Hesperian Health Guides

Abnormal na discharge

Sa kabanatang ito:

Normal lang na magkaroon ng kaunting discharge o pamamasa na galing sa puwerta. Ito ang paraan ng puwerta para linisin ang sarili. Nagbabago ang dami ng discharge kasunod ng takbo ng buwanang siklo. Sa panahong mabunga, mas basa at madulas ito at malinaw ang kulay. Kung buntis ka, maaaring mas maraming discharge.

Minsan, impeksyon ang sanhi ng pagbabago sa dami, kulay o amoy ng discharge. Pero mahirap malaman mula sa discharge kung anong klaseng impeksyon mayroon ka.

babaeng nakatimpuho (squat) at hawak ang dalawang daliri malapit sa mukha
Maaaring mangahulugan ng impeksyon ang pagbabago sa amoy o kulay ng iyong discharge.

Karaniwang sanhi ng abnormal na discharge

Ang abnormal na discharge ay maaaring palatandaan ng yeast infection o bacterial vaginosis, na hindi naihahawa sa pagtatalik; o palatandaan ng trichomonas, gonorrhea (tulo) at chlamydia, na pawang naihahawa sa pagtatalik.

MAHALAGA! Kung may discharge ka mula sa puwerta at pananakit sa puson, maaaring mayroon kang malubhang pelvic infection. Magpagamot kaagad!

Yeast (candida, puting discharge, thrush)

Hindi naihahawa sa pagtatalik ang yeast. Hindi ito nagdudulot ng kumplikasyon. Malamang magkaroon ka ng ganitong impeksyon kapag buntis, umiinom ng antibiotics, o may ibang sakit tulad ng diabetes o HIV/AIDS

Palatandaan:
  • maputi, buo-buong discharge na parang kulta ng gatas o yogurt
  • matingkad na pulang balat sa labas at loob ng puwerta na dumudugo minsan
  • masyadong makati sa loob o labas ng puwerta
  • mahapdi kapag umiihi
  • may amoy na parang amag o panluto ng tinapay
Panglunas:
WWHND10 Ch16 Page 266-1.png

Hindi delikado ang yeast at madalas magagamot ito ng mga natural na paraan. Mabisang gamutin ang buntis bago manganak dahil puwedeng mahawa ng thrush ang sanggol.

Isang natural na paraan ay ang paghalo ng 3 kutsarang suka sa 1 litrong pinakulo at pinalamig na tubig. Ibabad dito ang isang piraso ng malinis na bulak at ipasok sa puwerta tuwing gabi sa 3 gabi. Tanggaling ang bulak tuwing umaga.

Gamot para sa Yeast na Impeksyon
Ibabad ang malinis na piraso ng bulak sa 1% gentian violet. Ipasok ang bulak sa loob ng puwerta gabi-gabi sa loob ng 3 gabi. Tanggalin tuwing umaga. O kaya, gumamit ng alinman sa sumusunod:
Gamot Gaano karami Kailan at paano gagamitin
miconazole 1 insert, 200 mg ipasok nang malalim sa puwerta, gabi-gabi, 3 gabi
o kaya nystatin 1 insert, 100,000 units ipasok nang malalim sa puwerta, gabi-gabi, 14 gabi
o kaya clotrimazole dalawang 100 mg insert ipasok sa puwerta, gabi-gabi, 3 gabi
Pag-iwas:

Mahahanginan ang ari kung magsusuot ng maluwang na damit at panloob na cotton, sa halip na nylon o polyester. Makakatulong itong pigilan ang pagtubo ng yeast. Dalasan ang paglaba o pagpalit ng panloob. Huwag sabunan ang loob ng ari. Huwag mag-douche.

Bacterial vaginosis

Hindi naihahawa sa pagtatalik ang bacterial vaginosis. Kung buntis ka, maaaring maging sanhi ito ng sobrang agang panganganak.

Palatandaan:
  • mas maraming discharge kaysa karaniwan
  • amoy isda, laluna pagkatapos magtalik
  • bahagyang pangangati


Kung WALA KA SA PANGANIB na magka-INP
Gamot sa Discharge: para sa Bacterial Vaginosis
Para malaman kung wala ka sa panganib na magka-INP, tingnan "Bakit seryosong problema sa kababaihan ang mga INP".
Gamot Gaano karami Kailan at paano gagamitin
metronidazole 400 to 500 mg iinumin, 2 bawat araw sa loob ng 7 araw
o kaya metronidazole
(iwasan ang metronidazole sa unang 3 buwan ng pagbubuntis)
2 grams (2000 mg) iinumin, isahang dose lang
o kaya clindamycin 300 mg iinumin, 2 bawat araw sa loob ng 7 araw
or clindamycin 5 grams ng 2% cream
(1 buong applicator)
malalim sa loob ng puwerta sa pagtulog, sa loob ng 7 araw
Gamutin din ang partner ng babae ng 2 grams metronidazole, iinumin, isang beses lang
MAHALAGA! Huwag uminom ng alak/alkohol habang gumagamit ng metronidazole o tinidazole.

