Hesperian Health Guides

Karaniwang mga problemang medikal

Sa kabanatang ito:

Para sa mga medikal na problema sa kabanatang ito, tingnan din ang librong Where There Is No Doctor, o isa pang pangkalahatang librong medikal.

Madaling magkasakit ang taong may AIDS mula sa maraming karaniwang problemang medikal. May impormasyon sa natitirang bahagi ng kabanata tungkol sa pinakakaraniwan sa mga problemang ito, at paano ang pangangalaga ng isang indibidwal o pamilya.

Hindi nangangahulugan na may AIDS dahil lang may isa sa mga palatandaang ito. Makakatulong ang mga impormasyon dito sa sinumang may ganito ring sakit.

Lagnat

WWHND10 Ch17 Page 297-1.png

Madalas dumadating at nawawala ang mga lagnat. Mahirap malaman kung mula ito sa impeksyong kayang lunasan, tulad ng TB, pelvic inflammatory disease (PID) o malaria, o kung mula sa HIV mismo. Kung impeksyon ang sanhi ng lagnat, tiyakin na magamot din ang impeksyon mismo.

Para malaman kung may lagnat, gumamit ng thermometer, o idampi ang likod ng palad sa noo ng maysakit, at ang kabila sa noo mo. Kung mas mainit ang maysakit, malamang may lagnat siya.

Panlunas:
  • Alisin ang sobrang damit at papasukin ang sariwang hangin sa kuwarto.
  • Palamigin ang balat: buhusan ng tubig; punasan ng basang tela; o lagyan ng basang tela sa dibdib at noo at paypayan.
  • Bigyan ng maraming maiinom kahit hindi nauuhaw. Dahil sa lagnat, mas madali siyang matuyuan (ma-dehydrate).
  • Uminom ng gamot tulad ng paracetamol, aspirin o ibuprofen para makatulong mapababa ang lagnat.
  • Panatilihing malinis at tuyo ang balat. Gumamit ng lotion o corn starch para makatulong na hindi magsugat-sugat at mamantal.
Humingi ng tulong kapag:
  • sobrang taas ang temperatura (lampas 39°C o lampas 102°F).
  • 2 linggo na ang lagnat.
  • may ubo, kahirapan sa paghinga at pagbabawas ng timbang.
  • may paninigas ng leeg, matinding pananakit, o biglaan at malubhang pagtatae na may lagnat.
  • buntis o bago lang nanganak, nakunan o nagpalaglag ang taong may lagnat.
  • ginagamot para sa malaria, at hindi nawala ang lagnat matapos ang unang gamutan.
  • may discharge mula sa puwerta at pananakit sa tiyan kasama ng lagnat.
WWHND10 Ch17 Page 297-2.png

Pagtatae

Ang pagtatae ay ang paglabas ng 3 o higit pang malambot o matubig na dumi sa loob ng isang araw. Hindi pareho sa pagtatae ang paglalabas ng maraming normal na dumi. Puwedeng dumating at mawala ang pagtatae at maaaring mahirap gamutin. Pinakakaraniwang sanhi sa taong may HIV ang impeksyon sa bituka mula sa maduming pagkain o tubig, impeksyon dahil sa HIV, o side effects ng ilang gamot.

Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng:

Kung nagtatae nang lampas sa 1 buwan, malamang kailangan ng ART.

  • malnutrisyon, kung sa sobrang bilis ng pagdaan sa katawan ay hindi na ito magamit. Dagdag pa, madalas hindi kumakain ang mga taong nagtatatae dahil hindi sila nagugutom.
  • pagkatuyot o dehydration, kung nawalan ng likido ang katawan dahil sa pagdumi na mas marami pa sa naiinom. Mas mabilis ang pagkatuyot sa mainit na klima at sa taong may lagnat.
Palatandaan ng dehydration:
Wwhnd10 Ch17 Page 298-2.png
  • pagkauhaw
  • kakaunti o walang ihi
  • tuyong bibig
  • hindi na elastiko ang balat
  • pagkahilo kapag tumatayo
Wwhnd10 Ch17 Page 298-3a.png
Hatakin ang balat sa pagitan ng dalawang daliri... ...kung hindi bumalik kaagad sa dati ang tiklop ng balat, dehydrated ang tao.

