Hesperian Health Guides
Paano malaman kung may TB ang isang tao
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 25: Tuberkulosis > Paano malaman kung may TB ang isang tao
Kung negatibo sa mga sputum test pero may palatandaan ng TB sa baga, dapat magpatingin sa health worker na marunong maglunas sa mga problema sa baga. Maaaring meron siyang pulmonya, hika o kanser sa baga
Ang karaniwang palatandaan ng TB ay pag-ubo na lagpas sa 3 linggo, laluna kung may kasamang dugo sa plema (mucus mula sa baga). Ang iba pang palatandaan ay ang kawalan ng gana sa pagkain, pagbaba ng timbang, lagnat, pagkapagod at pamamawis sa gabi.
Pero pagtest sa plema ang tanging paraan para matiyak na may TB. Para makakuha ng plema—at hindi laway lang—kailangang umubo nang malakas para may mailabas mula sa kaloob-looban ng baga. Pagkatapos, susuriin ang plema o sputum sa isang laboratoryo para makita kung may mikrobyo ito ng TB (positibo).
Kailangan 3 sputum test ang gawin. Kung may 2 man lang na positibo, dapat magsimula na sa paggamot ang babae. Kapag isang test lang ang positibo, ipa-test ulit ang plema, at kung positibo, maggamot na. Kung negatibo ang ikatlong test, dapat magpa x-ray sa dibdib, kung kaya, para matiyak na hindi kailangan maggamot. Dapat din magpatest sa HIV dahil karaniwan sa may HIV ang negatibo na sputum test.