Hesperian Health Guides

Pananatiling malusog habang nagbubuntis

Sa kabanatang ito:

Kung maaalagaan ang sarili habang buntis, mas malamang na maging ligtas ang pagbubuntis at panganganak mo at malusog ang sanggol.

  • Sikaping kumain ng masustansyang pagkain. Ang mahusay na nutrisyon ay nagbibigay ng lakas, lumalaban sa impeksyon, nagbubuo ng malusog na sanggol, at tumutulong pigilan ang sobrang pagdurugo sa panganganak. Tandaan na pinapakain mo ang sarili at ang sanggol. Gumamit ng iodized na asin para maiwasang magkadepekto ang iyong sanggol ng kahinaan sa pag-iisip.
  • Matulog at magpahinga tuwing may pagkakataon. Kung kailangang nakatayo ka sa iyong trabaho, sikaping umupo o humiga nang ilang beses sa bawat araw.
Gawin ang pangarawaraw na trabaho... buntis na babaeng nagwawalis ng sahig
 buntis na babaeng nakahiga
...pero magpahinga tuwing may pagkakataon.
  • Pumunta sa mga prenatal check-up para matiyak na walang problema, at makita ang mga problema bago pa lumala. Kung wala ka pang bakuna para sa tetano, gawin sa pinakamaagang makakaya. Magpabakuna nang di-bababa sa 2 beses bago manganak.

Basahin ang ‘Mga palatandaan ng panganib sa pagbubuntis’, para matutunan kung kailan

  • Manatiling malinis. Maligo o maghugas nang regular at maglinis ng ngipin araw-araw.
  • Sikaping mag-ehersisyo araw-araw. Kung nakaupo ka sa trabaho, sikaping maglakad araw-araw. Pero huwag magpagod.
  • Magpagamot kung sa tingin mo, mayroon kang impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) iba pang impeksyon.
  • Magpa-test kung may HIV. Umiwas sa HIV na impeksyon habang buntis sa pamamagitan ng paggamit ng condom kapag nakikipagtalik.
  • Umiwas sa moderno o halamang gamot—maliban kung mag-OK ang isang health worker na alam na buntis ka.
  • Tigilan ang mga inuming nakakalasing, o paghitit o pagngata ng sigarilyo at tabako. Masama ito sa iyo at sa nabubuong sanggol.

Kung may malaria sa inyong lugar, matulog sa loob ng kulambo para maiwasang makagat ng lamok.

  • Umiwas sa mga kemikal na pamatay ng insekto at damo, at iba pang matatapang o pampabrikang kemikal. Makakasama ito sa nabubuong sanggol. Huwag hawakan, o magtrabaho nang malapit, o langhapin ang singaw nito. Huwag na huwag paglagyan ng pagkain o tubig ang mga basyong lalagyan ng kemikal.
  • Lumayo sa mga batang may butlig-butlig sa buong katawan. Baka German measles ito, na makakasama sa nabubuong sanggol.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017