Hesperian Health Guides

Paano magbigay ng likido para lunasan ang shock

Sa kabanatang ito:

Kung mawalan ng maraming dugo ang babae—halimbawa sa panganganak, matapos makunan o magpalaglag na may kumplikasyon, o kung nasunog nang malubha—maaaring tumungo siya sa shock.

WWHND ChSk Page 540-1.png

Kapag nangyari ito, kailangan agad ng babae ng likido para maligtas ang kanyang buhay. Kung gising siya at nakakainom, hayaan siyang uminom. Kung alam mo kung paano, puwede ka ring magsimula ng intravenous drip (IV). Sa isang emerhensya, maaaring gumamit ng enema o labatiba sa halip (tingnan ang susunod na pahina). Pero dapat pang-emerhensya lang gamitin ang labatiba. Maaaring makasama ang sobrang dami nito.

Paano gumawa ng oresol o rehydration drink


Makakatulong din ang rehydration drink na panlunas at pampigil sa dehydration, laluna sa mga kaso ng matinding pagtatae na matubig.

Paano magbibay ng likido sa puwit

WWHND ChSk Page 541-1.png

Kakailanganin mo:

  • isang malinis na bag na pang-labatiba, o lata na may tubo.
  • isang tela na maisasapin sa ilalim ng tao.
  • 600 ml (sobra nang kaunti sa kalahating litro) ng maligamgam (hindi mainit) na inuming tubig. Kung may asukal at asin na oresol o bag ng IV solution (‘dextrose’), puwedeng ito ang gamitin.
Ano ang gagawin:

babaeng nakahiga nang patagilid habang may pinapasok sa tubo sa butas ng kanyang puwit

Tiyaking mas mataas ang katawan niya kaysa sa ulo.
  1. Sabihin sa babae kung ano ang gagawin mo at bakit.
  2. Hugas ang iyong kamay.
  3. Sabihan siya na humiga sa kanyang kaliwang gilid kung kaya. Kung maaari, dapat mas mataas nang kaunti ang katawan niya kaysa sa ulo.
  4. Kung mayroon ka, magsuot ng malinis na guwantes.
  5. Padaluyin ang tubig hanggang sa dulo ng tubo para lumabas ang hangin. Tapos ipitin ang tubo para huminto ang pagdaloy.
  6. Basain ang dulo ng tubo ng tubig at ipasok ito sa butas ng puwit. Sabihan siya na huminga nang mabagal at malalim para matulungang magrelaks.
  7. mga panturo na nagpapakita ng 10 sentimetro o 4 na pulgada sa ruler

    Huwag ipasok ang tubo nang sobra pa rito
  8. Hawakan ang bag o lata na sapat lang ang taas para dumaloy nang mabagal na mabagal papasok ang tubig (mga kasingtaas ng balakang ng babae). Dapat tumagal ng mga 20 minuto. Kung tumatagas palabas ng katawan ang tubig, maaaring masyadong mataas ang bag. Ibaba ang bag para mas mabagal ang daloy ng tubig.
  9. Maingat na alisin ang tubo. Sabihan siya na sikaping panatilihin sa loob ang tubig, at mawawala rin agad ang pakiramdam na napapadumi. Kung walang malay ang babae, puwede mong hawakan pasara ang kanyang pigi.
  10. Linisin at patuyuin ang babae. Pagkatapos tanggalin ang iyong guwantes at maghugas ng kamay.
  11. Ihatid agad ang babae sa pagamutan. Kung nasa shock pa rin siya, puwede mong bigyan ulit ng enema pagkatapos ng isang oras. Kung wala na sa shock, subukang bigyan ng pakaunti-kaunting rehydration drink habang nagbibiyahe.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017