Hesperian Health Guides
Pagpili ng paraan ng pagpaplano ng pamilya
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 13: Pagpaplano ng pamilya > Pagpili ng paraan ng pagpaplano ng pamilya
Kung nagpasya ka nang magplano ng pamilya, kailangan mong pumili ng paraan. Para makagawa ng mahusay na desisyon, kailangan mo munang malaman ang iba’t ibang paraan, ang mga bentahe at disbentahe nito.
May 5 pangunahing klase ng paraan sa pagpaplano ng pamilya:
- Panghadlang na paraan (barrier method), na pumipigil sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagharang sa semilya na marating ang itlog.
- Hormonal na paraan, na pumipigil sa obaryo ng babae na maglabas ng itlog, nagpapahirap sa semilya na marating ang itlog, at pumipigil sa lining ng matris na masuportahan ang pagbubuntis.
- Mga IUD, na pumipigil sa semilya ng lalaki na mapertilisa ang itlog ng babae.
- Natural na mga paraan, na tumutulong sa babaeng malaman kung kailan siya fertile o mabunga, para maiwasan niyang makipagtalik sa panahong iyon.
- Permanenteng mga paraan. Mga operasyon ito para gawing imposible sa lalaki o babae na magkaanak.
Inilalarawan sa mga susunod na pahina ang mga paraang ito ng kontrasepsyon. Habang binabasa ang bawat paraan, eto ang ilang tanong na maaari mong pag-isipan:
- Gaano ito kahusay pumigil sa pagbubuntis?
- Gaano kahusay ang proteksyon nito laban sa impeksyon (INP), kung meron man?
- Gaano ito kaligtas? Kung meron kang anumang problema sa kalusugan na nasa kabanatang ito, maaaring dapat mong iwasan ang ilang klase ng kontrasepsyon.
- Gaano ito kadaling gamitin?
- Bukas ba sa paggamit ng kontrasepsyon ang iyong kapartner?
- Ano ang mga personal na pangangailangan at inaalala mo? Halimbawa, naabot mo na ba ang gusto mong bilang ng anak, o nagpapasuso ka ba ng sanggol?
- Magkano ang paraang ito?
- Madali bang makakuha nito? Kailangan bang madalas na pumunta sa health center?
- Mahihirapan ka ba sa mga side effects nito (mga problemang puwedeng idulot ng paraan)?
Matapos mabasa ang tungkol sa mga paraang ito, may dagdag na tulong sa pagpili. Baka makatulong din na makipag-usap ka sa iyong kapartner, ibang babae, o isang health worker tungkol sa mga paraang ito.
PARAAN |
Proteksyon para di mabuntis | Proteksyon laban sa impeksyon (INP) | Ppsibleng side effects | Iba pang mahalagang impormasyon |
---|---|---|---|---|
Condom ng lalaki | ★★ mahusay |
mahusay |
Pinakamabisa kung isasabay sa spermicide at pampadulas na tubig ang pangunahing sangkap. Isabay ito sa ibang mga paraan para makaiwas sa impeksyon (INP). | |
Condom ng babae | ★★ mahusay |
mahusay |
||
Diaphragm (may spermicide) | ★★ mahusay |
kaunti |
Pinakamabisa kung isasabay sa spermicide. Gagana lang kung tama ang sukat. | |
Spermicide |
★ kaunti |
wala |
allergy sa balat |
Mas mabisa kung isasabay sa panghadlang na paraan tulad ng diaphragm o condom. |
Hormonal na paraan (pildoras, patch, DMPA)
|
★★★ napaka-husay
|
wala |
Pagkaduwal, pananakit ng ulo, pagbabago sa regla |
Maaaring mapanganib sa mga babae na may piling problema sa kalusugan. |
IUD | ★★★★ pinaka-mahusay |
wala |
malakas at masakit na pagregla |
Maaaring mapanganib sa mga babae na may piling problema sa kalusugan. |
Pagtatalik na hindi pinapasok ang titi sa puwerta | ★★★★ pinaka-mahusay |
kaunti |
Bihirang mahawa ng impeksyon (INP) sa sekswal na paghipo at oral sex (bibig sa ari). Madaling mahawa ng impeksyon ang anal sex (ari ng lalaki sa puwit). | |
Pagpapasuso (unang 6 na buwan lang) |
★★★ napaka-husay |
wala |
Para gumana, dapat sa pagpapasuso lang galing ang pagkain ng sanggol, at hindi pa bumabalik ang regla. | |
Pag-alam kung kailan mabunga |
★★ mahusay |
wala |
Dapat alam ng babae kung kailan siya mabunga at kaya niyang itakda kung kailan makikipagtalik. | |
Pag-isterilisa |
★★★★ pinaka-mahusay |
wala |
Hindi na makakabuo ng sanggol ang babae o lalaki pagkatapos ng ganitong operasyon. | |
Withdrawal |
★ kaunti |
kaunti |
Mas mabisa kung sasabayan ng ibang paraan tulad ng spermicide o diaphragm. |