Hesperian Health Guides
Pagkilos para sa pagbabago
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 13: Pagpaplano ng pamilya > Pagkilos para sa pagbabago
- wala siyang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan.
- hindi madaling makakuha ng ilang paraan, o masyadong mahal ito.
- walang malapit na serbisyo para sa kalusugan ng kababaihan o pagpaplano ng pamilya, o walang kasanayan ang lokal na health worker na magbigay nito.
- bawal sa relihiyon ang paggamit ng pagpaplano ng pamilya.
- ayaw ng lalaking kapartner ang paggamit ng kontrasepsyon.
Narito ang ilang mga bagay na puwedeng gawin ng grupo ng mga tao para mas mabuksan ang serbisyo sa pagpaplano ng pamilya sa lahat ng babae sa komunidad, at para mahikayat ang paggamit nito.
- Magbigay ng pag-aaral. Ibukas ang impormasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya sa lahat—babae at lalaki, kabataan at nakatatanda. Puwedeng ipakita ang benepisyo ng pagpaplano ng pamilya at tulungan ang mga magpartner na pumili ng pinakamahusay na paraan para sa kanila. Puwedeng mamuno ng talakayan sa hanay ng kababaihan o mag-asawa tungkol sa mga alalahanin at karanasan nila sa kontrasepsyon. Isama rito ang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa mga impeksyon (INP) at HIV.
- Gawing mura at abot-kamay ang mga paraan sa pagpaplano ng pamilya. Hilingin sa isang lokal na health worker na may kasanayan sa serbisyong kontrasepsyon na magsimula ng sentrong pangkalusugan ng kababaihan, o isama ang serbisyong kontrasepsyon sa inyong lokal na klinika.
- Magsanay ng mga lalaking kawani o outreach worker para magturo sa kalalakihan sa kahalagahan at benepisyo ng pagpaplano ng pamilya. Tulungang maunawaan ng kalalakihan ang papel nila sa reproduksyon, na dapat may responsibilidad sila sa pagpaplano ng pamilya. Sikaping mabago ang mga kaisipan tungkol sa pagiging 'tunay na lalaki' para sumuporta at lumahok ang kalalakihan sa pagpaplano ng pamilya.
- Harapin ang mga usaping pangrelihiyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya. Kung maipapaliwanag ang paraan ng pagpaplano ng pamilya sa paraang ginagalang ang paniniwala ng relihiyon, mas makakatulong na maging katanggap-tanggap ito.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017