Hesperian Health Guides

Kabanata 25: Tuberkulosis

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 25: Tuberkulosis

Sa kabanatang ito:

babaeng naghahandang uminom ng pildoras habang may isa pang babaeng nakatingin


Sa tamang paggamot, halos palaging napapagaling ang TB.

Isang seryosong sakit ang tuberkulosis (TB) na madalas umaapekto sa mga baga. Mas madaling kumalat ang TB kapag siksikan—halimbawa sa mga syudad, slum area, kampo ng mga lumikas, pagawaan at mga gusaling may opisina—laluna sa looban na hindi gaanong gumagalaw ang hangin. Mga dalawang bilyong tao (⅓ ng populasyon ng mundo) ang naimpeksyon ng TB at may mikrobyo ng TB sa loob ng katawan. Pero 15 milyon lang ang aktuwal na may sakit na TB sa ngayon.

Lubhang mapanganib ang TB sa mga taong may HIV. Pinapabilis ng TB ang paglala ng HIV, at pinapahina ng HIV ang immune system, kaya mas mabilis magbunga ng sakit na TB ang may impeksyon nito.

Kababaihan at TB

Apektado ng TB kapwa ang kalalakihan at kababaihan, pero mas kaunting babae ang nalulunasan. Halos 3,000 mga babae ang namamatay araw-araw mula sa TB, at ⅓ o higit pa ang namamatay dahil hindi nila alam na may TB sila o hindi nakakuha ng tamang panlunas. Puwedeng mas mahirap sa babae na malunasan dahil hindi niya maiwan ang pamilya at trabaho, o wala siyang pera para magbiyahe papunta sa klinika. Sa ilang mga lugar, maaaring umayaw magpagamot ang babae sa takot na itaboy ng asawa dahil ‘sakitin’ o masyadong mahina para magtrabaho. Sa babaeng may trabaho sa labas ng bahay, puwedeng ayaw niyang malaman ng employer dahil baka isipin nitong dapat siyang patalsikin para hindi mahawa ang katrabaho. Ang pag-aalaga ng maysakit na kapamilya ay nagpapataas din sa panganib ng babae na maimpeksyon ng TB.

Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024