Hesperian Health Guides
Kabanata 6: Pagbubuntis at panganganak
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 6: Pagbubuntis at panganganak
—kasabihan ng mga Mixtec, Mexico
Kailangan ng bawat buntis na babae ng mabuting kalusugan, maayos na pagkain at ng pagmamahal at suporta ng pamilya at komunidad. Maraming babae ang malusog ang pagbubuntis at hindi mahirap ang panganganak. Karamihan ng sanggol ay malusog sa pagsilang.
Pero kasabay nito, puwedeng pagbubuntis ang isa sa pangunahing mga panganib sa buong buhay ng babae. Mga kalahating milyon ang namamatay taun-taon mula sa problema sa pagbubuntis at panganganak, karamihan sa mahihirap na bansa.
Maiiwasan ang karamihan sa kamatayang ito ng batayang pangangalaga. May impormasyon sa kabanatang ito para makatulong sa mga buntis na babae na alagaan ang sarili o maalagaan ng iba.
Paano malalaman kung buntis ka
- Hindi dumadating ang iyong regla.
- Nananakit at lumalaki ang iyong suso.
- Masama ang tiyan mo at minsan ay naduduwal ka.
- Mas madalas kang naiihi.
- Napapagod ka.
Maraming babae ang nakakataya kung kailan sila manganganak sa pagbilang ng 10 siklo ng buwan sa kalangitan. |
Paano malalaman kung kailan ka manganganak
Magdagdag ng siyam na buwan at pitong araw sa petsa kung kailan nagsimula ang iyong huling normal na pagregla. Malamang manganganak ka ng mas o menos dalawang linggo mula sa petsang iyon.