Hesperian Health Guides

Pagpapabuti ng sekswal na kalusugan

Sa kabanatang ito:

Pagpapabuti sa kalusugang sekswal ang:

  • pagkilala sa katawan at sa nagdudulot ng kasiyahan. May dagdag na impormasyon sa baba sa sekswal na kasiyahan.
  • pagbawas ng panganib sa di-gustong pagbubuntis at impeksyon na naihahawa sa pagtatalik. Dapat abot-kamay ng kababaihan ang impormasyon tungkol sa paraan ng pagpaplano ng pamilya at pag-iwas sa impeksyon, kasama ang HIV/AIDS. Dapat may kontrol din ang kababaihan kung kailan gagamitin ang mga ito. May impormasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya at pagpili ng akmang paraan sa kabanata ng “Pagpaplano ng Pamilya”. Tingan impormasyon sa mas ligtas na pagtatalik ay nasa.
  • pagbabago ng nakakapinsala na gender role, pati ang nakakapinsala na paniniwala sa sekwalidad ng kababaihan. Matagal ang ganitong klase ng pagbabago dahil kailangan magbuo ng ibang paraan ng pakikitungo sa isa’t isa ang kababaihan at kalalakihan.
Ang respeto sa bawat isa ay makikita sa maraming larangan ng buhay.
lalaki, babae, at tatlong bata na magkasamang naglilinis ng kusina

Kaya pareho ng babae’t lalaki na makadama—at magkontrol—ng pagnanasa.

Ang nagpapa­ ligaya sa isang tao ay hindi dapat makasama sa iba.

WWHND10 Ch12 Page 186-2.png

Dagdag na kasiyahan mula sa pakikipagtalik

Natural lamang sa mga babae at lalaki na naising makipagsalo ng sekswal na kasiyahan sa partner nila. Kung alam ng bawat isa ang klase ng sekswal na usapan at hipuan na gusto ng kapartner, mas masisiyahan silang dalawa sa pagtatalik.

Kung hindi nakakadama ang babae ng kasiyahan mula sa pagtatalik, maraming posibleng dahilan. Maaaring hindi alam ng kapartner niya na iba ang reaksyon ng babae sa mga sekswal na paghipo kumpara sa reaksyon ng katawan ng lalaki. O maaaring tinuruan siya na dapat mas mababa ang sarap sa pagtatalik ng kababaihan, o na hindi niya dapat sabihin sa partner niya kung ano ang masarap para sa kanya. Baka makatulong ang pagunawa na kaya ng mga babaeng masarapan sa seks na kapantay ng mga lalaki, at okey lang ito.

Pagtugon ng katawan ng babae sa sekswal na kasiyahan

Madalas nagsisimula ang pagtatalik sa halik, hipo, usapan o tingin na nakakapukaw. Sari-sari ang pagtugon ng mga babae sa sekswal na pag-iisip at paghipo. Puwedeng lumalim ang paghinga, at bumilis ang tibok ng puso. Maaaring maging ubod ng sensitibo ang kanyang utong at balat.

Tumitigas ang tinggil (clitoris) at puwedeng umumbok. Nama- masa at nagiging sensitibo sa paghipo ang labi at loob ng puwerta. Kung magpatuloy ang sekswal na paghipo at pag-iisip, mamumuo ang sekswal na tensyon hanggang sa maabot niya ang tuktok ng kasiyahan at magkaroon ng sekswal ng pagrurok (orgasm).

Kapag naabot ng lalaki ang sekswal na rurok, naglalabas ang titi ng tamod, na magkahalong semilya at iba pang likido. Kung maganap sa loob o malapit sa puwerta, kayang lumangoy ng semilya papasok sa matris at tubo, sumanib sa itlog ng babae, na maaaring tumuloy sa pagbubuntis.

Madalas mas matagal makaabot sa rurok ang babae kaysa sa lalaki. Pero kapag nangyari ito, kumakawala ang enerhiya at tensyon sa katawan, at nakakadama siya ng ginhawa at lubos na kasiyahan.

