Hesperian Health Guides
Iba pang mga problema sa sistemang ihian
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 23: Mga problema sa sistemang ihian > Iba pang mga problema sa sistemang ihian
Mga nilalaman
Dugo sa ihi
Kung may dugo sa ihi, at walang ibang palatandaan ng impeksyon sa pantog o sa bato, maaaring may mga bato (stones) sa loob ng pantog o bato (tingnan sa baba). O maaaring may isa sa mga sakit na ito, kung itoây karaniwan sa inyong komunidad:
- Schistosomiasis. Puwede itong magdulot ng permanenteng pinsala sa sistemang ihian kung hindi magamot nang maaga. Magpagamot sa isang health worker na marunong sa mga problema sa sistemang ihian, at alamin kung paano iwasan ang schistosomiasis. Para sa dagdag na impormasyon tungkol dito, tingnan ang Where There Is No Doctor o ibang pangkalahatang librong medikal.
- Tuberkulosis (TB) Maaari itong makapinsala sa pantog at bato.
Bato sa loob ng bato o pantog
Itoây maliit at matigas na mga bato (stones) na namumuo sa loob ng bato (kidney), at pagkatapos ay gumagalaw sa sistemang ihian.
Mga palatandaan:
- Biglaan at napakatinding pananakit:
Ang ibang mga palatandaan ay:
- Dugo sa ihi. Puwedeng mangyari ito kung magasgas ng bato ang looban ng sistemang ihian.
- Hirap umihi. Mangyayari ito kung mababarahan ng bato ang tubong ihian.
Panlunas:
- Uminom ng maraming likido (di bababa sa 1 o 2 tasa bawat 30 minuto). Makakatulong ito na maanod ang mga namuong bato (stones) palabas ng bato at pababa sa tubong ihian.
- Gumamit ng gamot sa pananakit. Kung masyadong matindi ang pananakit, humingi ng tulong medikal.
Minsan naiimpeksyon ang baradong tubong ihian. Lunasan pareho ng paglunas sa impeksyon sa bato.
Napapaihi nang madalas
Maaaring mangyari ito dahil:
- humina ang kalamnan sa paligid ng pantog at matris. Maaaring makatulong ang âpampahigpit na ehersisyoâ sa mga kalamnang ito.
- may tumutubo (tulad ng fibroid) sa tiyan na bumubunggo sa pantog kaya hindi ito makapag-imbak ng maraming ihi.
- may impeksyon sa pantog.
- may diabetes.
Tumatagas na ihi
Mahinang kontrol sa pag-ihi (incontinence)
Maaaring dulot ito ng mahina o napinsalang kalamnan sa paligid ng pantog. Nangyayari ito pangunahin sa matatandang babae o sa mga babae matapos manganak. Tumatagas ang ihi kapag madiinan ang mahinang kalamnan sa puson habang nakikipagtalik, o kapag tumawa, umubo, bumahing o magbuhat. Puwedeng makatulong ang âpampahigpit na ehersisyoâ.
Tumatagas na ihi mula sa puwerta (vesico-vaginal fistula o VVF)
Kapag palaging may tumatagas na ihi mula sa babae, maaaring may butas sa pagitan ng puwerta at pantog. (Minsan nasa pagitan ng tumbong at puwerta ang butas, kaya tae ang tumatagas.)
Baradong panganganak ang sanhi ng seryosong problemang ito. Nangyayari ito sa mga babaeng napakabata pa nang manganak, bago malubos ang paglaki ng buto. Puwede ring mangyari ito sa mga nakatatandang babae na marami nang anak, kung wala nang sapat na lakas ang kalamnan para itulak palabas ang sanggol. Sa parehong kaso, hirap ilabas ang sanggol. Dinidiin ng ulo ng sanggol ang balat sa pagitan ng pantog at puwerta kaya napipinsala ang balat. Dulot nito, nabubuo ang butas (fistula) sa pagitan ng pantog at puwerta. Madalas patay na ang sanggol pagsilang.
Pagkapanganak, hindi naghihilom ang butas, at tumatagas palagi ang ihi mula sa pantog papunta sa puwerta. Araw at gabi, kailangan ng babaeng magsuot ng pasador o pad para masalo ang ihi. Kung hindi siya matulungan (nasa susunod na pahina), magdudulot ang butas ng seryosong problema sa arawaraw na buhay. Maaaring iwasan o itaboy siya ng asawa, pamilya at mga kaibigan dahil amoy ihi siya palagi.
Nagkakaroon ng âtraumatic fistulaâ ang ilang bataât nakatatandang babae dahil sa panggagahasa o iba pang marahas na aksyong sekswal gaya ng pagpasok ng sandata sa loob ng puwerta. Maaaring magdulot ito ng mga punit sa loob ng babae na pagmumulan ng pagtagas ng ihi o dumi. Mangangailangan ang mga babaeng may traumatic fistula ng suporta, pagkausap at pagpayo tungkol sa sekswal na karahasan, at ng operasyon para makumpuni ang butas at iba pang pinsala sa kanilang ari.
Panlunas:
Kung may tumatagas na ihi pagkatapos manganak, humingi agad ng tulong medikal.
Pagkapanganak, kung may tumatagas na ihi o dumi, kausapin agad ang health worker para malaman kung may alam siyang ospital na magkukumpuni ng butas. Dapat magpa-ospital ka sa pinakamaagang kakayanin. Kung hindi ka makakapunta agad sa ospital, maaaring alam ng health worker kung paano maglagay ng tubong plastic o goma (cathether) sa butas ng ihian papunta sa pantog. Ilalabas ng tubo ang ihi, at maaaring tulungan na maghilom ang butas. Pero kailangan mo pa ring pumunta sa ospital. Pagdating mo roon, eeksaminin ka ng doktor para makita kung naghilom na ang butas, o kung kailangan mo ng operasyon para makumpuni ang butas. Huwag mawalan ng pag-asa.
Madalas ay napapabuti ito.
Pag-iwas:
- Iwasang mag-asawa at magbuntis hanggaât hindi ganap ang paglaki ng babae.
- Dapat magpaanak ang lahat ng babae sa isang midwife o health worker na may tamang kasanayan
- Dapat sa ospital manganak ang mga babaeng may dagdag na panganib
- Huwag manganak nang masyadong magkakalapit, para makabawi muna ng lakas ang mga kalamnan.