Hesperian Health Guides
Impeksyon sa sistemang ihian
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 23: Mga problema sa sistemang ihian > Impeksyon sa sistemang ihian
Mga nilalaman
Ano ang sanhi ng impeksyon sa pantog at bato?
Anuman ang edad ng babae—kahit maliit na sanggol—puwedeng magka-impeksyon sa sistemang ihian |
Mga mikrobyo (bacteria) ang sanhi ng impeksyon sa sistemang ihian. Mula sa labas, dumadaan ang mga ito sa butas ng ihian na malapit sa puwerta papasok sa katawan. Mas madalas ang impeksyon sa babae kaysa sa lalaki dahil higit na mas maikli ang ibabang tubong ihian ng babae. Ibig sabihin, mas madaling makaakyat ang mga mikrobyo sa maikling tubo papunta sa pantog.
Madalas pumapasok ang mga mikrobyo sa katawan ng babae o nagsisimulang dumami kapag siya’y:
- nakipagtalik. Habang nagtatalik, puwedeng maitulak ang mga mikrobyo mula sa puwerta at puwit papasok sa butas ng ihian tungo sa tubong ihian. Ito ang isa sa pinakakaraniwang sanhi ng impeksyon sa pantog ng kababaihan. Para maiwasan, umihi pagkatapos makipagtalik. Babanlawan nito palabas ang tubong ihian (pero hindi ito pipigil sa pagbubuntis).
- matagal na hindi umiinom, laluna kung nagtatrabaho sa mainit na lugar at malakas magpawis. Magsisimulang dumami ang mga mikrobyo sa pantog na walang laman. Sikaping uminom ng di bababa sa 8 baso o tasa ng likido bawat araw. Kapag nagtatrabaho sa ilalim ng araw, dagdagan pa ang inom.
- matagal na hindi umiihi (halimbawa, kapag nagbibiyahe). Maaaring magdulot ng impeksyon ang mga mikrobyong nagtatagal sa sistemang ihian. Sikaping umihi tuwing 3–4 na oras.
Turuan ang mga maliit na batang babae ng tamang paraan ng pagpunas matapos dumumi.
- hindi napapanatiling malinis ang ari. Puwedeng mapunta sa butas ng ihian at magdulot ng impeksyon ang mga mikrobyo mula sa ari—laluna yung mula sa puwit. Sikaping maghugas ng ari bawat araw, at laging magpahid mula harap papunta sa likod matapos dumumi. Kakalat ang mikrobyo mula sa puwit papunta sa butas ng ihian kung paharap magpupunas. Sikapin ding maghugas ng ari bago makipagtalik. Panatilihing malinis ang pasador na ginagamit mo para sa regla.
- may kapansanan, laluna yung may pinsala sa gulugod (spinal cord), o walang pakiramdam sa ibabang bahagi ng katawan. Para sa dagdag na impormasyon, tingnan ang mga librong Where There Is No Doctor at A Health Handbook for Women with Disabilities.
- may HIV na impeksyon, na nagpapahirap sa babaeng labanan ang mga impeksyon
Panlunas sa impeksyon sa pantog:
Madalas magagamot sa bahay ang impeksyon sa pantog. Lunasan agad sa sandaling mapansin ang mga palatandaan. Mabilis minsan na umaakyat ang impeksyon sa pantog papunta sa bato
- Uminom ng maraming tubig. Sikaping uminom ng di bababa sa isang tasa ng malinis na tubig tuwing 30 minuto. Paiihiin ka nito nang mas madalas. Minsan naaanod palabas ang mga mikrobyo bago lumala ang impeksyon.
- Huwag makipagtalik sa loob ng ilang araw, o hanggang mawala na ang mga palatandaan.
- Gumawa ng tsaa mula sa bulaklak, butil at dahon na kilalang nakakagamot ng impeksyon sa ihian. Magtanong sa matatandang babae sa komunidad kung anong halaman ang makakatulong
Nakakapagdulot ng hapdi sa pag-ihi ang mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP), laluna ang chlamydia.
Kung hindi bumuti ang pakiramdam sa 1–2 araw, tigilan ang mga remedyong pambahay at simulan ang mga gamot sa kahon sa baba. Kung hindi pa rin umige ang pakiramdam matapos ang 2 pang araw, magpatingin sa isang health worker. Maaaring may INP sa halip na impeksyon sa sistemang ihian.
Mga Gamot para sa Impeksyon sa Pantog |
||
---|---|---|
Gamot | Gaano karami | Kailan at paano gagamitin |
cotrimoxazole (160 mg trimethoprim at 800 mg sulfamethoxazole) | 2 tableta ng 480 mg | 2 beses bawat araw, iinumin, sa 3 araw |
o kaya nitrofurantoin | 100 mg | 2 beses bawat araw, iinumin, sa 5 araw |
Kung hindi bumuti ang pakiramdam mo makaraan ang 2 araw (48 oras), maaaring may resistensya sa mga gamot na ito sa inyong lugar. Kung kakayanin, kumonsulta sa health worker, o sa halip gamitin ang mga gamot na cefixime o kaya cephalexin. |
Panlunas sa impeksyon sa bato:
Kung may palatandaan ng impeksyon sa bato, hindi sapat ang mga pambahay na remedyo. Simulan agad ang mga gamot na ito. Pero kung hindi magsimulang bumuti ang pakiramdam matapos ang 2 araw, magpatingin sa isang health worker.
Mga Gamot para sa Impeksyon sa Bato |
||
---|---|---|
Gamot | Gaano karami | Kailan at paano gagamitin |
ciprofloxacin | 500 mg | 2 beses bawat araw, iinumin, sa 10 araw |
o kaya cotrimoxazole (160 mg trimethoprim at 800 mg sulfamethoxazole) |
2 tableta ng 480 mg | 2 beses bawat araw, iinumin, sa 10 araw |
KUNG HINDI KA MAKALUNOK NG GAMOT DAHIL NAGSUSUKA KA, GUMAMIT NG | ||
ceftriaxone | 1 gram (1000 mg) | IV (suwero), isang beses bawat araw |
o kaya gentamicin | 80 mg sa unang bigay | IV (suwero), o iiniksyon sa kalamnan, |
lang, tapos 60 mg bawat bigay sa susunod |
3 beses bawat araw | |
Kapag kaya mo nang lumunok ulit ng gamot na hindi nasusuka, itigil ang pag-iniksyon at ituloy ang gamot na iniinom para sa impeksyon sa bato sa loob ng 7 pang araw. |