Hesperian Health Guides

Pang-emerhensyang paraan ng pagpaplano ng pamilya

Sa kabanatang ito:

babaeng may isang basong tubig at umiinom ng dalawang pildoras

Hindi dapat ipalit ang emerhensyang paraan sa ibang paraan ng kontrasepsyon.

Magagamit ang mga pang-emerhensyang paraan para maiwasan ng babae ang pagbubuntis pagkatapos ng pagtatalik na walang proteksyon. Mabisa lang ang mga ito kung maagap na magagamit pagkatapos ng pagtatalik.

Ligtas at epektibo ang mga pang-emerhensyang paraan. Pero hindi ito kasing-bisa ng tamang paggamit ng ibang paraan ng kontrasepsyon na natalakay na, at maaaring magdulot din ng hindi kanais-nais na mga side effects.

Pang-emerhensyang pildoras

Ang pildoras na ginagamit na pang-emerhensyang kontrasepsyon ay madalas ang parehong kontraseptibong pildoras na ginagamit ng ilang babae araw-araw. Pero kung pang-emerhensya, kailangan uminom ng mas mataas na dosis sa mas maikling panahon. Meron na ding ispesyal na pang-emerhensyang pildoras na may mataas na dosis sa 1 o 2 pildoras. Anuman ang gamitin, dapat inumin ang pildoras sa loob ng 5 araw matapos ang pagtatalik na walang proteksyon. Mas maagap na maiinom, mas malamang na hindi ka mabubuntis. Kung buntis na, hindi nito mapapahinto ang pagbubuntis o magdudulot ng depekto sa dinadala.

Hanggang sa dumating ang susunod na regla, dapat gumamit ng panghadlang na kontrasepsyon tulad ng condom, o huwag munang makipagtalik. Pagdating ng regla, puwede nang gumamit ng mapipiling paraan ng kontrasepsyon.

Dapat dumating ang susunod na regla paglipas ng mga 2 linggo. Kung hindi, baka nabuntis ka pa rin. Ituloy ang paggamit ng panghadlang na kontrasepsyon hanggang sa matiyak mo ito.

Iba pang paraang pang-emerhensya

IUD: Maaari ding mapigil ng IUD na makakapit ang itlog sa dingding ng matris.

  • Dapat maipasok ng isang health worker na may ispesyal na pagsasanay sa loob ng 5 araw matapos ang pagtatalik na walang proteksyon. Puwedeng panatilihin ang IUD, at patuloy itong magbibigay proteksyon mula sa pagbubuntis nang hanggang 10 o 12 taon. O puwedeng ipatanggal ang IUD pagdating ng susunod na regla, kung tiyak nang hindi ka buntis. Huwag magpakabit ng IUD kung sa tingin mo posibleng meron kang impeksyon (INP).



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017