Posible para sa halos lahat ng babae na makarurok, pero marami ang hindi o madalang makaabot. Kung gusto niya, puwedeng matuto na mag-orgasmo sa paghipo sa sarili (nasa susunod na pahina), o sa pagsabi sa kapartner niya kung saan siya nasasarapan.

lalaki at babaeng magkasamang nakahiga sa banig

Puwedeng makipagtalik ang babae sa lalaki, sa kapwa babae o sa sarili.

Paghipo ng sarili para masiyahan

babaeng nakahiga at nakalagay ang kamay sa pagitan ng mga hita na walang saplot

Puwedeng hipuin ng babae ang sarili sa paraang nabibigyan siya ng sekswal na kasiyahan. Mahusay na paraan ito para makilala ang sariling katawan at ang klase ng paghipo na pinakamasarap sa pakiramdam. May paniniwala sa maraming lugar na mali ang paghipo sa sarili, kaya minsan nahihiya ang gumagawa nito. Pero hindi ito nakakasama hangga’t komportable siya dito. Dapat malinis ang anumang bagay na ipapasok sa puwerta.

Pumili ng panahon at lugar na hindi ka maiistorbo. Puwedeng makatulong kung mag-iisip ka ng katalik o sitwasyong nagpapataas ng iyong pagnanasa. Subukang hipuin ang suso at ari mo sa iba’t ibang paraan at tuklasin kung ano ang nagpapakilig sa iyo. Walang tama o maling paraan—iayon lang sa masarap sa iyo.

Kawalan ng pagnanasa

Kung nagahasa ang babae o napuwer­ sang makipagseks, maaaring kailangan niya ng panahon, pakikipag­usap sa pinagkakatiwalaan niya o sa isang sanay na mental health worker, bago siya magkagustong maki­ pagtalik muli.

lalaking nakapatong sa babae sa kama, at pareho silang mukhang hindi masaya

Maraming bagay ang nakakaapekto sa lakas ng sekswal na pagna- nasa ng babae o lalaki. Halimbawa, kapag masigla ang buhay—dahil may bagong relasyon o bagong trabaho—maaaring makadama ng dagdag na sekswal na pagnanasa ang babae o lalaki. Maaaring magbago ang pagnanasa ng babae kasabay ng takbo ng pagregla, o sa takdang panahon ng buhay. Karaniwan na mas kaunti ang pagnanasa kapag:

  • napapagod ka mula sa mabigat na trabaho, kakulangan sa pagkain, pagkakasakit, o bagong sanggol.
  • may inaalala kang bagay.
  • may kapartner ka na hindi gusto.
  • may takot kang makita o marinig ng iba habang nakikipagtalik.
  • natatakot kang mabuntis o magka-impeksyon.


Kapag kulang sa pagnanasa ang babae, mas kaunti ang ginagawang natural na pampabasa ng katawan. Baka kailangang gumamit ng pampadulas tulad ng laway, para hindi masakit ang pagtatalik. Kapag kulang sa pagnanasa ang lalaki, mas mahirap tumigas ang titi. Baka mapahiya siya, at mahirapan pa lalo na tigasan sa susunod.

Kung ayaw mo o ng kapartner mo na makipagtalik, sikaping magpasensiya sa isa’t isa at pag-usapan ito. Magbigay ng panahon sa pagtatalik kapag pareho ninyong gusto, at subukang gumawa ng mga bagay na parehong nakakapataas ng pagnanasa ninyo.

Kung masakit ang pakikipagtalik

Hindi dapat masakit ang pakikipagtalik. Palatandaan ito madalas na may problema o maling nangyayari. Puwedeng masaktan sa pagtatalik ang babae kapag:

MAHALAGA! Maaaring palatandaan ng seryosong impeksyon ang masakit na pakikipagtatalik, laluna kung katatapos lang manganak, makunan o magpalaglag, o kung may lumalabas (discharge) din mula sa puwerta. Magpatingin agad sa health worker.

Gawing mas ligtas ang pagtatalik

Bakit dapat gawing mas ligtas ang pagtatalik?