IHATID!

MAHALAGA! Kung may ganitong palatandaan ang tao at nagsusuka rin siya, kailangan niya ng likido sa ugat (IV) o sa tumbong. Humanap agad ng tulong medikal. Isang emerhensya ang malubhang pagkatuyot.
batang babaeng nag-aalok ng sopas sa babaeng mukhang may sakit
Higupin mo ito, nanay
Panlunas:
  • Pigilan ang dehydration—uminom nang higit sa karaniwan. Mahusay na panlaban sa dehydration ang katas ng prutas, tubig ng niyog, matamis na tsaang malabnaw, lugaw, sopas, am at oresol. Kahit hindi nauuhaw, humigop tuwing 5–10 minuto.
  • Patuloy na kumain. Sikaping kumain nang pauntiunti. Pagkain na madaling tunawin ang ihanda. Lutuin nang husto, tapos ay durugin at ligisin. Ilan sa mahusay na pagkain ang butil na may halong beans, karne, o isda; gatas, keso, yogurt at mga katulad na produkto (dairy products); at saging. Huwag kumain ng hilaw na gulay, butil na hindi naproseso, balat ng prutas, maanghang na sili, o pagkain o inumin na maraming asukal. Pinapalala nito ang pagtatae.
Gumamit lang ng gamot sa ganitong mga pagtatae:

Kung buntis ka o nagpapasuso, huwag gumamit ng norfloxacin. Para sa dagdag na impormasyon sa mga gamot na ito, tingnan ang mga “Berdeng Pahina.”

  • Biglaan at matinding pagtatae na may kasamang lagnat (may dugo man o wala sa dumi). Uminom ng cotrimoxazole 960 mg (2 tableta na tag-480 mg: 80 mg trimethoprim at 400 mg sulfamethoxazole), 2 beses bawat araw sa loob ng 10 araw. Kung allergic sa sulfa drugs, palitan ng norfloxacin, 400 mg, 1 beses lang. Kung hindi ka bumuti pagkaraan ng 2 araw, magpatingin sa isang health worker.
  • Madugong pagtatae na may kasamang lagnat, na maaaring dulot ng ameba (maliliit na hayop na nabubuhay sa tubig o bituka). Uminom ng metronidazole 500 mg, 3 beses bawat araw sa 7 araw. Kung hindi ka bumuti pagkaraan ng 2 araw, magpatingin sa isang health worker.

Kung nagtatae nang lampas sa 1 buwan, malamang kailangan ng ART.

  • Kung may pagtatae sa matagal na panahon, maaaring magkaroon ng mapula at masakit na bahagi sa palibot ng puwit. Baka makatulong kung maglagay ng petroleum gel o zinc oxide cream tuwing dudumi. Puwede ring magka-almoranas.
Humingi ng tulong kung siya’y:
babaeng nag-aalok ng maiinom sa ibang babae na mukhang malala ang sakit
  • may palatandaan ng dehydration hindi makainom o makakain tulad ng dati.
  • mukhang hindi bumubuti kahit na ano’ng gawin.
  • may mataas na lagnat.
  • naglalabas ng maraming matubig na dumi sa isang araw.
  • naglalabas ng madugong dumi na hindi nawawala sa paggamit ng medisina.
  • nagsusuka rin.
Pag-iwas:
  • Uminom ng malinis na tubig. Gawing puro o dalisay ang tubig bago gamitin sa pagkain o inumin.
  • Kumain ng malinis at ligtas na pagkain. Hugasan o balatan ang hilaw na pagkain, at lutuin nang maige ang karne. Protektahan ang pagkain mula sa dumi, langaw, gumagapang na insekto at hayop, na puwedeng magkalat ng mikrobyo.
  • Maghugas palagi ng kamay:
    WWHND10 Ch17 Page 299-2.png

    ~ matapos gumamit o tumulong sa iba na gumamit ng kasilyas.
    ~ matapos maglinis ng batang dumumi o nagkalat, o ng maysakit.
    ~ bago maghanda ng pagkain o inumin.


