Hesperian Health Guides
Ispesyal na panga nga ila ngan ng kababaihan
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 10: Pananatiling malusog > Ispesyal na panga nga ila ngan ng kababaihan
Mga nilalaman
Pahinga at ehersisyo
Makipagtulungan sa inyong komunidad para mapagaan ang pasanin ng kababa- ihan. Makakabuti sa buhay ng lahat ang mga kalan na mas kaunti ang gamit na panggatong at mas malapit na pagkukunan ng tubig.
Pahinga
Dagdag na impormasyon
trabahoNagtatrabaho nang mabigat ang karamihan ng kababaihan sa pagluluto, pag-iipon ng tubig at panggatong para sa kanyang pamilya. Kung may trabaho rin siya labas ng bahay, doble ang pasanin niya. Puwede siyang magtrabaho nang buong araw sa pabrika, opisina o bukid, at umuwi sa tahanan para sa kanyang ikalawang trabaho—ang magkalinga sa pamilya. Sa tambak ng mabibigat na gawain, maaaring sa pagkaubos ng lakas, malnutrisyon at pagkakasakit tumungo dahil wala siyang sapat na panahon para magpahinga, o sapat na pagkain para lumakas.
Para mabawasan ang kanyang pasanin, puwedeng makibahagi sa trabaho sa bahay ang mga kapamilya niya. Maaari ding makatulong ang pagsama sa ibang babae sa pagluluto, paglilinis at pag-iipon ng panggatong at tubig—sabay-sabay man o salit- salit. May sahod man o wala ang trabaho, malamang ay kailangan niya ng tulong sa pag-aalaga sa mga anak. Nag-oorganisa ng kooperatiba sa pangangalaga ng bata ang ilang mga babae, kung saan isang babae ang nag-aalaga sa mga bata para makapagtrabaho ang iba. Nagbabayad ang bawat babae sa nag-aalaga o kaya’y nagsasalit-salitan ang lahat.
Kung buntis ang isang babae, kailangan niya ng dagdag na pahinga. Puwede niya itong ipaliwanag sa pamilya, at humiling sa kanila ng dagdag na tulong para sa kanyang mga trabaho.
Pag-exercise
Karamihan ng babae ay nakakakuha na ng maraming exercise sa araw-araw na pagtrabaho. Pero kung hindi masyadong gumagalaw ang babae sa kanyang trabaho— halimbawa, kung nakaupo o nakatayo siya nang buong araw sa pabrika o opisina—dapat niyang sikaping maglakad at magbanat araw-araw. Makakatulong itong panatilihing malakas ang kanyang puso, baga at buto.
Maraming INP at kanser ang hindi nagpapakita ng pala- tandaan hanggang sa lumala muna ito nang husto. Kapag malala na, baka huli na para malunasan ang problema.
Regular na eksaminasyon ng kalusugan
Kung kakayanin, kailangang magpatingin ang babae sa isang bihasa na health worker para i-check ang kanyang sistemang reproduktibo tuwing 3–5 taon, kahit mabuti ang pakiramdam niya. Kasama dapat sa eksaminasyong ito ang pelvic exam, pagsusuri sa suso, pag-testing para sa anemia at para sa mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) kung may panganib na magkaroon siya. Maaaring kasama rin ang Pap smear (pinapaliwanag sa baba) o iba pang test para sa kanser sa cervix (bukana ng matris). Lalong mahalaga ito para sa mga babaeng lampas 35, dahil mas lumalaki ang panganib na magkakanser sa cervix habang tumatanda.
Mas ligtas na pagtatalik
Naging malaking sanhi na ng kamatayan sa hanay ng kababaihan ang AIDS.
Dagdag na impormasyon
pagpaplano ng pamilyaKung makikipagtalik na walang proteksyon o sa maraming kapartner, tataas ang panganib ng babae na magka-INP, kasama na ang impeksyon sa HIV na maaaring tumungo sa pagkamatay mula sa AIDS. Kung mapabayaan ang INP, maaaring maging sanhi ito ng pagkabaog, pagbubuntis sa tubo (ectopic), at kusang pagkalaglag ng binubuntis. Kung maraming kapartner, mas tumataas din ang panganib na magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID) at kanser. Maiiwasan ng babae’t lalaki ang mga problemang ito sa pamamagitan ng mas ligtas na pagtatalik.
