Hesperian Health Guides
Gamot para sa AIDS
(Tingan naglabas kami ng impormasyon tungkol sa gamot na panlunas sa AIDS, na tinatawag na antiretroviral (ARV) na gamot).
Makakatulong ang mga gamot na ito sa taong may AIDS na mabuhay nang mas mahaba at mas malusog. Ginagamit bilang kombinasyon ng hindi bababa sa 3 gamot, tinatawag itong AntiRetroviral Therapy o ART. Nasa bahaging ito ang impormasyon tungkol sa mga karaniwang kombinasyon ng gamot para sa ART.
Mga nilalaman
Pangangalaga sa taong may HIV at mga ART na Programa
Komplikadong sakit ang HIV/AIDS na umaapekto sa lahat ng bahagi ng katawan. Kapag nagpositibo sa HIV test, sikapin agad na makakita ng programa sa HIV na pangangalaga na may mga sanay na health worker na regular na titingin sa iyo at tutulong na manatiling malusog. Makukuha sa ganitong programa ng mga gamot para pigilan at lunasan ang mga sakit na dulot ng HIV, counseling at iba pang suporta. Matutulungan kang magsimula ng ART, lunasan ang anumang side effects, at baguhin ang ART kung hindi mabisa. Mas tiyak at mura ang pagkuha ng mga gamot mula sa ART na programa kaysa bumili sa pribadong sektor.
Kailan kailangan ang ART?
Hindi kailangan ang ART ng taong may HIV na malusog pa ang sistemang pananggalang (immune system). Kailangan lang ang ART ng taong positibo sa HIV test at nagsimula nang magkaroon ng palatandaan ng AIDS, o kung hindi na maayos ang takbo ng immune system. Mapapakita ng test sa dugo na tinatawag na CD4 count kung gaano kaayos ang takbo ng immune system. Kung may ganitong test sa inyong lugar, at mababa sa 200 ang CD4 count mo, puwedeng magpasya ka kasama ang health worker kung kailan mo sisimulan ang ART. Kung buntis ka at mag-positibo sa HIV test, dapat mong simulan ang ART kahit na wala kang CD4 test.
Bago mag-ART, mahalagang pag-usapan ninyo ng health worker ang mga ito:
- Nag-ARV ka na ba dati? Makakaapekto ito sa klase ng gamot na gagamitin ngayon.
- May anumang sakit o nararamdaman ka ba, tulad ng TB, malubhang impeksyon o lagnat? Baka kailangan munang lunasan iyon.
- Ano ang mga benepisyo, panganib at posibleng side effects ng ART? Sikaping makipagusap sa taong gumagamit na ng ART, at sa iyong health worker.
- Handa ka bang uminom ng mga gamot araw-araw, sa tamang oras? Kailangan ito para tumalab ang ART.
- Mayroon bang tuloy-tuloy na suplay ng mga gamot na kailangan mo?
- May nasabihan ka bang kahit isang tao na may HIV ka? Maaari ka niyang matulungan kung may problema ka sa pagkuha o pag-inom ng mga gamot.
- Mayroon bang suportang grupo para sa HIV na malalapitan mo para sa impormasyon at tulong?
Huwag simulan nang mag-isa ang paggamit ng ARV. Baka mali para sa iyo ang mapili at magdulot ng seryosong side effects.
Huwag isalo sa suplay mo ng ARV ang iba, kahit na ang iyong partner o anak. Puwedeng hindi gumana ang gamot kung mas kaunti sa rekomendadong dose ang gagamitin, at mapahamak ka at ang taong kasalo mo.
Huwag bumili ng ARV sa sinumang hindi bahagi ng aprobadong programa sa ART o pangangalaga sa may HIV.
Paano gamitin ang ART
Epektibo lang ang ART kung nasa kombinasyon ng di bababa sa 3 gamot. May ilang gamot na kombinado sa 1 o 2 tableta o kapsula kaya mas kaunti ang pildoras na iinumin. Pinapadali nito ang araw-araw na gamutan. Ang 4 na kombinasyong nilalarawan sa ibaba ng pahinang ito ay laganap ang paggamit, mas kaunti ang side effect, at mas ligtas. Depende sa kung ano ang naririyan, maaaring may ibang kombinasyon ng gamot na ginagamit sa inyong lugar.
- Anumang kombinasyon ang ginagamit, inumin ang bawat medisina bawat araw, sa parehong oras.