Madalas may kasamang panganib ang pagtatalik, pero may paraan para gawin itong mas ligtas. Ginagamit namin ang terminong “mas ligtas” bilang paalala na hindi katumbas ng walang panganib ang mas kaunting panganib. Pero, puwede kang masagip ng mas ligtas na pagtatalik.

Tulad ng ibang impeksyon sa tao, ang mga impeksyong naihahawa sa pagtatalik (INP) ay dulot ng mga mikrobyo. Ang ibang mikrobyo ay sa hangin, pagkain o tubig dumadaan para maipasa. Sa pagtatalik naipapasa ang INP. Nagdudulot ng sugat o lumalabas sa ari ang ilang INP, pero madalas hindi mo malalaman kung may INP ang tao sa itsura niya. Maraming lalaki at babae ang puwedeng magka-INP na hindi nila alam.

Nasa balat ng ari ang mikrobyo ng ilang INP (tulad ng kulugo sa ari o herpes) at naipapasa sa pagdikit ng balat sa balat. Nasa likido (fluids) ng katawan ang iba (tulad ng tulo, chlamydia, hepatitis, syphilis at HIV). Naipapasa ito kung ang dugo, tamod o pamamasa sa loob ng puwerta ng may impeksyon ay madidikit sa balat ng puwerta, puwit, dulo ng titi o bibig ng ibang tao. Seryosong problema sa kalusugan ang kayang idulot ng lahat ng impeksyong ito. Ang HIV ay nakamamatay.

Kaya ang ibig sabihin ng mas ligtas na pagtatalik, bawasan nang husto ang pagdikit sa ari o sa likido ng katawan ng kapartner mo, maliban kung tiyak mo na wala siyang impeksyon.

May klase ng seks na mas ligtas sa iba.
WWHND10 Ch12 Page 190-1.pngLigtas ang halikan
WWHND10 Ch12 Page 190-2.pngLigtas ang paghimas'
WWHND10 Ch12 Page 190-3.pngMas mababa ang kaligtasan ng oral sex—pero mas ligtas kung may condom
WWHND10 Ch12 Page 190-4.pngMay panganib ang pagtatalik sa puwerta— pero mas ligtas kung may condom
WWHND10 Ch12 Page 190-5.pngMattas ang panganib ng pagtatalik sa puwit— pero mas ligtas kung may condom

Paraan ng mas ligtas na pagtatalik

Dapat magpasya ang bawat babae kung gaano kalaking panganib ang handa siyang tanggapin, at anong hakbang ang magagawa niya para gawing mas ligtas ang pagtatalik. Eto ang iba’t ibang paraan ng pagbawas ng panganib:

Napakaligtas:
  • Huwag makipagtalik. Kung wala kang katalik, hindi ka malalantad sa panganib ng INP. Puwedeng piliin ito ng ibang babae na pinakamahusay para sa kanila, laluna kung bata pa. Pero sa karamihan ng babae, hindi ito posible o kanais-nais.
  • Sa isang partner lang makipagtalik, na tiyak mong sa iyo din lang nakikipagtalik, at tiyak mong pareho kayong walang impeksyon mula sa dating katalik. Maaaring mahirap alamin ito.
  • Magtalik sa paghimas ng kamay sa ari (mutual masturbation)
  • Gumamit ng condom sa pag-oral sex. Nakakatulong na makaiwas sa herpes at tulo (gonorrhea) sa lalamunan ang goma o plastik na panghadlang. Proteksyon din ito laban sa napakaliit na panganib ng HIV na makadaan sa mga maliit na sugat sa bibig.
Ligtas:
  • Palaging gumamit ng condom na latex (goma)—para sa lalaki man o babae—sa pagtatalik sa puwerta o puwit.
  • Magtalik sa paraang hindi napupunta sa puwerta o puwit mo ang tamod ng kapartner. Mas mababa ang panganib na magka-HIV sa oral sex. Kung pumasok sa bibig mo ang tamod, idura kaagad (o kung hindi man ay lunukin kaagad).
Iba pang paraan ng pagbawas ng panganib
  • Ipahugot sa lalaki ang titi bago siya labasan. Puwede ka pa ring magka-HIV kung meron siya, at puwede ka pa ring mabuntis, pero mas mababa ang tsansa dahil mas kaunting tamod ang pumasok sa katawan mo.
  • Maaaring mapababa ng diaphragm ang panganib. Para sa dagdag na impormasyon sa diaphragm, tingnan "Diaphragm".
  • Iwasan ang pagtatalik na tuyo ang ari. Kung tuyo ang puwerta (o puwit), mas madali itong masugatan, kaya mas mataas ang tsansa ng impeksyon. Gumamit ng laway, spermicide o lubricant para padulasin ang puwerta. Huwag gumamit ng langis, lotion o petroleum gel kung gumagamit ka ng condom—puwedeng mapunit ang condom dahil sa mga ito.
  • Magpagamot sa anumang INP na meron ka. Mapapadali ng isang INP ang pagka-impeksyon mo ng HIV o iba pang INP.