  • Protektahan ang pinagkukunan ng tubig ng komunidad.

Pamamantal sa balat at pangangati

WWHND10 Ch17 Page 300-1.png

Madalas mahirap matukoy ang sanhi ng mga pamamantal at pangangati sa balat. Maraming problema sa balat ang matutulungan ng paglinis ng katawan. Sikaping maglinis minsan bawat araw gamit ang banayad na sabon at malinis na tubig.

Kung sumobra sa tuyo ang balat, bawasan ang paglilinis at huwag gumamit ng sabon. Subukang magpahid sa balat ng petroleum gel, glycerin o langis ng halaman pagkatapos maligo. Magsuot ng maluwag na damit na gawa sa cotton.

Allergic na reaksyon

Mas karaniwan sa taong may AIDS ang allergic na reaksyon, na nagbubunga ng makating pamamantal. Puwedeng magdulot ang mga gamot na may sulfa (tulad ng cotrimoxazole) ng talagang masamang reaksyon. Kung ginagamit mo ito at magkaroon ka ng makating pamamantal, makating mata, pagsusuka o pagkahilo, tigilan agad ang paggamit at magpatingin sa isang health worker. Maaaring mabigyan ka ng mabisang gamot na walang sulfa.)

Fungal na impeksyon (yeast, candida)

katawan ng babae, pinapakita ang mga patse ng fungal na impeksyon
sa ilaim ng suso
kilikili
sa loob na bahagi ng siko
sa pagitan ng mga daliri
sa pagitan ng mga binti at puwit

Mahirap ilarawan ang mga fungal na impeksyon dahil maaaring ibaiba ang hitsura nito. Ang ilang fungal na impeksyon ay bilog, mapula o makaliskis na marka na makati. Puwedeng madalas na magka-yeast na impeksyon sa puwerta ang mga babaeng may HIV.

Maaaring may fungal na impeksyon kung may problema sa balat sa isa sa mga lugar na ito:

Panlunas:
  • Kung may bahaging mapula at makati, panatilihin itong malinis at tuyo. Kung kakayanin, iwan itong walang takip at nakabukas sa hangin at sikat ng araw
  • Lagyan ng nystatin cream 3 beses isang araw nystatin cream o gentian Violet 2 beses isang araw hanggang sa mawala nang lubusan ang pamamantal.
  • Kung mayroon kang masamang fungal na impeksyon, uminom ng ketoconazole, isang 200 mg na tableta bawat araw sa loob ng 10 araw, o 100–200 mg ng fluconazole bawat araw sa loob ng 7–14 na araw. Huwag gumamit ng alinman sa mga gamot na ito kung buntis ka. (Tingnan din ang impormasyon tungkol sa thrush, isang fungal na impeksyon sa bibig.)

Kulay tsokolate o ube na marka sa bibig o balat

Dulot ang mga markang ito ng Kaposi’s sarcoma—kanser sa daluyan ng dugo o sa lymph nodes. Hindi nakakatulong ang mga gamot. Kung may mga problema, tulad ng kahirapang kumain dahil apektado ang bibig, magpatingin sa isang health worker.

