong kalusugang ispiritwal at pag-iisip. Makakabigay sa iyo ng pag-asa at lakas ang pananampalataya at mga tradisyon.
  • pag-isipan ang kinabukasan. Kung mayroon kang mga anak
– magbigay ng panahon sa kanila ngayon, at bigyan sila ng pagkalinga at gabay
– iareglo sa ibang kapamilya na alagaan sila kung hindi mo na kaya.
– gumawa ng huling testamento. Kung may pera ka, bahay o ari-arian, sikaping matiyak na pupunta ito sa gusto mong makakuha. Minsan hindi makapag-iwan ng mga pag-aari sa anak at ibang kapamilya kung hindi ligal na kasal. Kaya maaaring makatulong na magpakasal nang ligal para maiwan mo ang iyong mga pag-aari sa gusto mong makakuha.

Pangalagaan ang iyong kalusugan

Dagdag na impormasyon
TB
TB at AIDS

Kung may anak ka, gawin mong hangarin ang pananatiling malusog para sa kanila.

  • Maghanap ng programang nangangalaga sa may HIV sa sandaling mag-positibo sa HIV test.
  • Maagap na asikasuhin ang mga problemang medikal. Magpatingin sa health worker tuwing 3 buwan o mas madalas pa, at sa pagsimula ng anumang sakit. Makakapahina sa immune system mo ang bawat impeksyon. Magpasuri para sa TB.
  • Kumain ng masustansyang pagkainpara manatiling malakas ang katawan. Ang pagkaing mabuti para sa malusog ang siya ring mabuti para sa maysakit. Bumili ng masustansyang pagkain sa halip na gumastos sa mga iniksyon ng bitamina.
  • Iwasan ang sigarilyo, alak, at iba pang droga.
  • Mas ligtas na seks ang gawin para sa kalusugan ng magpartner.
  • Sikaping may sapat na pahinga at ehersisyo, para manatiling malakas ang katawan na lalaban sa mga impeksyon.
  • Umiwas sa impeksyon sa pamamagitan ng mas madalas na paghuhugas at paggamit ng malinis na tubig na inumin at paghahanda ng pagkain (tingnan ang para sa mga paraan upang maiwasan ang impeksyon sa mga taong may HIV.)

Gamot na panlunas sa HIV at AIDS

Sa ibang lugar, HAART o Triple Therapy ang tawag sa ART. Pareho lang lahat ito.

Hindi pa rin napapagaling ang mga taong may AIDS. Pero may mga gamot na antiretrovirals na tagumpay na ginagamit na panlunas. ‘Laban’ ang kahulugan ng anti at retrovirus ang klase ng AIDS virus. Kung tama ang paggamit, ang antiretrovirals (ARVs) ay lumalaban at pumapatay sa karamihan ng HIV. Lumalakas ang immune system, nalalabanan ang mga impeksyon at lumulusog ang may HIV. Pero hindi napapawi ang HIV.
Palaging may kaunting virus na natitira sa katawan.

Ang pag-inom ng ARVs ay kilala bilang Anti Retroviral Therapy o ART. Kahit may kamahalan, nagiging mas mura at mas madaling makuha ito sa maraming bansa. Maaaring may mura o libreng ART mula sa mga pagamutan ng gobyerno at iba pang programa.

Gumagana ang ART kung maingat ang paggamit

Makakatulong ang ART na panatilihing malusog sa loob ng maraming taon ang karamihan ng taong may HIV.

Sa ART, 3 antiretrovirals ang iniinom nang 2 beses bawat araw o higit pa. Kapag nag-ART, dapat hindi pumalya sa araw-araw na gamutan. Bibigat ang timbang at mas lulusog ang hitsura at pakiramdam ng babaeng naka-ART. Pero kung tumigil siya, makalimot, o mali-maling oras uminom, puwedeng lumakas ang HIV at magkasakit siya uli.

ART at resistensya sa gamot:

Kapag hindi mag-ART sa tamang panahon sa bawat araw, puwedeng magka-resistensya ang HIV. Nagbabago ang HIV kaya hindi na gaanong tumatalab ang gamot. Kapag kumalat sa maraming tao ang HIV na may resistensya, hihina ang bisa ng ART. Ang tamang paggamit ng ART ay makakatulong na manatili ang bisa nito para sa lahat. everyone.

Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024