Hesperian Health Guides

Pagkilos para sa pagbabago

Sa kabanatang ito:

WWHND10 CH25-Page 391-2.png
WWHND10 CH25-Page 391-1.png

Para mabisang makontrol ang TB sa inyong komunidad, kailangan ng:

  • edukasyon sa komunidad at pamilya sa mga palatandaan ng TB at paano ito kumakalat. Hikayatin ang mga babaeng magpatingin kung may mga palatandaan ng TB.
  • sinanay na mga health worker o volunteer na sasali sa DOTS, at maghahanap at tutulong sa mga taong may sakit ng TB na maagang huminto sa paggamot. Dapat umangkop ang mga DOTS na programa sa pangangailangan ng bawat tao.
  • sapat na medisina para hindi maputol ang gamutan.
  • gamit sa laboratoryo at taong may kasanayan para magtesting ng plema.
  • magandang sistema para masubaybayan kung sino ang may TB, kumusta ang gamutan, at kailan napagaling ang tao.


Ang magandang programa sa TB ay dapat mag-alaga sa lahat ng may sakit ng TB, kasama na ang kababaihan. Makakatulong ang serbisyo sa TB sa mas maraming babae sa:

  • pagbibigay ng pangangalaga at gamutan sa bahay ng babae, o sa pinakamalapit na lugar na maaari.
  • pagsali sa mga komadrona at tradisyunal na tagapaanak sa mga programa ng TB screening at DOTS.
  • pagkumbinasyon ng TB screening at gamutan sa iba pang mga serbisyong pangkalusugan na malamang gagamitin ng kababaihan.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017