Pangangati

Panlunas na walang gamot:
  • Palamigin ang balat o paypayan ito.
  • Umiwas sa init at sa mainit na tubig sa balat.
kamay ng tao na gumagamit ng maliit na gunting para magputol ng kuko sa kamay
Maaaring makatulong din ito sa pangangati:
WWHND10 Ch17 Page 301-2.png
  • tincture ng puno ng tsaa mula sa Australia
  • katas mula sa halamang aloe vera
  • Iwasan ang pagkamot, na nagdudulot ng dagdag na pangangati at impeksyon kung minsan. Putulin nang maikli ang kuko at panatilihing malinis para makaiwas sa impeksyon.
  • Gumamit ng preskong damit na binabad sa tubig mula sa pinakuluan at sinalang oatmeal, o lokal na halamang gamot.
Panlunas na may gamot (gumamit ng isa):
  • Mag-calamine lotion gamit ang malinis na tela, tuwing kailangan.
  • Maglagay ng kaunting 1% hydrocortisone cream o ointment 3 beses bawat araw.
  • Mag-antihistamine, tulad ng diphenhydramine o hydroxyzine. Umi nom ng 25 mg, 4 na beses bawat araw. Baka antukin dahil sa antihistamine.

Herpes zoster (shingles)

Ito ay impeksyong dulot ng bulutong-tubig (chicken pox). Karaniwan nagsisimula ito sa masakit na mga butlig na may tubig, na bumubukas sa kalaunan. Pinakamadalas ito sa mukha, likod at dibdib, na maaaring mahapdi at sobrang sakit. Puwedeng maghilom ang mga butlig sa loob ng ilang linggo, pero puwedeng mas matagal ang pananakit.

likod ng babae, pinapakita ang mga bahaging may pagsusugat sa ilalim ng balikat
Panlunas:

Huwag hawakan ang mata dahil puwedeng makasira ng paningin at makabulag ang shingles.

Pagkaduwal at pagsusuka

WWHND10 Ch17 Page 302-1.png

Kung hindi makakain o makainom dahil sa pagkaduwal at pagsusuka, maaaring manghina, maging malnourished at dehydrated. Sa ibang tao, tuloy-tuloy sa bawat araw ang pagkaduwal at pagsusuka. Ang pagkaduwal at pagsusuka ay maaaring mula sa:

  • impeksyon.
  • ilang medisina.
  • problema sa sikmura at bituka.
  • HIV impeksyon mismo.
Panlunas:
  • Kumain ng maliliit na piraso ng tuyong pagkain (tinapay, biskwit) pagkagising sa umaga.
  • Sikaping iwasan ang amoy ng pagkain na niluluto. Kung may pagkain o amoy na nagpapaduwal, iwasan iyon.
  • Paunti-unting uminom ng salabat, tsaa na may mint o cinnamon.
  • Dilaan ang limon o dayap.
  • Linisin ang ngipin at magmumog nang madalas para maalis ang masamang lasa pagkasuka.
  • Papasukin nang madalas ang sariwang hangin sa bahay o kuwarto.
  • Magbabad ng tela sa malamig na tubig at ilagay sa noo.
  • Kung gamot ang sanhi ng problema, alamin kung may ibang gamot na maipapalit.

Kung matindi ang pagsusuka:

  1. Huwag uminom o kumain sa loob ng 2 oras.
  2. Pagkatapos, sa susunod na 2 oras, humigop ng 3 kutsara ng tubig, oresol o iba pang malinaw na likido bawat oras. . Unti-unting dagdagan ang likido sa 4–6 na kutsara bawat oras. Kung hindi masuka, patuloy na dagdagan ang likido.
  3. Kung hindi mahinto sa pagsusuka, gumamit ng promethazine 25–50 mg bawat 6 na oras, tuwing kailangan, iinumin o ipapasok sa loob ng puwit (sa tumbong). Kung magsimulang bumuti ang pagsusuka, malamang mas gugustuhin ng tao na inumin ang gamot.
  4. Habang bumubuti ang pakiramdam, kumain ulit nang paunti-unti. Simulan sa simpleng pagkain tulad ng tinapay, kanin, kamoteng kahoy, o lugaw.
Kailan magpapatulong:
  • 24 oras na walang pagkain o inumin na makatagal sa katawan.
  • May kasabay na pananakit sa tiyan o mataas na lagnat.
  • Sobrang lakas ang pagsusuka, kulay madilim na berde o tsokolate ang suka, at amoy tae o may kasamang dugo ito.
  • May palatandaan ng dehydration.

