Hesperian Health Guides

Accupressure na masahe

Sa kabanatang ito:

Ang pagdiin sa ilang ispesyal na mga “tuldok” o punto (points) sa katawan ay makakatulong na maibsan ang ilang karaniwang problema sa kalusugan ng kababaihan. Galing ang mga tuldok na ito sa napakatanda nang paraan ng paghilom ng mga Intsik na tinatawag na accupressure. Maaring may iba pang masahe na alam ang mga lokal na manggagamot.

Gamitin ang sariling pakiramdam kung gaano kahaba at kadalas didiinan ang mga ito (karaniwang haba ang 3–10 minuto). Maraming babae ang sensitibo o nasasaktan sa mga tuldok na ito. Kung masyadong masakit, ingatan na hindi mairita. Kung may pinsala sa isang bahagi, huwag iyon gamitan ng accupressure.

Minsan may ilang punto na nakakatulong sa parehong problema. Puwede mong subukan lahat. Kung sensitibo ang isa o nakakaginhawa sa iyo, doon ka tumutok. Kung hindi, gamitin ang lahat ng tuldok sa anumang pagkakasunod-sunod.

MAHALAGA! Kung nagbubuntis, maaring makapagdulot ng problema ang pagdiin sa ilan sa mga tuldok na ito. Kung buntis ka, bantayan ang mga babala sa ibaba.

Pangkalahatang pananakit mula sa pagregla

(Para sa impormasyon tungkol sa regla, tingnan Buwanang regla.)

1. Para makatulong na maiwasan ang karaniwang mga hinaing habang nagreregla, tulad ng namamagang suso, pagkapagod, at pakiraramdam na puno ang puson:

hinlalaki na nakadiin sa dulo ng paa, sa pagitan ng una at ikalawang daliri ng paa
diinan
dito
2. Para mabawasan ang pananakit habang may regla, hawakan at imasahe nang mabuti ang punto sa palad sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Makakatulong ang malakas na pagdiin dito na mabawasan ang maraming klase ng pananakit.
WWHND ChSk Page 546-2.png
Puwede ring diinan ang mga punto na ito sa loob na bahagi ng hita at paa.
mga tuldok na nagpapakita ng mga dinidiinang punto sa itaas ng tuhod, sa ibaba ng tuhod, sa itaas ng bukong-bukong at sa gilid ng talampakan; may panturong nakatutok sa punto sa itaas ng bukong-bukong
Pero huwag masyadong diinan ang tuldok na ito dahil magdudulot ng pinsala. Huwag diinan kung buntis ang babae—puwede itong magpasimula ng paglabor.

Magagamit din ang sumusunod na masahe sa pagbawas ng pananakit at pulikat, pati na ang palatandaan ng pre-menstrual syndrome (PMS).

Magmasahe sa pagitan ng mga daliri ng paa, sa palibot ng buto ng bukong-bukong, at sa bandang itaas nito sa labas na bahagi ng paa. Maghanap ng mga lugar na sensitibo at imasahe iyon nang mas matagal. Sa buntis na babae, huwag imasahe ang labas na bahagi ng malaking daliri ng paa, ang gitna ng talampakan, o ang bandang itaas at labas na bahagi ng bukong-bukong. Puwedeng pasimulan ng mga ito ang pag-labor.

Makakatulong din ang masahe sa kamay, pulsuhan at tainga sa pananakit o palatandaan ng PMS.

Pagbubuntis at panganganak

(Tingnan ang kabanata sa “Pagbubuntis at Panganganak”.)

mga dinidiinang punto na nakalarawan sa ibaba: sa lalamunan, balikat, gawing itaas at kanan-sentro ng tiyan, at sa loob na gilid ng paa sa itaas ng bukong-bukong

Para maibsan ang pagkaduwal (morning sickness), diinan dito
Para makatulong sa mahirap o masakit na panganganak, diinan dito
Para makatulong
pahintuin ang pagdurugo matapos manganak, diinan dito
Para pasimulan ang paglabor o palakasin ang mahinang paglabor, diinan dito

Menopause

(Tingnan ang kabanata sa “Pagtanda”.) Para maibsan ang karaniwang mga karaingan, diinan ang sumusunod na mga punto minsan bawat araw sa loob ng 10 minuto.

mga dinidiinang punto sa panloob na gilid ng ibabang-hati ng paa na nakalarawan sa ibaba:itaas ng lulod, gitna ng kalamnan, itaas ng bukong-bukong, gilid ng talampakan; mga dinidiinang punto sa tainga, sa may kabitan ng hikaw at sa itaas na bahagi nito

diinan
dito
diinan
dito
Makakatulong din kung didiinan ang mga punto na ito sa tainga.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017