- Kung 2 beses bawat araw ang gamot, dapat inumin ito tuwing 12 oras. Halimbawa, kung 6:00 ng umaga iinumin ang unang dose, dapat 6:00 ng gabi iinumin ang ikalawang dose. May mga gamot na minsan isang araw lang kailangang inumin (tingnan ang “Kailan iinumin ang mga gamot”).
Side effects ng ART
Maaaring may side effects ang ART. Nababawasan at tuluyang nawawala sa paglipas ng panahon ang ilang side effects. Ang iba naman ay lumilitaw lang kapag matagal mo nang nagamit ang gamot. Istorbo pero hindi seryoso ang ilan sa mga karaniwan side effects, tulad ng pagtatae, pagkapagod, pananakit ng ulo, at mga problema sa sikmura. Makipag-usap sa health worker kung paano mo harapin o lutasin ang mga problemang ito. Pero patuloy mong inumin ang lahat ng gamot hangga’t hindi sinasabi ng health worker na palitan o itigil.
Maaaring mapanganib sa buhay ang ibang side effects, tulad ng matinding problema sa atay, matinding pagkapagod na naghahabol sa paghinga, mga allergy at pantal sa balat, parang tinutusok o nasusunog na pakiramdam sa kamay at paa, at anemia. Kung may seryosong side effects ka, makipagkita kaagad sa isang health worker.
Resistensya sa gamot – ang una at ikalawang linya ng kombinasyon
Ang ART na ginagamit mo sa simula ay tinatawag na unang linya ng kombinasyon. Paglipas ng mga taon, maaaring magkaroon ng
resistensya ang HIV sa ART. Marami ang kailangang lumipat sa ikalawang linya ng mga gamot, makipag-usap sa health worker tungkol sa mga gamot na mabisa pa sa inyong lugar at kung kailangan mong magpalit.
Pinakabagong mga rekomendasyon
Nakabatay sa pinakabagong impormasyong hawak namin noong Marso 2014 ang mga rekomendasyong ito sa ART.
Pagbabago sa mga gamot: Maaaring nasa isang pildoras na iniinom isang beses bawat araw ang alinman sa mga kombinasyon sa ilalim.
- Ang mga kombinasyon na may efavirenz (EFV) ay nirerekomenda na ngayon para sa lahat ng babae, kasama na ang buntis o nagpapasuso.
- Maaaring ipalit ang Emtricitabine (FTC) sa lamivudine (3TC) sa mga kombinasyon na mayroon ding tenofovir (TDF). Pareho ang dose para sa FTC at 3TC sa nasabing mga kombinasyon.
Pagbabago kung kailan magsisimula: Dapat simulan ng mga taong may HIV ang ART nang maaga habang malusog pa sila para maiwasan ang mga seryosong sakit. Dapat simulan ang ART sa mga taong positibo sa HIV na may sakit na abanteng AIDS, kahit walang CD4 test. Para maagang makapagsimula, kailangan nila ng CD4 test para makita kung 350 o mas mababa ang bilang.
Pagbabago sa sino ang gagamutin: Dapat magsimula ng ART ang lahat ng buntis at may HIV na babae. Dapat ding simulan ang ART sa sinumang may HIV at may aktibong TB o hepatitis B na impeksyon, anuman ang bilang ng CD4, o mayroon man o walang abanteng sakit ng HIV.
ART para sa nakatatanda at kabataan (hindi para sa mga bata)
Kombinasyon 1 | |||
---|---|---|---|
Gamot | Dose | Babala at side effects | Bentahe |
|
300 mg 1 beses bawat araw | Maaaring magdulot ng mga problema sa bato |
|
|
150 mg 2 beses bawat araw, o kaya 300 mg 1 beses bawat araw | ||
| 600 mg 1 beses bawat araw | ||
Kombinasyon 2 | |||
Gamot | Dose | Babala at side effects | Bentahe |
| 250–300 mg 2 beses bawat araw | Anemia Mababang bilang ng puting selyula ng dugo |
|
| 150 mg 2 beses bawat araw, o kaya 300 mg 1 beses bawat araw | ||
| 600 mg 1 beses bawat araw | ||
Kombinasyon 3 | |||
Gamot | Dose | Babala at side effects | Bentahe |
|
250–300 mg 2 beses bawat araw | Anemia Mababang bilang ng puting selyula ng dugo |
|
|
150 mg 2 beses bawat araw, o kaya 300 mg 1 beses bawat araw | ||
|
200 mg 1 beses bawat araw sa loob ng 14 na araw, pagkatapos 200 mg 2 beses bawat araw | Pamamantal sa balat Mga problema sa atay | |
Kombinasyon 4 | |||
Gamot | Dose | Babala at side effects | Bentahe |
| 300 mg 1 beses bawat araw | Maaring magdulot ng mga problema sa bato | |
|
150 mg 2 beses bawat araw, o kaya 300 mg 1 beses bawat araw | ||
|
200 mg 1 beses bawat araw sa loob ng 14 na araw, pagkatapos 200 mg 2 beses bawat araw | Pamamantal sa balat Mga problema sa atay |
ART para sa mga buntis na babae
Dapat magsimula ng ART ang lahat ng buntis na babaeng may HIV para manatili o bumuti ang kalusugan nila. Makakatulong din ang ART na mapigilan ang pagkalat ng HIV sa sanggol. Kapag nagsimulang mag-ART, kailangan niyang ituloy-tuloy nang habambuhay.
