Hesperian Health Guides
Pag-iwas sa HIV/AIDS
Maiiwasan ang HIV sa ganitong mga paraan:
- Kung kakayanin, makipagtalik sa isang partner lang, na sa iyo rin lang nakikipagtalik.
- Ugaliin ang mas ligtas na pagtatalik—ito’y seks na pumipigil sa tamod, dugo at likido ng puwerta na makapasok sa iyong puwerta, puwit o bibig. Mag-condom palagi.
- Magpa-test kung may INP at tiyakin na ma-test din ang kapartner.
- Iwasan ang pagbutas o paghiwa sa balat ng karayom o anumang instrumento na hindi naisterilisa sa bawat paggamit.
- Iwasan ang pagsasalin ng dugo maliban kung emerhensya.
- Huwag maghiraman ng pang-ahit.
- Huwag hawakan ang dugo o sugat ng ibang tao na walang proteksyon (tingnan ang "Pag-iwas na maimpeksyon ng HIV sa bahay").
Hindi palaging madali ang pag-iwas sa AIDS |
Para makaiwas sa HIV, huwag magbenta ng seks.
Pero hindi ko mapapakain o mapapaaral ang mga anak ko kung hindi ko iyon gagawin. |
Para makaiwas sa HIV, gumamit ng condom tuwing makikipagtalik.
Pero hindi ko mapagamit ng condom ang asawa ko. |
Para makaiwas sa HIV, makipagtalik lang sa isang kapartner na tapat sa iyo.
Sa asawa ko lang nga ako nakikipagtalik, pero alam kong may iba siyang babae. |
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017