Hesperian Health Guides
Kumplikasyon ng INP
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 16: Impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) at iba pang impeksyon sa ari > Kumplikasyon ng INP
Mga nilalaman
Pelvic Inflammatory Disease (PID)
Dagdag na impormasyon
iba pang mga sanhi ng pananakit sa pusonHindi palaging masakit ang PID.
Para maiwasan ang PID, palaging gamutin nang tama ang mga INP. Tiyaking:
- maubos ang lahat ng gamot.
- malunasan din ang kapartner
- tumigil muna sa pagtatalik hangga’t hindi nauubos ng magpartner ang lahat ng gamot at nawawala ang mga palatandaan.
Palatandaan (maaaring may isa o ilan sa mga ito):
- pananakit sa puson
- mataas na lagnat
- masamang-masama at mahinang-mahina ang pakiramdam mo
- kulay berde o dilaw na mabahong discharge mula sa puwerta
- pananakit o pagdurugo habang nakikipagtalik
Panlunas:
Gamitin agad ang mga gamot sa susunod na pahina. Kung hindi aayos ang pakiramdam mo pagkatapos ng 2 araw at 2 gabi (48 oras); o kung masamang masama ang pakiramdam mo at may mataas na lagnat o pagsusuka; o kung buntis ka, bago lang nagpalaglag o nanganak; pumunta agad sa health center o ospital. Maaaring kailangan mo ng matapang na gamot sa suwero (IV).
Gamot para sa PID (Pelvic Inflammatory Disease) | ||
---|---|---|
Madalas galing sa halo-halong mikrobyo ang ganitong impeksyon, kaya dapat lampas sa isang gamot ang gamitin para mapagaling. | ||
Gamot | Gaano karami | Kailan at paano gagamitin |
ceftriaxone | 250 mg | iiniksyon sa kalamnan, isahang dose lang |
o kaya spectinomycin | 2 grams (2000 mg) | iiniksyon sa kalamnan, isahang dose lang |
AT | ||
doxycycline | 100 mg | iinumin, 2 beses bawat araw sa 10 araw |
(huwag gumamit ng doxycycline kung buntis o nagpapasuso) | ||
o kaya azithromycin | 1 gram (1000 mg) | iinumin, isahang dose lang, at ikawalang dose matapos ang 1 linggo (7 araw) |
(isabay sa pagkain ang azithromycin; ligtas gamitin habang buntis) | ||
or erythromycin | 500 mg | iinumin, 4 beses bawat araw sa 14 araw |
(ligtas gamitin habang untis) | ||
o kaya amoxicillin | 500 mg | iinumin, 3 beses bawat araw sa 14 araw |
(amoxicillin can be used if you are pregnant and azithromycin and erythromycin are not available) | ||
AT | ||
metronidazole | 400 - 500 mg | iinumin, 3 beses bawat araw sa 10 araw |
(iwasan ang metronidazole sa unang 3 buwan ng pagbubuntis) | ||
Gamutin din ang kapartner ng mga medisina sa kahon ng May panganib na magka-INP. | ||
MAHALAGA! Huwag uminom ng alak/alkohol habang gumagamit ng metronidazole. |
Nagtuturo ang asawa ko sa iskwelahan sa isang bayan na malayo sa aming baryo. Umuuwi lang siya nang ilang beses bawat taon para bumisita. Matapos ang isa sa mga bisita niya, nagkasakit ako nang malubha, may lagnat at matinding sakit sa puson. Hindi ko alam kung ano’ng dahilan ng sakit ko.... Sinubukan ko ang mga gamot ng albularyo, pero walang tumalab. Ayaw kong umalis ng baryo para magpatulong dahil ayaw kong iwan ang mga anak ko, at wala rin naman akong pera. Sa tindi ng sakit, akala ng mga kapitbahay ay mamamatay na ako. Kaya sinakay nila ako ng truck at hinatid sa pinakamalapit na ospital, mga 90 milya ang layo.

Sabi ng doktor sa ospital, may gonorrhea daw ako, at nagdulot daw ito ng masamang impeksyon sa looban ng aking puson. Sabi niya, kailangan ko raw ng mahal na operasyon at maraming araw ng gamutan para gumaling. Malamang daw, hindi na ako magkakaanak. Sana’y nakagamit agad ako ng tamang gamot sa simula pa lang ng aking sakit!
—Central African Republic
Bukod sa PID, may iba pang mga problema na madudulot ng INP sa babae. Kung hindi nagamot, mas malaki ang risgo ng babaeng may INP na mabaog at magka-ectopic pregnancy.
Puwede ring magdulot ang INP ng:
Makakapigil ng mga kumplikasyon ang maagang paggamot sa mga INP.
Spamamaga ng puwerta (Bartholin gland infection)
Sa bahagyang looban ng puwerta, may 2 maliit na tiklop ng balat na ‘glandula’ ang tawag. Gumagawa ito ng likido na tumutulong para manatiling basa ang puwerta. Napapasok ito minsan ng mikrobyo, at naiimpeksyon ang isa o dalawang glandula.

Palatandaan:
- Namamaga, mainit, masakit na tiklop ng balat sa puwerta na mas maitim ang kulay. Madalas sa isang tabi lang ito nangyayari.
- Minsan may pamamaga na hindi masakit.
Hindi palaging INP ang sanhi nito, pero madalas mangyari ito kung may gonorrhea o chlamydia ang babae.
Panlunas:
- Magbabad ng tela sa malinis at mainit na tubig at ilapat ito sa pamamaga. Huwag sobrang init na nakakapaso na. Gawin ito sa pinakamadalas na makakaya, hanggang bumuka ang impeksyon at lumabas ang nana, o hanggang sa mawala ang pamamaga.
- Kailangan ding gumamit kayong magpartner ng gamot para sa gonorrhea at chlamydia. Tingnan ang May panganib na magka-INP.
- Kung masakit ang impeksyon at maga pa rin, magpatulong sa isang may kasanayang health worker na puwedeng magbukas nito para mapalabas ang nana.
Mga problema sa bagong silang na sanggol
Dagdag na impormasyon
pangangalaga ng mata![]() |
Maaaring magpasa ng sakit sa sanggol ang mga babaeng may gonorrhea (tulo) o chlamydia habang nanganganak. Naiimpeksyon ang mata ng sanggol ng gonorrhea (neonatal conjunctivitis) na maaaring makabulag. Para maiwasan ang neonatal conjunctivitis, lagyan kaagad ng antibiotic ointment ang mata ng bata pagkasilang. Puwede ring magdulot ng pulmonya sa mga bagong silang na sanggol ang chlamydia.