Ubo

HUWAG manigarilyo kung mayroon kang ubo.

Pag-ubo ang paraan ng katawan para malinis ang sistema ng hingahan at mailabas ang mucus o plema. Karaniwan ay palatandaan din ito ng mga problema sa baga tulad ng pulmonya o TB. Kung inuubo nang sobra sa 2 linggo ang taong may HIV, kailangan matingnan siya ng health worker para masuri kung may TB.

Puwede mong gawin ang syrup na ito para sa lahat ng klase ng ubo. Uminom ng isang kutsarita bawat 2 o 3 oras. Maghalo ng:
1 bahaging pulot WWHND10 Ch17 Page 303-1.png
1 bahaging katas ng dayap
1 bahaging tubig

Kapag naglalabas ng plema ang ubo, huwag patigilin ng gamot. Sa halip, gumawa ng hakbang para lumuwag at lumabas ang plema. Mas mabilis na bubuti ang ubo sa ganitong paraan

Panlunas:
  • Uminom ng maraming tubig. Mas maige ang tubig kaysa sa anumang gamot. Pinapaluwag nito ang plema para mas madali mong maiubo palabas.
  • Umubo nang ilang beses sa araw para malinis ang baga. Palaging takpan ang bibig.
  • Manatiling aktibo—maglakad o magpalit ng posisyon sa kama at umupo. Makakatulong ito na mailabas ang plema mula sa baga.
  • Para guminhawa ang lalamunan, uminom ng tsaa na may dayap o kalamansi at pulot, o ihalo ang sarili mong herbal na gamot. Mas mahal ang mga nabibiling syrup para sa ubo, at pareho lang ang bisa.
  • Kung sobrang tindi ang ubo at hindi ka makatulog sa gabi, uminom ng codeine, 30 mg, o codeine cough syrup.
babaeng nakadapa nang pahalang sa kama, malapit ang ulo sa mangkok na nasa sahig; may isa pang babaeng hawak o tinatapik ang kanyang likod
papukpok sa iba ang likuran ng iyong dibdib (postural drainage), para mas madaling maiubo palabas ang plema.


MAHALAGA! Kung makapag-ubo ka ng dilaw, berde o madugong plema, maaaring pulmonya o TB ang sanhi ng ubo, at kailangan mo ng ispesyal na mga gamot.

Tuberkulosis (TB)

Ang tuberkulosis (TB) ay malubhang impeksyon mula sa isang mikrobyo na madalas sa baga kumakapit. Magkahawig ang palatandaan ng AIDS at TB, pero magkaiba ang mga sakit na ito. Karamihan sa mga taong may TB ay walang AIDS.

Pero madaling magka-TB ang taong may HIV dahil sobrang hina ang katawan niya para labanan ito. Sa 1 sa bawat 3 taong namatay mula sa AIDS, TB ang talagang pumatay sa kanila.

Puwedeng mapagaling ang TB, kahit sa mga taong may AIDS, kaya mahalagang simulan nang maaga ang paglunas. Para sa kumpletong impormasyon, tingnan ang kabanata sa “Tuberkulosis”. Kapag magsimulang maggamot para sa TB ang taong may HIV, dapat na rin siyang magsimulang mag-ART. Tulungan siyang makahanap ng programa para sa pangangalaga at paglunas ng HIV.

Pulmonya

katawan ng babae, pinapakita kung saan ang baga at mga tubong daluyan ng hininga
baga

Ang pulmonya ay dulot ng impeksyon ng mga mikrobyo sa maliliit na tubong hingahan sa looban ng baga. Madalas mapulmonya ang mga taong matanda, malala ang sakit o masyadong mahina.

