Hesperian Health Guides
Mga benepisyo ng pagpaplano ng pamilya
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 13: Pagpaplano ng pamilya > Mga benepisyo ng pagpaplano ng pamilya
- Masyadong maaga. Mas malamang na mamatay sa panganganak ang mga babaeng mababa sa edad 18 dahil hindi pa lubos ang paglaki ng kanilang katawan. Mas malaki rin ang tsansang mamatay ng kanilang sanggol sa unang taon.
- Masyadong huli. Mas maraming panganib ang hinaharap sa pagbubuntis ng matatandang babae, laluna kung mayroon silang ibang problema sa kalusugan o nagkaroon na ng maraming anak.
- Masyadong magkakalapit. Kailangan ng katawan ng babae ng panahon para makabawi sa pagitan ng mga pagbubuntis.
- Masyadong madami. Mas malaki ang panganib ng babaeng sobra sa 4 ang anak na mamatay mula sa pagdurugo at iba pang sanhi matapos manganak.
Ligtas na ginagamit ng milyun-milyong kababaihan ang lahat ng paraan sa pagpaplano ng pamilya na nasa kabanatang ito.
Sa Pagpili ng paraan ng pagpaplano ng pamilya, pinapakita sa chart kung gaano kabisa ang bawat paraan sa pagpigil ng pagbubuntis at pagprotekta sa impeksyon (INP). Nasa chart din ang posibleng side effects ng bawat paraan at iba pang mahalagang impormasyon sa paraan ng paggamit. Bawat paraan ay may marka na star para ipakita kung gaano kabisa sa pagpigil ng pagbubuntis. Mas kaunti ang star ng ilang paraan dahil madalas ay mali ang paggamit sa mga ito. Kung tama ang paggamit ng babae’t lalaki tuwing magtatalik, mas tatalab ang paraan.