Kapag nagbuntis ang isang babaeng naka-ART na, dapat niyang ipagpatuloy ito sa buong pagbubuntis, sa panganganak, habang nagpapasuso, at pagkatapos. Matapos maisilang, kailangan din ng sanggol ng mga gamot.
Pagpigil sa Paghawa ng Nanay-sa-Anak o PPNA
Para mapigilan na kumalat ang HIV sa sanggol, kailangan ng buntis na babaeng may HIV na mag-ART na mga gamot sa panahon ng pagbubuntis, pag-labor, at pagpapasuso. Kailangan din ng sanggol ng mga gamot. Isang bahagi lang ang mga gamot sa pagpigil na magka-HIV ang sanggol. Mahalaga din sa pagpigil ang mas ligtas na pakikipagtalik habang buntis, ligtas na mga paraan ng pagpapaanak, maingat na pagpapakain sa sanggol, at paglunas sa mga sakit ng nanay at sanggol.
ART na mga gamot para mapigilang magka-HIV ang mga sanggol (paghawa ng nanay-sa-anak) | |
Kung gumagamit NA ng ART ang nanay, dapat niyang ipagpatuloy ang mga gamot at bigyan din ang sanggol ng mga gamot na nakalista sa Opsyon 1. | |
Kung HINDI gumagamit ng ART ang nanay, dapat gumamit siya at ang sanggol niya ng mga gamot na nakalista sa Opsyon 1 o sa Opsyon 2. Gamitin ang mga gamot na rekomendado at nasa inyong bansa. | |
Opsyon 1 | |
PARA SA NANAY |
PARA SA SANGGOL |
Magsimulang gumamit ng isa sa mga ART na kombinasyon sa pinakamaagang panahong posible. Kakailanganin mong gumamit ng mga ART na gamot habambuhay. | Pinapasuso man o hindi, kailangan bigyan ang sanggol ng:
|
Opsyon 2 | |
PARA SA NANAY |
PARA SA SANGGOL |
Sa pagbubuntis, sa pinakamaagang posible mula sa ika-14 na linggo na nagbuntis, simulan niya ang paggamit ng:
|
Pagkatapos na pagkatapos maisilang, dapat bigyan ang sanggol ng:
Kung HINDI GUMAGAMIT NG ART at HINDI nagpapasuso ang nanay, patuloy na bigyan ang sanggol ng NVP dose na ito araw-araw sa loob ng 6 na linggo. Kung HINDI GUMAGAMIT NG ART at NAGPAPASUSO ang nanay, patuloy na bigyan ang sanggol ng NVP dose na ito araw-araw hanggang 1 linggo matapos tumigil sa pagpapasuso. |
Pagpigil magka-HIV matapos malantad dito ang babae
Kapag nalantad ang babae sa HIV, halimbawa kapag natusok ng karayom ang isang health worker o nagahasa ang babae ng taong malamang may HIV, may posibilidad pa ring mapigilang magka-HIV sa pamamagitan ng maikliang paggamit ng mga ART na gamot. Tinatawag itong Post Exposure Prophylaxis o PEP.
Kung sa palagay mo ay nalantad ka sa HIV (tingan ang Paano Naikakalat ang HIV), makipag-usap agad sa isang health worker na may tiwala ka kung pinakamabuting desisyon para sa iyo ang mag-PEP. Kailangan mong simulan ang mga gamot ng PEP ilang oras, at hindi lalampas sa 3 araw, matapos malantad. Maaaring may ibang kombinasyon rekomendado at nasa inyong lugar. Anumang kombinasyon ang gagamitin, kailangan mong maggamot sa loob ng 28 araw.