Hesperian Health Guides

Kalinisan

Sa kabanatang ito:

Maraming mga sakit ang naikakalat ng mga mikrobyo na dumadaan mula sa isang tao papunta sa iba. Narito ang ilan sa pinakamadalas na paraan ng pagkalat ng mga mikrobyo:

  • paghawak sa isang taong may impeksyon.
  • sa hangin. Halimbawa, kapag may umubo, puwedeng kumalat sa ibang tao o bagay ang mga mikrobyo na nasa maliliit na patak ng laway.
babaeng umuubo at may tumatalsik na laway sa hangin
babaeng nakahawak sa braso ng isa pang babaer
  • sa damit, tela, o sapin ng kama
  • sa kagat ng insekto at hayop.
.
  • pagkain ng kontaminadong pagkain.
maliit na batang lalaking nag-aabot ng tela sa maliit na batang babae
babaeng pumapalo ng insekto sa kanyang braso
babaeng kumakain mula sa mangkok

Naikakalat ang iba’t ibang mikrobyo sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, naika- kalat ang mikrobyo ng tuberkulosis (TB) sa pamamagitan ng hangin, at ang lisa at galis-aso (scabies) sa damit at sapin ng kama.

Mahalaga ang kalinisan sa komunidad (sanitasyon), kalinisan sa bahay, at personal na kalinisan para mapigilan ang mga sakit sa pamamagitan ng pagpigil sa pagkalat ng mga mikrobyo. Halimbawa:

Ano ang puwedeng nakapigil sa pagkakasakit ng pamilya?

Kung ginawa ng pamilya ang alinman sa mga pag-iingat na ito, maaaring napigilan ang pagkalat ng sakit:

  • kung gumamit ang lalaki ng kasilyas.
  • kung hindi hinayaang nakakawala ang baboy.
  • kung hindi ginamit ng nanay ang kanyang saya sa pagpunas ng kamay ng bata at humawak sa pagkain pagkatapos.
  • kung naghugas ng kamay ang nanay pagkatapos hawakan ang kanyang anak at bago naghanda ng pagkain.

Gumamit ng compost mula sa tira-tirang pagkain para pang-abono ng pananim.

Kalinisan sa komunidad (sanitasyon)

mga babaeng kumukuha ng tubig mula sa bomba para punuin ang mga lalagyan
Maiiwasan ang pagtatae at parasitiko sa tulong ng malinis na inuming tubig.

Pagkatapos gamitin ang kasilyas, magtapon ng kaun- ting apog, lupa o abo sa butas para maba- wasan ang amoy at langaw.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa pagtatayo ng mga kasilyas, tingnan ang Where There Is No Doctor.

Maraming karaniwang problema sa kalusugan ang pinakamabuting lutasin sa komunidad. Kung magtutulungan ang komunidad para mapahusay ang sanitasyon, makikinabang lahat. Halimbawa:

Sama-samang gumawa ng mapagkukunan ng malinis na tubig na pang-inom at panluto. Dapat ay sapat ang lapit nito sa komunidad para madaling makapag-igib ang mga tao.

Para mapanatiling malinis ang tubig na pang- inom at panluto:

  • huwag hayaang makalapit ang mga hayop. Kung kinakailangan, magtayo ng bakod.
  • huwag maligo, maglaba o maghugas ng mga lutuan o kainan malapit dito.
  • huwag dumumi o magtapon ng basura malapit dito.


Iligpit o idispatsa ang basura sa ligtas na paraan. Kung angkop, magbaon, mag-compost, o magsunog ng basura. Kung ibabaon, tiyaking malalim ang hukay para hindi makalkal ng mga hayop at insekto. Kung nasa taas ng lupa ang basura, palibutan ito ng bakod at tabunan ng lupa para mabawasan ang langaw. Dagdag pa, maghanap ng ligtas na paraan para sa mga basurang mapanganib o nakakalason. Halimbawa, huwag sunugin ang mga plastik dahil nakakalason ang usok nito, laluna sa mga bata, matatanda at may sakit na tao.