Pagpaplano ng pamilya
Dapat gumamit ang kabataang babae ng pagpaplano ng pamilya para ipagpaliban ang pagbubuntis hanggang sapat na ang paglaki ng katawan niya. Tapos, kung mapanganak na ang unang sanggol, dapat maghintay siya ng 2 o higit na taon sa pagitan ng bawat pagbubuntis. Pagpatlang o pag-agwat ng anak ang tawag dito. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa katawan ng babae na lumakas muli, at napapatapos sa pagsuso ang sanggol. Kung naabot na niya ang gustong bilang ng anak, puwede niyang piliin na hindi na magkarooon muli.
Mahusay na pangangalaga sa pagbubuntis at panganganak
Maraming babae ang hindi nagpapatingin habang buntis dahil wala namang silang nararamdamang sakit. Pero hindi tiyak na walang problema dahil walang nararamdaman. Marami sa mga problema ng pagbubuntis at panganganak—tulad ng altapresyon o maling posisyon ng dinadala—ang walang mga palatandaan. Dapat sikaping magregular na prenatal check-up. Sa gayon, masusuri siya ng komadrona o health worker na sanay sa ganitong pangangalaga, at malalaman kung maayos ang kanyang pagbubuntis. Sa mahusay na prenatal, maiiwasan na lumala at maging delikado ang ilang mga problema.
Sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya at mahusay na pangangalaga ng buntis at nanganganak, maiiwasan ang:
Buwa (prolapse). Kung sobrang dami na ang pagbubuntis ng babae, o nagkaroon ng mga mahabang pag-labor, o masyadong maagang umiri sa pag-labor, maaaring humina ang kalamnan at litid na sumusuporta sa matris. Kapag nangyari ito, maaaring malaglag ang matris sa puwerta nang bahagi o buo. Buwa o prolapse ang tawag dito.
Dagdag na impormasyon
pampahigpit na ehersisyoPalatandaan:
- di-sinasadyang pagtagas ng ihi
- sa malubhang mga kaso, ang cervix ay nakikita na sa bukana ng puwerta
Pag-iwas:
- Agwatan ang mga anak ng 2 taon o higit.
- Sa pag-labor, umiri lang kapag bukas na nang lubos ang cervix at malakas ang pakiramdam mong napapairi. Huwag pumayag na diinan ang iyong matris para mailabas nang mabilis ang sangol
Tumatagas na ihi mula sa puwerta. Sa pag-labor, kapag sobrang tagal nadiin ang ulo ng sanggol sa dingding ng puwerta, puwedeng mapinsala ang himaymay nito. Dito tatagas ang ihi o dumi.
Pag-iwas:
- Hintaying lumaki nang ganap ang katawan bago magbuntis.
- Iwasan ang masyadong matagal na pag-labor.
- Patlangan ang mga sanggol ng di-bababa sa 2 taon para lumakas muli ang mga kalamnan sa pagitan ng mga pagbubuntis.
Regulat na eksaminasyon ng suso
Dapat eksaminin ng babae ang suso niya bawat buwan, kahit menopause na.
Kung may kapansanan ang babae at mahirap mageksamin sa sariling suso, puwede niyang ipagawa ito sa ibang tao na may tiwala siya.
Karamihan ng babae ay may ilang maliliit na bukol o umbok sa kanilang suso. Madalas nagbabago ang laki at hugis ng mga bukol sa takbo ng buwanang siklo. Maaaring sumakit bago siya magregla. Minsan—pero hindi madalas—ang bukol sa suso na hindi nawawala ay maaaring palatandaan ng kanser sa suso.
Madalas kayang matuklasan ng babae ang mga bukol niya sa suso kung matuto siya ng pag-eksamin nito. Kung gagawin ang pag-eksamin minsan bawat buwan, makakabisa ang salat ng sariling suso, at mas malamang matutuklasan kung may problema.
Paano mag-eksamin ng sariling suso
Tingnan ang iyong mga suso sa harap ng salamin, kung mayroon ka. Itaas ang iyong braso nang lampas sa ulo. Maghanap ng anumang pagbabago sa hugis ng mga suso, o anumang pamamaga o pag-umbok o pagbabago sa balat o sa utong. Pagkatapos, ibaba sa tagiliran ang mga braso at muling i-check ang suso. | |
Humiga. Pantayin ang mga daliri, diinan ang iyong suso, at kapain kung may anumang bukol. | |
Tiyaking makapa mo ang lahat ng bahagi ng suso. Makakatulong kung gagamit ka palagi ng iisang sistema o daanan ng paggalaw ng kamay. |
Ano’ng gagawing kung may matuklasang bukol