Hesperian Health Guides

Paano mag-eksamin ng tiyan

Sa kabanatang ito:

Kung may pananakit ang babae sa puson, basahin muna ang kabanatang “Pananakit sa Puson” at itanong sa kanya ang mga nakasulat.

Pagkatapos suriin ang kanyang tiyan:

  1. Hilingin sa kanya na maghubad para makikita mo ang kanyang tiyan mula sa gawing ibaba lang ng suso hanggang sa mga buhok sa pagitan ng kanyang binti.
  2. Hilingin sa kanya na humiga nang lapat ang likod sa isang matigas-tigas na kama, lamesa, o malinis na sahig. Ipabaluktot ang tuhod at ilapit ang paa sa puwitan. Hilingin sa kanya na irelaks ang kanyang kalamnan sa tiyan sa makakaya. Maaaring mahirap ito sa taong nasasaktan.
  3. WWHND ChSk Page 534-1.png
  4. Ilapat ang tainga sa tiyan at makinig sa bumubula-bula o lumalaguklok (gurgling) na ingay. Kung wala kang anumang marinig sa loob ng 2 minuto, palatandaan ito ng panganib.
  5. WWHND ChSk Page 534-2.png
  6. Hilingin sa kanyang ituro kung saang banda pinakamasakit. Pagkatapos, maingat na diinan ang kabilang panig. Ituloy ang maingat na pagdiin habang ginagalaw sa palibot ng tiyan para makita mo kung saan pinakamasakit.
  7. Habang dinidiinan ang tiyan, kapain kung may mga bumubukol. Dagdag pa, kapain kung malambot o matigas ang tiyan, at kung kaya niyang irelaks sa ilalim ng iyong kamay.
  8. Para matiyak na wala siyang iba pang problema tulad ng appendicitis, impeksyon sa bituka, o PID (pelvic inflammatory disease), dahan-dahan pero matatag na diinan ang kanyang puson sa kaliwang bahagi, sa bandang taas ng singit. Diinan hanggang sa masakit nang kaunti. Pagkatapos biglang alisin ang kamay. Kung makadama siya ng napakatinding sakit (rebound pain) pagkaalis ng kamay, maaaring may malubhang impeksyon. Dalhin siya agad sa isang health center o ospital para malaman kung kailangang operahan. Kung walang rebound pain, patuloy siyang ieksamin sa pamamagitan ng pagtingin sa labas ng ari kung may mga pagsusugat, discharge, pagdurugo, o iba pang palatandaan ng impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP). Para sa palatandaan at panlunas sa mga INP, tingnan Kabanata 16. Kung alam mong kung papaano, mag-pelvic exam.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017