Dapat protektahan ng bawat babae ang sarili mula sa AIDS

Ang kuwentong ito ay maaaring mangyari sa kahit saang komunidad.

Ang kuwento ni Fatima: kailangang protektahan ng bawat babae ang sarili

Nakatira si Fatima sa isang bayan sa kanayunan ng Brazil—at namamatay siya mula sa AIDS. Edad 17 siya nang mapangasawa si Wilson, na namatay paglipas ng ilang taon dahil sa aksidente sa trabaho niya sa kooperatiba. Kinailangan ni Fatima na iwan ang kanyang sanggol sa mga magulang ni Wilson at pumunta sa lungsod para magtrabaho. Mabigat ang trabaho, at nangungulila siya.


Nang malaman ni Fatima na magtatayo ang gobyerno ng highway malapit sa bayan niya, nagtrabaho si Fatima bilang tagapagluto para sa mga manggagawa sa konstruksyon para puwede siyang makauwi sa bahay. Dito niya nakilala si Emanuel. Guwapo siya, may pera at magiliw sa anak niyang babae nang bumisita sa kanya pagkatapos ng trabaho. Nang lumipat na ng lugar ang mga trabahador, nangako si Emanuel na babalik.

iniisip ni Fatima ang dalawang lalaking nakatalik niya

Bumalik nga si Emanuel, pero hindi siya nagtagal. May bago siyang trabaho bilang truck driver kaya palagi siyang nasa kalsada. Sa isip ni Fatima, malamang marami itong ibang babae, pero palaging nagsasabi si Emanuel na wala talagang iba. Nagkaroon sila ng sanggol na lalaki, pero maliit at sakitin, at namatay pagkalipas ng isang taon. Paglaon, nagsimula na ring maramdaman ni Fatima na may sakit din siya. Iba’t ibang gamot ang binigay ng nurse sa health center, pero walang nakatulong. Sa kalaunan ay pumunta siya sa ospital sa lungsod. Gumawa sila ng ilang pagsusuri, at pagkatapos sinabihan siyang may AIDS siya. Tinanong niya kung paano siya nagka-AIDS, at sinabi ng doktor, “Hindi ka dapat nakipagseks sa maraming lalaki.” Hindi naisip ni Fatima na nasa panganib siyang magka-HIV/AIDS—sa buong buhay niya, sa 2 lalaki lang siya nakipagtalik! Akala niya, mga bakla at babae sa prostitusyon lang sa syudad ang nagkaka-AIDS.

Bakit inakala ni Fatima na wala siyang panganib magka-AIDS?


grupo ng mga babae at lalaking nakaupo at nag-uusap
Akala niya mga puta at bakla lang ang nagkaka- AIDS.
Akala niya basta matapat SIYA sa asawa, hindi siya manganganib.
Sabi ni Emanuel matapat daw siya, pero malamang hindi totoo.
Kasalo niya ang panganib ni Emanuel na magka-AIDS, hindi lang niya alam.