Trichomonas

Hindi delikadong impeksyon ang trichomonas, pero puwedeng maging miserable ka sa pangangati. Madalas walang palatandaan ang lalaki, pero daladala pa rin niya ang sakit sa kanyang titi at maipapasa ito sa iba sa pakikipagtalik.

Palatandaan:
  • kulay abo o dilaw at mabula na discharge
  • mabahong discharge
  • mapula at makati na ari at puwerta
  • masakit o mahapdi kapag umihi

Gonorrhea (tulo, VD, clap) at chlamydia

Parehong seryosong sakit ang gonorrhea at chlamydia. Pero madali itong mapagaling kung maagang gagamutin. Kung hindi, puwede itong magdulot ng matinding impeksyon at pagkabaog sa babae at lalaki.

Sa lalaki, madalas nagsisimula ang palatandaan mga 2–5 araw matapos makipagtalik sa taong may impeksyon. Pero puwedeng walang palatandaan ang lalaki kahit may impeksyon. Sa babae, puwedeng umabot ng ilang linggo o kahit buwan bago magsimula ang palatandaan. Kahit na wala kang palatandaan, puwede ka pa ring magpasa ng gonorrhea at chlamydia sa ibang tao.

Pareho ang mga palatandaan ng gonorrhea at chlamydia, kaya pinakamahusay na magpagamot sa dalawa kung kakayanin.

Palatandaan sa babae:
WWHND10 Ch16 Page 267-1.png
  • kulay dilaw o berde na discharge mula sa puwerta o puwit
  • masakit o mahapding pag-ihi
  • lagnat
  • pananakit sa puson
  • pananakit o pagdurugo habang nakikipagtalik
  • o walang anumang palatandaan
Palatandaan sa lalaki:
WWHND10 Ch16 Page 267-2.png
  • discharge mula sa titi
  • masakit o mahapdi na pag-ihi
  • pananakit o pamamaga ng bayag
  • o walang anumang palatandaan


Kung sa tingin mo ay MAY PANGANIB KA na magka-INP

Gamot sa Discharge: para sa Gonorrhea, Chlamydia, Trichomonas

Nagagamot din ang Bacterial Vaginosis
Para malaman kung may panganib ka na magka-INP, tingnan "Bakit seryosong problema sa kababaihan ang mga INP".
Gamot Gaano karami Kailan at paano gagamitin
ceftriaxone 250 mg iniksyon sa kalamnan, isahang dose
o kaya spectinomycin 2 grams (2000 mg) iniksyon sa kalamnan, isahang dose
AT
azithromycin 1 gram
(1000 mg)
iinumin, isahang dose lang
o kaya doxycycline 100 mg iinumin, 2 bawat araw sa loob ng 7 araw
(huwag gumamit ng doxycycline kung buntis ka at iwasan ang paggamit kung nagpapasuso)
o kaya erythromycin 500 mg iinumin, 4 bawat araw sa loob ng 7 araw
o kaya tetracycline 500 mg iinumin, 4 bawat araw sa loob ng 7 araw
(huwag gumamit ng tetracycline kung buntis ka o nagpapasuso)
o kaya amoxicillin 500 mg iinumin, 3 bawat araw sa loob ng 7 araw
(puwedeng gamitin ang amoxicillin kung buntis ka at walang makuhang azithromycin at erythromycin)
AT
metronidazole 400 to 500 mg
o kaya 2 grams (2000 mg)
iinumin, 2 bawat araw sa loob ng 7 araw
iinumin, isahang dose lang
(iwasan ang metronidazole sa unang 3 buwan ng pagbubuntis))
o kaya tinidazole 2 grams (2000 mg) iinumin, isahang dose lang
o kaya, if you are pregnant less than 3 months 500mg iinumin, 2 bawat araw sa loob ng 5 araw
Gamutin din ang kapartner ng parehong mga medisina.
MAHALAGA! Huwag uminom ng alak/alkohol habang gumagamit ng metronidazole o tinidazole.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017