Hesperian Health Guides

Mga kasanayan sa pangangalaga ng kalusugan

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Mga kasanayan sa pangangalaga ng kalusugan

Sa kabanatang ito:

Sa maraming bahagi ng librong ito, may sinasabi kaming mga kasanayan na makakatulong sa tao na bigyan ng pinakamahusay na pangangalaga ang maysakit. Kasama sa mga kasanayang ito ang pag-iwas sa impeksyon, pagsusuri at pagkuha ng impormasyon tungkol sa katawan ng tao, pagbibigay ng pansagip na likido, at pag-iniksyon.

Nasa seksyong ito ang mas kumpletong impormasyon sa mga kasanayan. Baka isipin mo na ito’y pang-‘doktor o nurse’, pero lahat ito’y kayang matutunan ninuman kung may sapat na panahon at praktika. May mga kasanayan, tulad ng paginiksyon o eksaminasyon, na pinakamahusay ipakita at ituro ng taong bihasa na. Kapag natutunan, mas ligtas na matutulungan ng maingat na tao ang iba.


Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024