Maaaring napakalubha ang pulmonya para sa mga taong may HIV. Dapat mag-antibiotics agad. Minsan kailangang maospital at gamitan ng gamot sa suwero (IV).

Palatandaan:
  • Mabilis at mababaw ang paghinga (lampas 30 bawat minuto sa nakatatanda). Lumalaki minsan ang butas ng ilong sa bawat paghinga.
  • Parang hindi makakuha ng sapat ng hangin.
  • May biglaang lagnat na madalas ay mataas.
  • Nag-uubo ng plema na berde, kulay kalawang, o madugo.
  • Masyadong masama ang pakiramdam.
Panlunas:
  • Mag-cotrimoxazole ng 10–21 araw (tingnan sa “Berdeng Pahina”).
  • Uminom ng maraming likido.
  • Sikaping mapababa ang lagnat.
  • Kung hindi bumubuti sa loob ng 24 oras, o kung lumalala pa, humanap na agad ng tulong medikal.

Problema sa bibig at lalamunan

HIV ang mga problema sa bibig. Maaaring lunasan ang ibang problema ng araw-araw na paggamit ng pangmumog na pumapatay ng mikrobyo, tulad ng gentian violet. Puwede rin ang pangmumog na gawa sa pantay na halo ng hydrogen peroxide at tubig (huwag inumin ang mga pangmumog na ito).

WWHND10 Ch17 Page 304-2.png
Makakatulong ang straw sa pag-inom kung may masakit na problema sa bibig.

Maaari tuloy manghina, maging malnourished, at mas mahirapan na labanan ang impeksyon. Dapat subukan na:

  • kumain nang paunti-unti pero madalas.
  • magdagdag ng langis mula sa halaman o peanut butter sa pagkain, na magbibigay ng dagdag na enerhiya.
  • iwasan ang hilaw na gulay. Mahirap itong tunawin, at maaaring may mikrobyo.
  • uminom ng maraming likido at bantayan ang dehydration.

Ang mga bitak at singaw sa kanto ng bibig ay puwedeng dahil sa malnutrisyon.

WWHND10 Ch17 Page 305-1.png

Pananakit at pamamaga sa bibig at lalamunan

Maraming taong may HIV ang may pamamaga at pananakit sa bibig, at problema sa ngipin at gilagid. Sikaping:

  • kumain ng malalambot na pagkain—huwag matigas o malutong.
  • kumain ng simpleng timpla na pagkain—huwag maanghang.
  • gumamit ng straw sa pag-inom ng mga likido at sopas.
  • subukan ang malalamig na pagkain, inumin o yelo para maibsan ang sakit.

Singaw, bitak at paltos sa paligid ng bibig

Maaaring dulot ng herpes virus ang mga masakit na paltos at singaw sa labi. Puwedeng tubuan nito ang isang malusog na tao matapos ang sipon o lagnat. Puwedeng tubuan anumang oras ang taong may HIV. Maaaring matagal bago mawala ang singaw, pero madalas kusa lang nawawala. Para maiwasan ang impeksyon, lagyan ng Gentian Violet ang singaw. Baka makatulong din ang gamot na acyclovir (tingnan ang mga “Berdeng Pahina”). Maghugas ng kamay matapos hawakan ang singaw.

Thrush (mapuputing marka sa bibig)

nakabukang bibig na may mga puting patse sa itaas na bahagi

Fungal na impeksyon ang thrush na nagdudulot ng mga maputing marka at masakit na balat sa loob ng bibig, sa dila, at minsan sa lalamunan. Maaari itong magdulot ng pananakit ng dibdib.

Mukhang nakultang gatas na nakadikit sa pisngi o dila ang mga puting marka. Kung naaalis sa pagkaskas, malamang ay thrush ito. Mas madalas magka-thrush kapag gumagamit ng antibiotics.

