Hesperian Health Guides

Iniinom na kontraseptibopills (kontraseptibong pildoras)


Mga berdeng pahina

May 2 hormone ang karamihan ng kontraseptibong pildoras, katulad ng mga hormone na normal na ginagawa ng katawan ng babae. Estrogen at progestin ang tawag sa mga hormone na ito. Kadalasan, pinakaligtas at mabuting gamitin para sa karamihan ng mga babae ang mga produktong mas mababa ang nilalamang hormone.

May lamang iba’t ibang kantidad ng hormone at may iba’t ibang tatak o brand name ang mga kontraseptibong pildoras. Iilang tatak ng pildoras lang ang nilista namin sa ibaba. Ang Grupong 1, 2, at 3 ay listahan ng magkakaibang klase ng kombinasyong pildoras.

Group 1 - Triphasic na pildoras

May laman ang mga ito na mababang kantidad ng estrogen at progestin sa timpla na nagbabago sa takbo ng buong buwan. Dahil nagbabago ang kantidad, mahalagang nasa tamang pagkakasunod-sunod ang pag-inom.
Mga tatak: Gracial
Logynon
Qlaira
Synphase
Trinordiol
Trinovium
Triquilar
Triphasil

Group 2 – Pildoras na mababa ang dose

Mababa ang laman nitong estrogen at progestin sa timpla na pareho sa buong buwan.
Mga tatak: Alesse
Brevicon 1 + 35
Cilest
Diane
Femoden
Gynera
Harmonet
Norinyl
Ortho-Novum
Ovysmen

Group 3 – Pildoras na mababa ang dose

May mataas na progestin at mababang estrogen ang mga pildoras na ito.
Mga tatak: Lo-Femenal
Lo-Ovral
Microgynon
Microvlar
Nordette


Sa karaniwan, mas kaunti ang regla ng mga babaeng gumagamit ng pildoras. Maaaring mabuti ito, laluna sa mga babaeng anemic. Pero kung ilang buwang hindi nireregla ang babae o nababahala siya ng kaunting pagregla, maaari siyang lumipat sa produkto sa Group 2 na mas marami ang estrogen.

Para mataas ang bisa at mababa ang pag-spotting (kaunting pagdurugo sa panahon na hindi ka sana nireregla), inumin ang pildoras sa parehong oras bawat araw. Kung magpatuloy ang spotting matapos ang 3–4 na buwan, subukan ang isa sa produkto sa Group 3.

Para sa babaeng matindi magregla o masakit ang suso bago reglahin, maaaring mas mabuti ang produktong mababa ang estrogen pero mataas ang progestin. Nasa Group 3 ang mga produktong ito.

Ang mga pildoras na progestin lang ang laman (progestin-only pills o POP o minipills) ay dapat inumin sa parehong oras bawat araw, kahit na nireregla. Madalas hindi regular ang pagregla. Mas mataas din ang tsansang mabuntis kahit na isang pildoras lang ang malimutan ng babae.

Group 4 – Progestin-lang na pildoras (POP o minipills))

Progestin lang ang laman ng POP o minipills.

Mga tatak: Femulen
Microlut
Micronor
Micronovum
Neogest
Microval
Ovrette


Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024