May panganib na magka-AIDS si Fatima, hindi sa kagagawan niya, kundi dahil sa sekswal na ugali ng partner niya.

Kasalo natin ang panganib ng ating kapartner—yung sinusuong nila ngayon at pati yung ginawa nila noon.

Pag-uusap tungkol sa mas ligtas na pagtatalik

lalaking nakaakbay sa babae habang pareho silang nag-iisip
Ayaw kong malagay siya sa panganib, pero hindi ko alam kung paano sabihin ang nangyari...
Tingin ko dapat nagco-condom kami, pero baka kung ano ang isipin niya pag sinabi ko.

Kung sa tingin mo susuporta ang iyong partner sa kagustuhan mo sa mas ligtas na pagtatalik, subukan ninyong pag-usapan ang mga panganib sa kalusugan ng INP. Pero hindi ito madali! Tinuturo sa karamihan ng mga babae na hindi ‘tama’ na pag-usapan ang seks—laluna sa kapartner nila o ibang lalaki—kaya hindi sila sanay dito. Maaaring makipag-usap ang lalaki sa ibang lalaki, pero madalas hindi siya panatag kung kapartner ang kausap. Eto ang ilang mungkahi:

Makipagtulungan sa komunidad para maturuan ang mga babae’t lalaki tungkol sa condom at sa pag gamit nito. Makaka­ tulong itong maging katanggap tanggap ang condom.

Tumutok sa kaligtasan. Kapag sinimulan mong pag-usapan ang mas ligtas na pagtatalik, baka sabihin ng partner mo na wala kang tiwala sa kanya. Pero kaligtasan ang isyu, hindi tiwala. Dahil puwedeng magka-INP ang tao na hindi niya alam, o magka-HIV na hindi galing sa seks, mahirap matiyak ng sinuman na wala nga siyang impeksyon. Magandang ideya ang mas ligtas na pagtatalik sa lahat ng magpartner, kahit na sa isa’t isa lang sila nakikipagtalik.

Magsanay munang makipag-usap sa isang kaibigan. Hilingin sa isang kaibigan na magkunwaring kapartner mo, at mag-ensayo sa gusto mong sabihin. Pag-isipan ang iba’t ibang bagay na masasabi niya, at mag-ensayo sa bawat posibilidad. Tandaan na malamang kabado rin siya sa pag-uusap, kaya sikaping ipanatag ang loob niya..

babaeng nakaakap sa lalaki at may sinasabi sa kanya habang may magpartner na nasa malapit
Sabi ni utol, palagi na daw silang nagco-condom ngayon

Huwag maghintay hanggang sa malapit ka nang makipagseks bago makipag-usap. Pumili ng panahon na maganda ang pakiramdam ninyo sa isa’t isa. Kung tumigil kayo sa pagtatalik dahil may bagong sanggol o ginagamot na INP, sana ay mag-usap bago magtalik muli. Kung magkalayo ng tirahan o madalas na magbiyahe, pag-usapan na hangga’t maaga ang pagprotekta sa sekswal na kalusugan.

Pag-aralan sa abot nang makakaya ang mga panganib ng di-ligtas na pagtatalik, at paano ang mas ligtas na paraan. Kung ang kapartner mo’y walang gaanong alam sa INP, sa pagkalat nito, at sa matagalang epekto sa kalusugan, baka hindi niya maunawaan ang tunay na panganib mula sa di-ligtas na pagtatalik. Makakatulong ang impormasyon na makumbinse siya sa pangangailangan sa mas ligtas na pagtatalik.

Gamitin ang ibang tao bilang halimbawa. Minsan makakatulong sa partner mo na gumaya kung malaman niyang ginagawa ng iba ang mas ligtas na pagtatalik.

Sikaping masagot ang mga inaalala ng partner mo.
Isa sa pinakamadaling paraan ng pagpigil sa impeksyon at di-gustong pagbubuntis ang condom. Pero marami ang ayaw nito sa simula.


Eto ang sagot sa madalas na reklamo tungkol sa condom:



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017