Padaluyin at patuyuin ang mga naiipong tubig sa labahan, mga lubak o hukay, loob ng gulong at nakabukas na sisidlan. Ikinakalat ang malaria at dengue fever ng mga lamok, na nangingitlog at nagpaparami sa tubig na hindi dumadaloy. Kung kaya, sa loob ng kulambo matulog.

Organisahin ang komunidad na magtayo ng mga kasilyas (tingnan ang susunod na pahina kung paano ang pagtatayo).

Paano magtayo ng kasilyas

babaeng nakapanimpuho sa kasilyas o palikuran na tinayo ayon sa nakasulat sa ibaba
  1. Gumawa ng hukay na mga ½ metro ang lapad, 1½ metro ang haba at 3 metro ang lalim.
  2. Takpan ang hukay; mag-iwan ng butas na mga 20 x 30 sentimetro ang sukat.
  3. Magtayo ng maliit na kubo gamit ang mga lokal na materyal.



Para maging ligtas, dapat di- bababa sa 20 metro ang layo ng kasilyas mula sa lahat ng bahay, balon, bukal, ilog o sapa. Kung hindi maiwasan na malapit ito sa lugar na pinagkukunan ng tao ng tubig,
siguraduhin na ipuwesto ang kasilyas sa gawing ibaba ng agos.

kasilyas o palikuran na mahigit 20 metro ang layo mula sa bahay, bukal, ilog, at balon
ilog
bukal
balon
bahay

Kalinisan sa bahay

Pinapatay ng sikat ng araw ang maraming mirobyo na nagdudulot ng sakit.

Dahil magkakalapit sa isa’t isa ang magkakapamilya, madaling kumalat ang mikrobyo at sakit sa kanilang lahat. Mababawasan ang mga sakit sa pamilya kung:

  • maghugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan sa sabon (o malinis na abo) at malinis na tubig pagkagamit ng mga ito. Kung kakayanin, patuyuin sa ilalim ng araw.
  • dalasan ang paglilinis ng tirahan. Magwalis, maglampaso at magpunas ng sahig, dingding at ilalim ng mga gamit sa bahay. Takpan ang mga bitak at butas sa sahig o dingding na puwedeng pagtaguan ng mga ipis, surot at ibang insekto.
  • ibilad sa araw ang mga sapin sa higaan para mapatay ang mga surot at ibang parasitiko.
mga kumot na nakasabit sa sampayan na itinali sa pagitan ng dalawang puno

Kung dudumi ang mga bata o hayop nang malapit sa bahay, linisin ito kaagad.

  • huwag dumura sa sahig. Kapag umubo o humatsing, takpan ang bibig ng kamay, tela o panyo. Pagkatapos, maghugas ng kamay kung kakayanin.
  • idispatsa ang dumi ng tao sa ligtas na paraan. Turuan ang mga bata na gumamit ng kasilyas, o ibaon sa hukay ang kanilang dumi, o pumunta man lang sa lugar na malayo sa bahay o sa pinagkukunan ng tao ng maiinom.
babaeng nagwawalis ng dumi ng maliit na bata sa labas ng bahay

Personal na kalinisan

Dagdag na impormasyon
impeksyon sa ihian

Pinakamahusay kung maghuhugas ng sabon at malinis na tubig araw-araw, kung kakayanin. Dagdag pa:

