Hesperian Health Guides
Pagpasya na magpaplano ng pamilya
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 13: Pagpaplano ng pamilya > Pagpasya na magpaplano ng pamilya
May karapatan kang gumawa ng sariling desisyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya. |
Gusto ng ilang babae ang maraming anak—laluna sa mga komunidad kung saan walang makatarungang parte ng lupa, yaman at benepisyong panlipunan ang mahihirap na tao. Tumutulong kasi ang mga bata sa trabaho at pagkalinga ng mga magulang sa kanilang pagtanda. Sa mga lugar na ito, maaaring pribilehiyo ang pagkakaroon ng kaunting anak na kaya lang ng mas mayayaman.
Maaaring gusto naman ng ibang babae na ilimita ang bilang ng anak nila. Madalas mangyari ito sa lugar na may pagkakataon ang kababaihan na mag-aral at kumita, at kaya nilang magnegosasyon sa kalalakihan sa mas pantay na paraan.
Saanman nakatira ang babae, mas lulusog siya kung kontrolado niya ang bilang ng anak, at kung kailan siya magkakaanak. Anupaman, dapat palaging hawak ng babae ang pagpapasya na gumamit—o hindi gumamit—ng pagpaplano ng pamilya.