Hesperian Health Guides
Mga bagong paraan ng pagpaplano ng pamilya
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 13: Pagpaplano ng pamilya > Mga bagong paraan ng pagpaplano ng pamilya
Ang patch ay isang manipis na piraso ng plastic na dinidikit sa balat at naglalabas sa katawan kapwa ng estrogen at progestin. Kailangan mong magdikit ng bagong patch minsan isang linggo sa 3 magkakasunod na linggo, tapos 1 linggo na walang patch (ito ang linggo na magreregla ka). Hindi ka dapat mag-patch kung mayroon ka ng ganitong mga kondisyon o ng ganitong mga kondisyon. Kapareho sa kumbinasyong pilodras ang mga side effects na maaring idulot ng patch.
Ang minsan-isang-linggo na pildoras ay gumagana sa pamamagitan ng pagbago sa natural na balanse ng estrogen ng babae, na pumipigil sa fertilized egg na dumikit sa dingding ng matris. Mas mababa ang bisa nito sa pagpigil ng pagbubuntis kumpara sa regular na arawang pildoras. Kakaunti pa ang alam tungkol sa mga side effects nito.
Ang mga vaginal rings ay unti-unting naglalabas ng estrogen at progestin, o progestin lamang, sa loob ng puwerta ng babae. Iisa lang ang sukat ng vaginal rings at kayang ipasok mag-isa ng babae sa sarili. Tumatagal ang bisa mula 1 buwan hanggang 1 taon. Maaari kang mabuntis agad kapag inihinto ang paggamit.