Hesperian Health Guides

Pagkilos para sa pagbabago

Sa kabanatang ito:

Maraming pagkamatay ang maiiwasan kung mas maraming kanser ang mas maagang matutuklasan at malulunasan. Para makatulong tungo rito, organisahin ang mga babae’t lalaki na isulong ang:

  • mas mahusay na screening sa kanser sa mga lokal na serbisyong pangkalusugan at sa kanayunan.
  • pagsasanay sa mga lokal na health worker na gumawa ng “visual inspection with acetic acid” (VIA) para sa kanser sa cervix, Pap smear, at eksaminasyon ng suso.
  • pagsasanay ng health worker at mga kagamitan para magawa ang cryotherapy.
  • dagdag na laboratoryo at sanay na teknisyan na babasa ng Pap smear.
  • mas mahusay na edukasyon at pagkilala ng komunidad kung paano umiwas sa kanser, sino ang nasa panganib, ano ang mga babalang palatandaan, at ano ang benepisyo ng screening sa kanser.
  • mas murang pangangalaga para sa kababaihang may kanser.

 murang mga HPV test, at mas mababang gastusin para alagaan ang mga babaeng may kanser.
Mahalaga rin para sa kababaihan na:

  • matutong gumawa ng pag-eksamin sa sariling suso.
  • malaman ang mga palatandaan ng kanser, laluna ng kanser sa matris, suso at cervix.


Kapag mas maraming alam ang tao tungkol sa mga bagay na malamang magdulot ng kanser, maaaring mas maiiwasan nila ang mga ito, na maaaring makapigil sa pagtubo ng maraming kanser. Tulungan ang komunidad na maunawaan na maiiwasan ang maraming kamatayan mula sa kanser, kung iiwasan ang paninigarilyo o pagngata ng tabako, at kung kakayanin ng kababaihang protektahan ang sarili mula sa mga INP.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017