Hesperian Health Guides
Klase ng pananakit sa puson
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 21: Pananakit sa puson > Klase ng pananakit sa puson
Klase ng Sakit | Maaaring dulot ng | Anoâng gagawin |
---|---|---|
Matindi, di karaniwang pananakit habang may regla o matapos na hindi dumating ang regla | pagbubuntis sa tubo (ectopic pregnancy) | AGAPAN! Pumunta agad sa ospital. |
Tuloy-tuloy na pananakit habang may buwanang pagregla | fibroids |
Tingnan: âpananakit kasabay ng reglaâ, at âmga problema sa matrisâ. Gumamit ng banayad na gamot sa pananakit |
Pinupulikat habang may buwanang regla | normal na pag-impis ng matris. Nakakapalala ng sakit ang ilang klase ng IUD | Tingnan: âpananakit kasabay ng reglaâ. |
Kung huli ang dating ng buwanang regla | nakunan |
Kung tumindi ang pananakit, pumunta sa ospital. |
Pananakit matapos manganak, makunan, o magpalaglag | impeksyon mula sa mga piraso ng inunan na naiwan sa matris, o mikrobyong nakapasok sa matris sa panganganak o pagpapalaglag | Tingnan: âimpeksyon sa matrisâ, at âimpeksyon matapos magpalaglagâ |
Matinding sakit, meron man o walang lagnat (impeksyon):
|
pelvic na impeksyon, o supot ng nana sa puson (pelvic abscess) |
AGAPAN! Pumunta agad sa ospital. |
appendicitis o iba pang impeksyon sa bituka
|
AGAPAN! Pumunta agad sa ospital.
|
|
Pananakit na may pagtatae | impeksyon sa bituka ng bacteria o parasitiko | Tingnan: âpagtataeâ |
Matinding pananakit sa UNANG 3 buwan ng pagbubuntis, madalas may pagdurugo na nawawalaât bumabalik | pagbubuntis sa tubo (ectopic pregnancy) | AGAPAN! Pumunta agad sa ospital. |
Matinding pananakit sa HULING 3 buwan ng pagbubuntis, may pagdurugo man o wala | nakalas ang inunan mula sa dingding ng matris |
AGAPAN! Pumunta agad sa ospital. |
Katamtaman at panapanahong pananakit habang nagbubuntis | malamang normal | Hindi kailangan ng panlunas |
Pananakit na may madalas na pag-ihi
|
impeksyon sa pantog o bato namuong bato sa loob ng bato |
Tingnan: âimpeksyon sa bato/pantogâ. Tingnan: âbato sa loob ng bato o pantogâ |
Pananakit na may discharge o kaunting pagdurugo mula sa puwerta, minsan may kasamang lagnat | pelvic na impeksyon na maaaring dulot ng impeksyon na naihahawa sa pagtatalik, o impeksyon matapos makunan, magpalaglag, o manganak |
Tingnan: âPIDâ, âimpeksyon sa matrisâ, at âimpeksyon matapos magpalaglagâ. |
Masakit habang nakikipagtalik | tumutubo sa obaryo (ovarian cyst), pelvic inflammatory disease (PID), o pek - lat mula sa lumang pelvic na impeksyon fibroids di gustong pakikipagtalik |
Tingnan: âPIDâ Tingnan: âmga problema ng obaryoâ. |
Pananakit kapag kumikilos, naglalakad o nagbubuhat | lumang pelvic na impeksyon, o anuman sa mga dahilang nakalista sa taas | Gumamit ng banayad na gamot sa sakit, kung kailangan. |
Pananakit na tumatagal lang nang ilang oras sa gitna ng buwanang pagregla | naiirita ang lining ng tiyan kapag naglabas ng itlog ang obaryo (obulasyon) dahil may kaunting dugo | Gumamit ng banayad na gamot sa sakit, kung kailangan. Tingnan: kabanatang âPagkilala sa Ating Katawan.â |
Pananakit sa unang 3 linggo matapos malagyan ng IUD | pinakamadalas ang impeksyon mula sa IUD kapag kalalagay pa lang ng IUD | Magpatingin agad sa isang health worker. |
Pananakit na walang iba pang palatandaan | pelvic na impeksyon, na maaaring magdulot ng pananakit sa tiyan o ibabang bahagi ng likod na tumatagal ng ilang buwan o taon; tuloy-tuloy ang sakit o nawawala-at-bumabalik | Magpatingin sa health worker na marunong magpelvic exam |
impeksyon sa bituka mula sa bacteria o parasitiko | Kumonsulta sa health worker o sa Where There is No Doctor. | |
tumor o tumutubo sa matris o obaryo | Magpatingin sa health worker na marunong magpelvic exam |
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017