Hesperian Health Guides

Ano ang HIV at AIDS?

Sa kabanatang ito:

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang napakaliit na mikrobyo, na tinatawag na virus, na hindi nakikita ng mata. Isang sakit ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) na namumuo sa kalaunan pagkatapos maimpeksyon ng HIV, ang AIDS virus.

HIV

Kapag naimpeksyon ng HIV, inaatake ng virus ang immune system, ang bahagi ng katawan na lumalaban sa impeksyon. Unti-unting pinapatay ng HIV ang mga selyula ng immune system hanggang sa hindi na kayang ipagtanggol ng katawan ang sarili laban sa ibang impeksyon. Karamihan ng may impeksyon ay hindi nagkakasakit mula sa HIV nang 5–10 taon. Pero sa kalaunan, hindi na kayang labanan ng immune system ang karaniwang mga impeksyon. Dahil maraming taon bago magdulot ng sakit ang HIV, malusog ang pakiramdam ng karamihang may HIV at hindi nila alam na may impeksyon sila.

MAHALAGA! Maari mong ipasa sa iba ang HIV sa sandaling maimpeksyon ka, kahit malusog ang hitsura at pakiramdam mo. Hindi makikita sa tingin lang kung may HIV ang isang tao. HIV test ang tanging paraan para malaman.

AIDS

May AIDS ang isang tao kapag humina na nang husto ang immune system niya at hindi na ito makalaban sa mga impeksyon. Madalas, palatandaan nito ang pagiging sakitin mula sa karaniwang mga karamdaman tulad ng pagtatae o trangkaso. Maaari ring magkaroon ang taong may AIDS ng mga impeksyon na bihira sa mga taong walang HIV, tulad ng ilang mga kanser o impeksyon sa utak.

Makakatulong ang mahusay na nutrisyon at ilang gamot para malabanan ng katawan ang mga impeksyong dulot ng AIDS at mapahaba ang buhay. Pero walang nagpapagaling sa AIDS mismo.

Paano anipapasa ang HIV/AIDS

Nabubuhayang HIV sa mga likido ng katawan ng taong may impeksyon—tulad ng dugo, tamod at likido sa loob ng puwerta. Naipapasa ang virus kapag nakapasok ang likidong ito sa katawan ng ibang tao. Ibig sabihin, maipapasa ang HIV sa pamamagitan ng:
di ligtas na pakikipagtalik sa taong may virus. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng pagkalat ng HIV.
lalaki at babaeng magkatabing nakahiga sa kama
hindi malinis na karayom o heringgilya, o anumang instrumento na tutusok o hihiwa sa balat.
WWHND10 Ch17 Page 285-2.png
babaeng nasa kama na sinasalinan ng dugo WWHND10 Ch17 Page 285-4.png tao na naglalagay ng bendahe sa madugong kamay ng ibang tao
pagsasalin ng dugo, kung hindi natesting ang dugo para matiyak na wala itong HIV. pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso kung may impeksyon ang nanay o tatay. may impeksyong dugo na nakapasok sa hiwa o bukas na sugat ng ibang tao.

Hindi naipapasa ang HIV/AIDS sa ganito

Hindi nabubuhay ang HIV sa labas ng katawan ng tao nang lampas sa ilang minuto. Hindi nito kayang mabuhay nang mag-isa sa hangin o tubig. Ibig sabihin, hindi ka makakapasa o makakakuha ng HIV sa mga paraang ito:
WWHND10 Ch17 Page 285-6.png
WWHND10 Ch17 Page 285-7.png
WWHND10 Ch17 Page 285-8.png
paghawak, paghalik, o pagyakap pagsalo sa pagkain pagsalo sa higaan
WWHND10 Ch17 Page 285 9.png
WWHND10 Ch17 Page 285-10.png
WWHND10 Ch17 Page 285-11.png
paghiraman o paglaba ng damit, tuwalya, sapin ng kama, kubeta, o kasilyas, kung susundin mo ang payo "Pag-iwas na maipeksyon ng HIV sa bahay". pagkalinga sa taong may HIV/AIDS, kung susundin mo ang payo "Pangangalaga sa mga taong may AIDS". kagat ng insekto



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017