Panlunas:

Maingat na hagurin ang dila at gilagid ng malambot na sepilyo o malinis na tela nang 3 o 4 na beses bawat araw. Magmumog pagkatapos ng tubig na may asin o katas ng dayap, at ibuga ang tubig (huwag inumin). Dagdag pa, gamitin ang ISA sa mga remedyong ito:

  1. Sumipsip ng dayap kung hindi masyadong masakit. Pinapabagal ng asido ang pagtubo ng fungus. O kaya,
  2. Magmumog ng 1% Gentian Violet na likido 2 beses bawat araw. Huwag inumin. O kaya,
  3. Maglagay ng 1 ml nystatin solution sa bibig at panatilihin sa loob ng 1 minuto, at inumin pagkatapos. Gawin ito nang 3 o 4 na beses bawat araw sa loob ng 5 araw. O kaya,
  4. Kung masyadong malala ang thrush, maaaring makatulong ang ketoconazole. Uminom ng isang 200 mg tableta, 2 beses bawat araw sa loob ng 14 araw (pero huwag mo itong gamitin kung buntis ka).

Nahihirapan lumunok (thrush sa esophagus)

Maaring bumaba sa tubo na nagdudugtong ng lalamunan at tiyan (esophagus) ang thrush. Magiging napakasakit ng paglunok na hindi na kayang kumain o uminom ng maysakit. Kung mangyari ito, kailangang madala siya agad sa ospital. Kung nakakalunok pa ng gamot, kailangan niyang uminom agad ng fluconozle 400 mg, tapos 200 mg bawat araw susunod na 14 araw. Kung hindi umiige sa loob ng 3-5 araw, doblehin ang dose sa 400 mg bawat araw. Kung buntis ka, huwag uminom ng fluconozole (tingnan sa mga “Berdeng Pahina”).

WWHND10 Ch17 Page 306-1.png

Sugat at nauk-ok na balat

Ang sugat ay dulot ng pinsala na pumupunit sa balat. Ang pagkauk-ok ng balat (sores) ay madalas dulot ng bacteria o pagkakadiin ng balat (pressure sores). Madali itong mangyari sa mga taong matagal nakaratay sa kama. Bigyan ng ispesyal na pangangalaga ang anumang hiwa, sugat o nauk-ok na balat para hindi ito maimpeksyon.

Pangkalahatang pag-alaga:

WWHND10 Ch17 Page 306-2.png
  1. Hugasan ang sugat o nauk-ok na balat ng malinis na tubig at banayad na sabon minsan bawat araw o higit pa. Hugasan muna ang palibot, pagkatapos hugasan mula sa sentro ng sugat papalabas sa gilid. Kung kaya, gumamit ng hiwalay na piraso ng tela sa bawat pagpunas.
  2. Kung may nana o dugo ang sugat, takpan ang bahaging ito ng malinis na piraso ng tela o benda. Hayaang maluwag ang benda at palitan bawat araw. Kung tuyo ang sugat, puwede itong iwang bukas sa hangin para mas madaling maghilom.
  3. babaeng nakahigang lapat ang likod, na may nakabalunbon na kumot sa ilalim ng paa
  4. Kung nasa binti o paa ang sugat, itaas ang binti lampas sa antas ng puso. Gawin ito sa araw sa pinakamadalas na makakaya. Sa gabi, matulog na nakataas ang paa. Iwasang tumayo o umupo nang matagal. Makakatulong ang paglalakad.
  5. Labhan ang maduming damit at bendahe ng sabon at tubig, at ibilad sa araw para matuyo. O kaya’y pakuluan ito sandali at isampay para matuyo. Kung hindi na gagamitin uli ang damit o bendahe, sunugin ito o itapon sa hukay ng kasilyas.


paa na may nakapalibot na telang basa na sumisingaw sa init
mainit
na compress

MAG-INGAT Kung gumamit ka ng sobrang potassium permanganate o sobrang init na tubig, masusunog ang balat.

A person with severe skin infection and fever may need to start ART.