  • hugasan ang iyong kamay bago kumain o maghanda ng pagkain, pagkatapos umihi o dumumi, at bago at pagkatapos mag-alaga ng sanggol o taong maysakit.
  • hugasan araw-araw ang panlabas na ari gamit ang banayad na sabon at tubig. Pero huwag mag-douche (pagpadaloy ng tubig o anumang ‘panlinis’ sa loob ng puwerta). Nililinis at pinoprotektahan ng puwerta ang sarili sa pamamagitan ng kaunting pamamasa o discharge. Natatanggal ang natural na proteksyong ito ng pag- douche kaya mas madali tuloy kapitan ng impeksyon sa puwerta.
  • umihi pagkatapos makipagtalik. Makakatulong ito sa pag-iwas sa impeksyon sa ihian (pero hindi makakapigil sa pagbubuntis).
  • maingat na maglinis at magpahid pagkatapos dumumi. Palaging magpahid mula sa harap papunta sa likod. Kung magpapahid nang paharap, maaaring magkalat ng mikrobyo at bulate papunta sa bukana ng ihian at puwerta.
dalawang sipilyo ng ngipin na gawa sa mga patpat
Maaari kang gumawa
ng sariling sepilyo
para manatiling
malinis ang ngipin.

Protektahan ang ngipin

sipilyo ng ngipin na nabibili sa tindahan

Mahalaga ang mahusay na pangangalaga sa ngipin dahil:

  • kailangan ang malakas at malusog na ngipin para manguya at matunaw nang husto ang pagkain.
  • maiiwasan ang masasakit na butas sa ngipin (mula sa pagkabulok) at pamamaga ng gilagid.
  • maaaring magdulot ang bulok na ngipin ng mga seryosong impeksyon na makakaapekto sa ibang parte ng katawan.
  • mas malamang mabungi sa pagtanda ang mga taong hindi nag-aalaga ng ngipin.


Dapat matamang linisin ang ngipin dalawang beses bawat araw. Tinatanggal nito ang mga mikrobyo na sanhi ng pagkabulok at pagkawala ng ngipin. Linisin ang ibabaw ng lahat ng ngipin sa harap at likod. Pagkatapos, linisin ang pagitan ng ngipin at ilalim ng gilagid. Gumamit ng malambot na sepilyo, tooth pick, o daliring binalot sa magaspang na tela. Maganda kung may toothpaste, pero hindi lubos na kailangan. Uubra rin kahit na asin, uling o maging malinis na tubig lamang.

Malinis na tubig

babaeng nagwawalis ng sahig malapit sa malaking lalagyan na may takip
Ipunin ang tubig sa lalagyang may takip at panatilihing malinis ang inyong tirahan.

Dapat ipunin ang tubig na pang-inom mula sa pinakamalinis na posibleng pagkukunan. Kung malabo ang tubig, hayaan munang tumining bago kunin ang malinaw na tubig sa taas. Pagkatapos, bago inumin, patayin ang nakasasamang mga mikrobyo sa paraang nakalarawan sa baba. Pagpapadalisay (purification) ang tawag dito.

Ipunin ang dalisay na tubig sa malinis at may takip na sisidlan. Kung dating lalagyan ng mantika ang gagamitin, hugasan muna nang mabuti ng sabon at mainit na tubig. Huwag na huwag mag-imbak ng tubig sa lalagyan na nagamit na para sa mga kemikal, pestisidyo o panggatong. Hugasan ang mga sisidlan ng tubig ng sabon at malinis na tubig minsan bawat linggo.

Ligtas na pagkain

Pumipigil sa pagkalat ng sakit ang paghuhugas ng kamay. Magtabi ng ispesyal na malinis na punasan ng kamay. Labhan ito nang madalas at patuyuin sa araw.

tubig mula sa tabo na binubuhos sa mga kamay ng tao

O ipagpag ang iyong kamay para matuyo sa hangin.

babaeng may apron o tapis na winiwisik ang tubig mula sa mga kamay

Maraming karaniwang sakit sa bituka ang naikakalat sa pama- magitan ng pagkain. Naipapasa minsan ng mga taong umaani, humahawak o naghahanda ng pagkain ang mikrobyo mula sa kamay nila papunta sa pagkain. Minsan naman ay nadadala ng hangin papunta sa pagkain ang mikrobyo at amag, kaya ito napapanis. Nangyayari ito kung hindi maayos ang pagtago o pagluto ng pagkain, o kapag luma na ito.

