Hesperian Health Guides

Ano ang TB?

Sa kabanatang ito:

Ang TB ay dulot ng isang maliit na mikrobyo o bacteria. Kapag nakapasok ang mikrobyong ito sa katawan ng babae, may impeksyon na siya ng TB, at malamang mananatiling ganito habambuhay. Karaniwa’y kayang labanan ng malusog na tao ang pagkakasakit, at mga 1 sa 10 lang na may impeksyon ang aktuwal na magkakasakit ng TB.

dibdib ng babae, na pinapakita ang kanyang dalawang baga
Ganito ang hitsura ng mga baga sa loob ng katawan.
Dagdag na impormasyon
AIDS

Minsan, laluna kung may HIV/AIDS, inaatake ng mikrobyo ng TB ang ibang organo ng katawan, ang mga kulani o lymph nodes, o mga buto at kasukasuan.

Pero kung ang tao’y mahina, malnourished, may diabetes, masyadong bata o matanda, o may impeksyon ng HIV, sinisimulang atakehin ng mikrobyo ang kanyang katawan. Madalas nangyayari ito sa baga, kung saan binubutas ng mikrobyo ang himaymay at sinisira ang mga daluyan ng dugo. Sa pagsisikap ng katawan na labanan ang sakit, napupuno ang mga butas ng nana at kaunting dugo.

Kung walang panlunas, nagsisimulang maupos ang katawan, at madalas namamatay ang tao sa loob ng 5 taon. Pero ang taong may HIV at TB ay maaaring mamatay sa loob lang ng ilang buwan kung walang panlunas.

Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017