Hesperian Health Guides
Iba pang mga INP
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 16: Impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) at iba pang impeksyon sa ari > Iba pang mga INP
Mga nilalaman
HIV/AIDS (HIV, Acquired Immune Deficiency Syndrome)
Madalas naipapasa ang HIV, ang virus na sanhi ng AIDS, sa hindi ligtas na pakikipagtalik. Naipapasa ito kapag nakapasok sa katawan ng ibang tao ang tamod, likido mula sa puwerta, o dugo ng taong may HIV. Pinapadali ng mga pagsusugat sa ari na maipasa ang virus mula sa isang tao papunta sa iba. Maraming HIV ang tamod at likido mula sa ari ng taong may INP at HIV.
Mas madaling mapasahan ng HIV sa pagtatalik ang babae kaysa sa lalaki. Puwede kang mahawa ng HIV sa isang taong malusog na malusog ang hitsura.
Walang panlunas na nakakapagaling, pero may panlunas na kayang magpahaba at magpabuti ng buhay ng taong may HIV. Ugaliin ang mas ligtas na pagtatalik para maiwasan ang pagkalat ng HIV at pangalagaan ang sarili at iba. Kung sa palagay mo ay nakipagtalik ka na walang proteksyon sa taong may HIV, tingnan ang Gamot para sa AIDS.
Hepatitis B (madilaw na mata)
Ang hepatitis B ay mapanganib na impeksyong dulot ng virus na pumipinsala sa atay. Naikakalat ito kapag ang dugo, laway, likido mula sa puwerta, o tamod ng taong may virus na ay makapasok sa katawan ng ibang tao. Madali itong kumalat mula sa isang tao papunta sa iba, laluna sa pakikipagtalik.
Kung nagkaroon na ng ilan sa mga palatandaang ito ang iyong partner, huwag makipagtalik hangga’t hindi siya lubusang magaling. Magtanong sa isang health worker kung puwede kang magpabakuna
Palatandaan:
|
Panlunas:
Walang gamot na makakatulong. Maaari pa ngang madagdagan ang pinsala sa atay kung iinom ng gamot.
Karamihan ng tao ay umiige mula sa pagkakasakit ng hepatitis B. May maliit na bilang ng tao na nagkakaproblema nang tuloy-tuloy sa atay, kasama na ang kanser. Magpahinga hangga’t maaari, at tiyakin na madaling tunawin ang kinakain. Huwag uminom ng alkohol (inuming nakalalasing) nang di bababa sa 6 na buwan.
Pagbubuntis at hepatitis. Kung may alinman sa nabanggit na mga palatandaan habang buntis, makipagkita sa isang health worker. Maaaring mabakunahan ka para maiwasan na mapasahan ng hepatitis B ang iyong sanggol.