Hesperian Health Guides
Paano naikakalat ang TB
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 25: Tuberkulosis > Paano naikakalat ang TB
Madalas nahahawahan ng mga babaeng may sakit ng TB ang mga anak at iba pang inaalagaan nila arawaraw.
Naikakalat ang TB kapag mai-ubo ang mikrobyo sa hangin ng taong may sakit. Nabubuhay ng ilang oras sa hangin ang mikrobyo ng TB.
Maikakalat sa iba ang mga mikrobyo ng taong may sakit ng TB sa baga. Pero hindi nakakahawa ang mga taong may impeksyon pero walang mga palatandaan ng sakit ng TB, at yung may TB sa ibang bahagi ng katawan (hindi TB sa baga).
Kung hindi malulunasan nang tama, makakahawa ang taong may sakit ng TB ng 10 pang tao bawat taon. Pero kapag nakagamit na siya ng medisina sa loob ng isang buwan, malamang ay hindi na siya nakakahawa.
Sa 1 taon, mga 10 tao ang mapapasahan ng impeksyon ng bawat taong may sakit ng TB. |