Para mapigilan ang pagkalat ng mikrobyo sa pagkain:

  • hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago maghanda ng pagkain, bago kumain at bago pakainin ang mga anak.
  • hugasan o balatan ang mga prutas at gulay na kinakain nang hilaw.
  • huwag hayaan ang hilaw na karne o isda na dumikit sa ibang pagkain na kinakain nang hilaw. Palaging hugasan ang iyong kamay, kutsilyo at sangkalan pagkatapos hiwain ang mga karneng ito.
  • iwasan ang pag-ubo, pagdura at pagnguya o pagnganga ng anuman habang malapit sa pagkain para hindi ito malagyan ng laway.
  • huwag hayaang dilaan ng hayop ang mga pinggan o gamit sa pagkain. Kung kaya, huwag papasukin sa kusina ang mga hayop.
  • itapon ang pagkain kapag napanis ito.


Narito ang ilan sa pinakakaraniwang palatandaan ng panis na pagkain:

  • masamang amoy
  • masamang lasa o pagbabago ng lasa
  • pagbabago ng kulay (halimbawa, kung mula kulay pula ay mangitim o maging kulay tsokolate ang hilaw na karne)
  • maraming bula sa taas (halimbawa, sa taas ng lumang sabaw) kasama ng masamang amoy
  • maduming katas sa ibabaw ng karne o lutong pagkain

Lutong karne

Sa ibang ko- munidad, may mga ispesyal na paraan para ihanda ang hilaw na karne o isda para maging ligtas itong kainin.

Pumapatay ng mikrobyo ang pagluluto. Lutuin nang mabuti ang lahat ng karne at isda. Dapat walang matitira na hilaw ang kulay o hitsura.

kaldero sa ibabaw ng apoy na panluto

Kung magsimulang lumamig ang pagkain, mabilis na bumabalik ang mga mikrobyo. Kung hindi ito makakain sa loob ng 2 oras, initin ito muli nang husto. Dapat kumulo ang mga pagkaing likido, at sumingaw dahil sa init ang iba (halimbawa kanin).

May mga babae sa komunidad na maalam kung anong lokal na pagkain ang tumatagal, at paano ang pagtago nito. Puwede nila itong ituro sa iba.

pampalamig na paminggalan na may mga pagkain sa loob
Takpan ang buong kahon kapag gumawa ka ng pampalamig na paminggalan. Bukas ang harapan ng drowing sa ibaba para lang maipa- kita ang nasa loob

.

Taguan ng pagkain

Hangga’t maaari, kumain ng bagong handang pagkain. Kung magtatago ka ng pagkain, takpan ito para maproteksyunan mula sa langaw, ibang insekto at alikabok.

Mas tumatagal ang pagkain kapag nananatiling malamig. Nagpapa- natiling malamig ang mga paraang nakalarawan sa baba sa pamama- gitan ng kusang pagpatuyo ng tubig (evaporation). Ilagay ang pagkain sa mababaw na kawali para sa mas kumpletong pagpapalamig.

pampalamig na palayok

Pampalamig na palayok. Gawa sa maliit na palayok sa loob ng malaking palayok ang pampalamig na ito. Punuin ng tubig ang pagitan ng mga palayok. Gumamit ng malaking palayok na may takip na magaspang at hindi makintab para makasingaw palabas ang tubig. Dapat makinis at makintab (glazed) ang maliit na palayok na lalagyan ng pagkain para hindi tumagas ang tubig papasok dito.

Pampalamig na paminggalan o aparador. Patagilirin ang isang kahoy na kahon o kaha at ipatong ito sa mga bato para mai-alsa mula sa sahig. Magpatong ng lalagyan ng tubig sa kahon, at magbalabal ng magaspang na tela sa lalagyan ng tubig at sa palibot ng kahon. Hindi dapat umabot sa sahig ang tela. Isawsaw sa tubig ang tela, para kumalat ang pagkabasa sa buong tela. Ilagay ang pagkain sa loob ng kahon. Habang natutuyo ang tubig, palalamigin nito ang pag- kain. Gagana ito nang husto kung mapapanatiling basa palagi ang tela.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017