Panlunas sa bukas na sugat at nauk-ok na balat na may impeksyon:

May impeksyon ang sugat at nauk-ok na balat kapag ito’y:

  • namumula, namamaga, mainit at masakit.
  • may nana sa loob.
  • magsimulang bumaho.

Gamutin ang bahaging may impeksyong ayon sa hakbang 1 hanggang 4 sa nakaraang pahina, at gawin din ang mga sumusunod:

  1. Tapalan ng mainit na compress ang sugat 4 na beses bawat araw, 20 minuto bawat pagtapal. O subukang ibabad sa balde ng mainit na tubig na may sabon o potassium permanganate. Gumamit ng 1 kutsarita ng potassium permanganate sa 4–5 litro ng tubig. Kapag hindi nakababad, panatalihin itong mas mataas sa antas ng puso
  2. Kung may kulay abo o mukhang bulok sa sugat, banlawan ng hydrogen peroxide pagkababad. Subukang alisin ang bahaging kulay abo gamit ang malinis na piraso ng gasa o tiyani na nalinis nang tama.
  3. Kung kaya, lagyan ng Gentian Violet ang sugat bago bendahan.
  4. Kung madaming pagsusugat ang sabay sabay na may impeksyon, laluna kung nilalagnat, gamutin ng antibiotics. Gumamit ng erythromycin, dicloxacillin o penicillin sa loob ng 10 araw.


Pagkalito (dementia)

Karaniwan sa mga taong may AIDS ang ilang pagkalito o pagbabago ng pag-iisip, laluna kung matagal nang may sakit. Ang pagkalito na may kasamang pananakit ng ulo na di natatanggal, paninigas ng leeg at lagnat ay maaring palatandaan ng impeksyon sa utak. Humingi agad ng tulong. Ang pagkalito ay puwede ring side effects ng ART o iba pang gamot.

Pananakit

Sa huling mga yugto ng AIDS (at ibang malubhang sakit tulad ng kanser), maaaring maging bahagi ng araw-araw na buhay ang kirot at pananakit. Pwedeng dulot ng maraming bagay ang pananakit, tulad ng:

  • hindi makagalaw
  • mga impeksyon, gaya ng herpes
  • panganglaga ng balat.
  • pamamaga ng binti at paa.
  • masakit na ulo
  • pananakit sa nerves
Panlunas sa pananakit, walang gamot:
  • Subukan ang ehersisyong pangrelaks, meditasyon o pagdarasal.
  • Subukang mag-isip tungkol sa ibang bagay.
  • Magpatugtog ng musika, o hilingin na kuwentuhan o basahan ka.
  • Para sa sakit mula sa pamamaga ng kamay at paa, subukang iangat ang namamagang bahagi.
  • Kung parang nasusunog ang kamay at paa na dulot ng pananakit sa nerves, ilagay ang parte ng katawan sa tubig.
  • Kung masakit ang balat kapag hinawakan, lagyan ang kama ng malambot na sapin at unan. Ingatan ang paghawak sa maysakit.
    babaeng nakahiga nang patagilid, may mga unan na naghihiwalay sa mga kamay at paa
  • Para sa sakit ng ulo, panatilihing madilim at tahimik ang kuwarto.
  • Makakatulong ang acupressure sa ilang klase ng sakit.

Pinakamabisa ang gamot sa pananakit kung gagamitin bago ito maging sobrang tindi.

Panlunas sa pananakit na gumagamit ng medisina:

Maaaring gamitin ang sumusunod na gamot para makontrol ang sakit na sumusumpong araw-araw (chronic na sakit). Regular na inumin ang gamot, ayon sa direksyon. Kung maghihintay ka hanggang sa sobrang tindi na ang sakit, hindi kasingbisa ang epekto ng gamot.

  • gamot para sa katamtamang sakit, tulad ng paracetamol
  • ibuprofen o codeine —kung mas matapang ang kailangan
  • iniinom na morphine—kung lubhang matindi ang sakit


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017