Hesperian Health Guides
Paano mag-iniksyon
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Mga kasanayan sa pangangalaga ng kalusugan > Paano mag-iniksyon
- kung walang anyo o pormulasyon ang gamot na puwedeng ipainom.
- kung hindi makalunok ang tao o hindi mapatagal ang gamot dahil sa pagsusuka.
- sa ilang emerhensya, tulad ng pagdurugo o impeksyon matapos manganak o magpalaglag.
Mahalagang wasto ang pagbibigay ng iniksyon. Puwedeng maging mapanganib ang mga ito kung binigay sa maling lugar, maling paraan, o kung hindi nilinis nang tama ang heringgilya, kamay at lugar na tinarakan. Maingat na sundin ang lahat ng direksyon sa âPaano mag-iniksyonâ.
Mga nilalaman
Pagpigil sa impeksyon
Ang mga karayom at heringgilya na hindi nalinis at nadisimpekta nang tama ay maaaring magpasa ng sakit tulad ng HIV o sakit sa atay (hepatitis) sa ibang tao. Maaari din itong magdulot ng maluhang impeksyon sa pinagtarakan o sa dugo.
- Huwag na huwag gumamit ng parehong karayom at heringgilya para mag-iniksyon ng higit sa isang tao na hindi muna nililinis at dinidisimpekta ang karayom at heringgilya.
- Matapos pakuluan ang karayom, huwag idikit sa anumang bagay na hindi nadisimpekta.
- Kung pang-isang gamit lang ang karayom, nasa ligtas na pagdispatsa nito.
Saan magbibigay ng iniksyon
May dalawang batayang klase ng iniksyon:
- iniksyon na pumupunta sa kalamnan (intramuscular o IM)
- iniksyon na pumupunta sa matabang layer o sapin sa ilalim ng balat (subcutaneous)
Nakabatay ang pipiliing lugar na iiniksyonan sa dami ng gamot na ibibigay, laki ng taong bibigyan, at klase ng gamot na gagamitin.
Sa kalamnan dapat pumunta (IM) ang karamihan sa mga de-iniksyon na gamot na nasa librong ito. Ang IM na iniksyon ay puwedeng itusok sa malaking kalamnan ng pigi, braso o hita. Pinakamahusay na gamitin ang pigi o hita sa halip na braso kung:
- mahigit sa 2 ml (2 cc) ang ibibigay. (Pero huwag na huwag ibigay sa iisang pagturok ang sobra sa 3 ml (3 cc). Sa halip ay hatiin sa 2 pag-iniksyon.)
- malamang magdudulot ng pananakit ang gamot kapag itinurok.
- masyadong maliit o masama ang nutrisyon ng taong tuturukan.
|
|
|
Paano mag-iniksyon sa ilalim ng balat (subcutaneous)
- Hawakan nang paipit ang ilalim na bahagi ng braso na sagana sa taba. Ganito ang paghawak sa balat:
- Ipasok ang karayom sa ilalim ng balat. Gayahin ang pahilis na anggulo ng pagpasok na nakalarawan. Tiyakin na hindi matusok ng karayom ang kalamnan.
Maghanda na lunasan ang allergic na reaksyon at allergic shock
May mga gamot, laluna mga antibiotics tulad ng penicillin at ampicillin, na nakakapagdulot ng allergic na reaksyon, kadalasan sa loob ng 30 minuto matapos mag-iniksyon. Puwedeng tumuloy ang allergic na reaksyon sa allergic shock, na isa nang emerhensya. Para maiwasan ang allergic na reaksyon at allergic shock, tanungin ang tao bago mag-iniksyon: âNagkaroon ka na ba ng reaksyon sa gamot na ito—tulad ng pamamantal, pangangati, pagumbok o paglobo o kahirapang huminga?â Kung oo ang sagot, huwag gamitin ang gamot sa anumang anyo, o anumang gamot na kapamilya nito. Tuwing mag-iiniksyon ng gamot, magmatyag sa mga palatandaan ng allergic na reaksyon at allergic shock at magtabi ng gamot na panlunas.
Banayad na allergic na reaksyon
Palatandaan:
- pangangati
- pagbahing
- pantal o butlig (rashes)
Panlunas:
Magbigay ng 25 mg diphenhydramine, iinumin 3 bese bawat araw hanggang mawala ang mga palatandaan.
Maaaring mas tiisin ng buntis o nagpapasusong babae ang gambala na dulot ng banayad na allergic na reaksyon kumpara sa panganib ng paggamit ng antihistamine.
Katamtaman hanggang matinding allergic na reaksyon
Palatandaan:
- pangangati
- pamamantal
- lumolobo na bibig at dila
- kahirapang huminga
Panlunas:
- Mag-iniksyon agad ng 0.5 mg ng epinephrine sa ilalim ng balat. Tingnan ang drawing sa itaas. Mag-iniksyon ulit matapos ang 20 minuto kung hindi bumuti ang mga palatandaan.
- Magbigay ng 25 mg diphenhydramine o promethazine, iinumin o iiniksyon sa kalamnan. Ulitin matapos ang 8 oras o mas maaga pa kung hindi bumuti ang mga palatandaan.
- Bantayan siya nang hindi bababa sa 4 na oras para matiyak na hindi tumuloy sa allergic shock.
Allergic shock
Palatandaan:
- pangangati o pamamantal
- biglaan na pamumutla o malamig, namamasa na balat (malamig na pawis)
- lumolobo na bibig at dila
- kahirapang huminga
- mahina at mabilis na pulso o tibok ng puso (higit sa 100 bawat minuto)
- pagkawala ng malay
Panlunas:
- Mag-iniksyon agad ng 0.5 mg ng epinephrine sa ilalim ng balat. Tingnan ang drawing sa itaas. Mag-iniksyon ulit matapos ang 20 minuto kung hindi bumuti ang mga palatandaan.
- Mag-iniksyon ng 50 mg diphenhydramine o promethazine sa kalamnan. Ulitin matapos ang 8 oras o mas maaga pa kung hindi bumuti ang mga palatandaan.
- Mag-iniksyon ng 500 mg hydrocortisone (cortisol) sa kalamnan at ulitin matapos ang 4 na oras kung kailangan. O kaya, mag-iniksyon ng 20 mg dexamethasone sa kalamnan at ulitin matapos ang 6 na oras kung kailangan.
- Bantayan siya ng 8â12 oras para matiyak na hindi na bumalik ang mga palatandaan. Iwanan siya ng steroid na gamot na iinumin kung babalik ang palatandaan. Dapat uminom siya ng 500â1,000 mg ng hydrocortisone at ulitin matapos ang 4 na oras kung kailangan. O kaya uminom siya ng 20 mg ng dexamethasone at ulitin matapos ang 6 na oras kung kailangan.