Hesperian Health Guides
Pang-emerhensyang kontrasepsyon
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Gamot: Mga berdeng pahina > Pang-emerhensyang kontrasepsyon
(ECP, Emergency contraceptive pills)
Dagdag na impormasyon
mga pangemerhensyang paraan ng pagpaplano ng pamilyaPuwede mong gamitin ang regular na kontraseptibong pildoras o ispesyel na emergency pills para mapigilan ang pagbubuntis sa loob ng 5 araw matapos ang pagtatalik na walang proteksyon. Nakabatay sa dami ng estrogen o progestin sa kada pildoras ang kabuuang bilang ng pildoras na kailangang inumin. Maraming brand ng mga pildoras, at ang ilang brand name ay ginagamit sa higit sa isang klase ng pildoras. Nakalista sa chart (sa susunod na pahina) ang ilang karaniwang brand para sa bawat klase ng pildoras. Tiyakin mo muna ang dami ng hormone sa pildoras bago mo gamitin sa emerhensya.
Paano gamitin ang pildoras para sa pang-emerhensyang kontrasepsyon
Pildoras para sa pang-emerhensyang kontrasepsyon | ||
Pang-emerhensyang pildoras na may 1.5 mg (1500 mcg) levonorgestrel (NorLevo 1.5, Plan B One-Step, Postinor-1) | Uminom ng 1 pildoras, isang beses lang | |
Pang-emerhensyang pildoras na may 30 mg ulipristal acetate (ella, ella-One) | Uminom ng 1 pildoras, isang beses lang | |
Pang-emerhensyang pildoras na may 0.75 mg (750 mcg) levonorgestrel (NorLevo 0.75, Optinor, Postinor, Postinor-2, Plan B) | Uminom ng 2 pildoras, isang beses lang | |
Kombinasyon pildoras na may 50 mcg ethinyl estradiol at 250 mcg levonorgestrel (Neogynon, Nordiol, Tetragynon) o 500 mcg norgestrel (Ovral) | Uminom ng 2 pildoras | Uminom ng 2 pang pildoras pagkalipas ng 12 oras |
Kombinasyong pildoras na may 30 mcg ethinyl estradiol and 150 mcg levonorgestrel (Microgynon, Nordette) o 300 mcg norgestrel (Lo-Femenal, Lo/Ovral) | Uminom ng 4 pildoras | Uminom ng 4 pang pildoras pagkalipas ng 12 oras |
Kombinasyong pildoras na may 20 mcg ethinyl estradiol at 100 mcg levonorgestrel (Alesse, Lutera) | Uminom ng 5 pildoras | Uminom ng 5 pang pildoras pagkalipas ng 12 oras |
Progestin-lang na pildoras (POP o minipills) na may 75 mcg norgestrel (Ovrette) | Uminom ng 40 pildoras isang beses lang | |
Progestin-lang na pildoras (POP o minipills) na may 37.5 mcg levonorgestrel (Neogest) | Uminom ng 40 pildoras isang beses lang | |
Progestin-lang na pildoras (POP o minipills) na may 30 mcg levonorgestrel (Microlut, Microval) | Uminom ng 50 pildoras isang beses lang |
Sa pakete ng 28 na kombinasyong pildoras, gamitin ang alinman sa unang 21 pildoras para sa pang-emerhensyang kontrasepsyon. Huwag gamitin ang huling 7 pildoras [karaniwan iba ang kulay] sa 28-araw na pakete dahil walang hormone ang mga ito.
Mas kaunti ang side effects (pananakit ng ulo at pagkaduwal) ng progestin-only pills at ispesyal na pang-emerhensyang pildoras kumpara sa kombinasyong pildoras kung gagamitin sa emerhensya.