Hesperian Health Guides
Kabanata 21: Pananakit sa puson
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 21: Pananakit sa puson
Paano gamitin ang kabanatang ito:
- Para sa biglaan at matinding pananakit sa puson o tiyan, tingnan ang "Biglaan at matinding pananakit sa tiyan" sundin ang payo doon.
- Tingnan ang iba’t ibang klaseng pananakit sa "Klase ng pananakit sa puson". Nasa ibang bahagi ng libro ang karamihan ng mga problemang narito. Pumunta sa nakalistang pahina para sa dagdag na impormasyon.
- Kung hindi ka pa rin sigurado sa sanhi ng pananakit, tingnan ang mga tanong sa "Mga tanong tungkol sa pananakit sa puson".
- Para sa dagdag na impormasyon kung paano mag-eksamin ng babae na may pananakit sa tiyan, tingnan ang "Paano mag-eksamin ng tiyan".
Hindi tama o dapat normal na bahagi ng buhay ng babae ang pananakit—palatandaan ito na may nangyayaring mali o masama. Magpagamot bago lumala ang karamdaman mo na hindi ka na makatayo, makalakad o makapagsalita.
Karamihan ng mga babae ay nagkakaroon ng pananakit sa puson o tiyan sa isang panahon ng kanilang buhay. Madalas tinuturo sa mga babae na normal ang sakit na ito, at dapat tahimik nila itong tiisin. Akala ng ibang tao hindi seryoso ang pananakit ng babae maliban kung hindi na siya makatayo, makalakad o makapagsalita. Pero kung maghintay ang babae nang sobrang tagal bago ipagamot ang pananakit, maaaring tumungo ito sa malubhang impeksyon, pagkabaog, pagkalaglag ng ibinubuntis at maging kamatayan.
Naglalarawan ang kabanatang ito ng iba’t ibang klase ng pananakit sa puson (sa ibaba ng pusod), at kung ano ang maaaring sanhi nito. May ibang pananakit sa puson na kumakalat nang lampas sa pusod, at maaaring may iba pang mga sanhi. Nagdudulot din ng pananakit sa ibabang bahagi ng likod ang ilang problema sa puson. Kung mukhang iba ang pananakit kaysa sa nilalarawan sa kabanatang ito, magpatingin sa isang health worker na bihasa sa pag-eksamin ng tiyan.